Dahil na rin sa kagustuhan ng 2 blogger na magpost din daw ako ng mga bagay sa akin, ayan ginawa ko ito. (Oo, ganun ako kauto-uto.hehehe) Nagpost na ako ng kagaya nito dati, nasa page ko ngaun na Ako si Timangkey. Basahin mo rin un kung me panahon ka pa.
• Pang-apat ako sa 3 magkakapatid.
–
• Ayun sa aking mga magulang, “agtudo” ang unang word ko. 8 months daw ako noon.
–
• Minura ko daw ung pari na nagbinyag sa akin nang binuhusan nya ng tubig ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong age ako dito. Hindi ko din alam na me ganitong nangyari. hehehe
–
• Ni minsan, hindi ko pa naranasang magkaroon ng birthday cake. (gusto ko pa naman mag blow ng kendol)
–
• Ang una at huling regalo sa akin ni “Santa” ay isang remote control na kotse. (bakit kaya hindi na nasundan? Good boy naman ako.)
–
• “Bargan” ang tawag sa akin ng mga tito ko sa akin noong bata ako. Di ko alam ang meaning nun.
–
• Ang pinakaunang pagkain na niluto ko ng mag-isa ay Payless Instant noodles. Wala kasi tao noon sa bahay at sobrang gutom na gutom na ako. (hindi ko na matandaan kung masarap)
–
• Ang favorite color ko ay fos.. foch…fusi..fuch.. Black.
–
• Hindi ko nabibigkas ng maayos ang letrang R.
–
• Si spongebob ang favorite cartoon character ko. (kamukha ko kasi at parehas kami isipbata)
–
• Nakapatay na ako…. ng mga baboy. (so far baboy pa lang… mag level up kaya ako ng specie?wehehe)
–
• Nag start lang ako uminom ng alak noong 3rd year college na ako. (kailangan ko maghabol for those lost years.hehehe)
–
• Spaghetti ang favorite food ko.
–
• Mula pagkabata, basta natutulog ako gusto ko matulog ng nakatakip ang tenga. Kaya ngaun, basta matutulog kami ng misis ko, lagi nakapatong ang braso nya sa tenga ko.
–
• Mahilig ako magbasa ng kahit na ano lalo na kapag bored.
–
• Napalo kami noong practice ng graduation rites naming for elementary. Late kasi kami dumating dahil nagpatambling tambling kami sa mga tambak ng dayami sa bukid. (kakahiya, me speech pa naman ako)
–
• My very first painting is of me smoking. My second is of my daughter (not smoking). So far that’s it. Kakasimula ko pa lang naman.
–
• Hindi pa ako nakakatikim ng StarBucks. (Loser)
–
• Nakasanayan ko na ang magsabi ng “Ingat” sa mga taxi drivers pagkababa ko sa taxi nila, lalo sa gabi.
–
• I have the tendency of seeing 11:11 am/pm on digital clocks. I don’t know why but it really is very freaky when I started noticing it. It started when I was reviewing for the Boards. I was 22 then. (me nabasa ako sa internet about this thing)
–
• Kinagat ako ng 3 aso noong elementary ako. 21 all in all ang kagat sa akin. (pasalamat sila hindi pa ako umiinom noon)
–
• I was blind for almost a week when I was in grade 4. Hindi ko mamulat ang mga mata ko dahil sobra akong nasisilaw. Ilang araw na nakapiring ang mga mata ko para hindi ako masilaw. (ang hirap ng feeling)
–
• Hindi ko gusto ng Paksiw na isda. (yuck!)
–
• Noong nasa isang bldg sa Ortigas pa ang office naming, pinagtripan ko pindutin ung firealarm ng bldg. Nag alarm ang buong bldg. Kinuha ng guard ang name ko, pero wala naman ako natanggap na memo. (bwahahaha)
–
• Nagdadasal ako kapag kumakain, natutulog at pag magbyabyahe pero hindi ako nagsa sign of the cross.
–
• Kapag tumatawid sa kalsada at me mga babae, lagi ako doon sa in coming vehicles side. Lilipat sa kabilang side naman pagdating sa gitna. Natutunan ko ito ke Monette.
–
• Me scar ang right knuckles ko dahil noong bata kami, pagkatapos manood ng kungfu movie, sinuntok ko ung kawayan na post eng sampayan naming. (Basag ung kawayan, basag din ung kamao ko.)
–
• Me phobia na ako sa mga bus na paakyat at pababa ng Baguio. Minsan na ako nasakay sa isang bus na nawalan ng preno at bumanga sa gilid ng bundok. Buti hindi nahulog sa bangin. (thank God)
–
• Kasali ako sa Drum and Lyre competitions noong elementary. (I feel so cool then. Looking back, naaah)
–
• Hindi ako marunong lumangoy. (Kahit ung style ng aso hindi ko alam. Oh wait… oh never mind)
–
• Sinuntok ng doctor ang tyan ko noong tinutuli ako dahil sigaw daw ako ng sigaw. (Tinatakot ko lang naman ung mga susunod sa akin eh. Alang hiya talagang doctor un.)

57 mga puna
Mga punang ulat sa akdang ito.
Enero 18, 2010 Sa 2:13 hapon
glentot
Agtudo talaga ahaha Ilocano ba family ninyo?
Enero 19, 2010 Sa 1:06 umaga
timangkey
Opo. ilocano po ang family ko. =) Ilocano ka rin?
Enero 19, 2010 Sa 10:27 hapon
glentot
Yung tatay ko Ilocano kaya nakakaintindi ako (lingid sa kanyang kaalaman) kaya kapag nambababae sya nagIIlocano sila ng Uncle ko akala nila di ko gets ahahaha.
Enero 20, 2010 Sa 2:30 umaga
timangkey
hahaha ayos.
Enero 19, 2010 Sa 12:46 umaga
chingoy
seryoso ka sa Starbux na yan? huweeee????
Enero 19, 2010 Sa 1:08 umaga
timangkey
yep. seryoso yan. kaya nga loser eh.hehehe
Kaya sa mga mababait dyan na gusto ako ilibre sa Starbucks… ehem ehem
magparamdam naman kayo.hehehe
Enero 19, 2010 Sa 1:24 umaga
aninipot
haha, ako din never pa nakapag starbucks…wlang ganyan sa bundok namin..hehehe, wala din pala akong planong subukan.
hmm, dati rin akong nasisilaw 2 days nga lang, grade four yata un…absent nga ako…di ko alam ang dahilan, wholeday lang akong naligo sa dagat tapos pag-uwi ayon na…mas ok pa ang naka-piring kaysa masilaw, sobrang sakit sa mata.
hahaha, ang kulet mo.
Enero 19, 2010 Sa 1:51 umaga
timangkey
yeah. sobrang mahirap talaga un. i thought i was going to go blind. hindi ko din maenjoy pagkain. basta ang hirap.
Enero 28, 2010 Sa 8:39 umaga
J.Kulisap
Pang meyemen daw yon, tambay tambay, kulikot laptop habang making sipsip ng bumubulang kape.
Picture picture, post sa Fb, o kaya tweet.
Me here Starbucks greenbelt.
Nang-iingit ba yown?
Nabanggit mo ang dayami, di ba parang bundok yon, masarap magtumbling kahit makati di ba? Lalo na kapag bagong anihan ng mga palay.
Enero 19, 2010 Sa 1:08 hapon
etchosera
napaisip ako dun sa “pag natutulog kau ni misis mo dapat nakapatakip ng braso nia sa tenga mo” paano kaya un…
Enero 20, 2010 Sa 12:53 umaga
timangkey
parang niyayakap nya ako. pero sa mukha.hahaha
nasanay na rin xa eh. mula pagkabata ganun na talaga ako eh. pagme kasama ako matulog, alam na nila gagawin. pero xempre pag lalaki pag ginawa un sapakin ko.hahaha
pag ako mag isa natutulog me unan or kumot na tinatakip ko sa tenga ko.
Enero 19, 2010 Sa 1:36 hapon
Ax
teka, natuwa ako magbasa, may tinatapos pala akong work! hehe.
Enero 19, 2010 Sa 6:00 hapon
Ax
Natuwa talaga ako sa revelations.. At yung di ka makakita for one week. doon ako napahinto at napaisip. aw.
Enero 20, 2010 Sa 12:55 umaga
timangkey
hehehe. talagang nakakatakot un dati. i thought im going to go blind. buti naman hindi. me infection lang ata mata ko dati. matandaan ko naglaro kami sa bahay ng pinsan ko dati and umaakyat sa mga puno ng sinegwelas.
Enero 21, 2010 Sa 6:18 umaga
Ax
ah, okay. kase ako matatakot talaga ako.. it was weird and creepy at the same time.
Enero 20, 2010 Sa 3:15 umaga
Lionheart
Nice trivia naman… Hehe
Well, like you… Hindi dapat ang name ko ngayon ay unang pinag isipan nila na ipangalan sa akin… Hehe
Happy 2010!
Enero 20, 2010 Sa 3:37 umaga
timangkey
hehehe. ano ba name mo?
Enero 21, 2010 Sa 3:09 umaga
Nashyboy
geeeezzz minura mo yung pari na nag binyag sayo?? haha freaky
congrats sa Payless mine is Maggi (the one with free stickers) haha
say “maRs” (planet) hehe amp i have this friend she can’t pronounce letter R very well and I’m making fun of her
cool post! I love the snippets of your life
cheers!
it’s my first time here! visit my blog
Enero 21, 2010 Sa 5:41 umaga
timangkey
hehehe eh binuhusan ako ng tubig sa ulo eh. no one messes with my hair.hahaha
I cant roll my tongue and say like GRRRRR or KRRRR. kaya hindi ako makapagtawag ng manok.hehehe
Ei, thanks. Try reading the other posts. =)
ok il pay u a visit.
Enero 21, 2010 Sa 2:05 hapon
pruelpo
Igan Timangkey, ilan taon ka ba noon nang ikaw ay binyagan? Nakuha mong murahin si Father? hehe.
Enero 22, 2010 Sa 1:32 umaga
timangkey
i think i wa 1 or 2 years old. not sure. i see the pictures and i was very thin. sakitin ako noong bata ako eh.
Enero 24, 2010 Sa 8:19 umaga
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
hahahaha salbaheng bata ka. hahaha.
Enero 25, 2010 Sa 2:20 umaga
timangkey
wehehehe mabait ako daddy.hahaha
Enero 22, 2010 Sa 12:33 umaga
livingstain
nakakatuwang mabasa yan, inonote ko yan…
valedictorian ka pala sabi ng tita ko.
Enero 22, 2010 Sa 1:33 umaga
timangkey
hmmmm… baliktorian.hehehe
Enero 22, 2010 Sa 6:06 umaga
pinkdiaries
wahaha, natawa ako sa kolor na gustu mua, sige tama, blak na nga lang.. ahahha,
bakit mu naman minura pare? wahaha..
anu yung agtudo, at bargan?
ahahah, natatawa ako sa sa mga sinabi mu, ayan hndi tuloy sunud sunud ung comment ko, ahaha, natatawa talaga ako! lol!!
Enero 24, 2010 Sa 8:20 umaga
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
hehehe safe sabihin ung black….buti na lang hindi red na kapag i-spell ay r-i-d.
Enero 22, 2010 Sa 9:29 umaga
timangkey
wehehehe ikaw pa lang natawa dun.hehehe ayos
binuhusan nya ulo ko ng tubig eh.=P
agtudo means uulan.
hehehe
Enero 25, 2010 Sa 8:56 umaga
pinkdiaries
aahh, i see.. may new post nako..
Enero 22, 2010 Sa 1:26 hapon
Vajarl
Api(r) api(r) sa paksiw na isda! Kade(r)de(r) Yan! Lahat ng isdang may sabaw nakakadi(r)i!
Enero 24, 2010 Sa 3:09 umaga
timangkey
wehehehe grrrrrr.hahaha
Enero 28, 2010 Sa 8:40 umaga
J.Kulisap
Kung ayaw mo ng paksiw at para hindi masayang, iprito mo. Masarap sa sinangag.
Enero 23, 2010 Sa 3:46 umaga
bonistation
ayaw ng paksiw na isda! (yuck!) tawa ko ng tawa taragis kaarte mo haha! may speech ka nung elementary so valedictorian kapa!~ talino naks! bakit kaya wala ka pang cake gang ngayon? hmm. isang panawagan na ba yan!? hekhek!
ung 11:11 sa clock? pag titingin ka palagi natatapat sa ganung oras?! nakakatakot ba un dahil weird? or ano? ano daw ibig sabhin? kasi ako naman palagi ako natatapat sa mahirap na bahagi yun bang nasa 37,42,43,53,54,56 hehe mahirap basahin pag nasa part na un ung malaking kamay ng orasan.
Enero 24, 2010 Sa 3:11 umaga
timangkey
wehehehe ayaw ko ng paksiw eh.hahaha
uu panawagan yan.hahaha
basta ung 11:11 meron yan nasusulat sa internet. something about angels. ewan ko.
Enero 23, 2010 Sa 4:00 umaga
Sows
preho tayong maka spageti at “loser”! haha! pero peborit ko paksiw na bangus!! yummy! hnd ako mrunong mg swim but ung sa aso? hmm..
Enero 24, 2010 Sa 3:14 umaga
timangkey
hahaha… napaisip?=P
Enero 24, 2010 Sa 8:21 umaga
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
i lab spageti too!
Enero 24, 2010 Sa 11:49 hapon
Sows
kainan n!!
Enero 23, 2010 Sa 5:36 umaga
teentoinks
Pang apat sa tatlong magkakapatid? – Sorry ako lang yata ang slow… nagbilang kasi ako ng daliri ko sa kaliwang kamay… lima naman sya (yung sa kanan bibilangin ko pa!). Hmm.. sorry naguluhan ako, dapat maguluhan ka rin kung ano koneksyon nyan!! hahaha
Naks… Valedictorian!
Paksiw na isda (yuck) – Lol… ang lantod! ahihihi
11:11?? Curious lang… ano ba meaning nyan?
Di rin ako marunong lumangoy, pero nag i-slide ako at ang babagsakan ko 6ft(deep). Queber kung malunod, makapag slide lang! hahaha
Enero 24, 2010 Sa 3:19 umaga
timangkey
wahaha slide. actually ikaw pa lang ata nakapansin dun.hahaha magisa lang naman ako.
Enero 24, 2010 Sa 8:22 umaga
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
buti na lang nagbasa ako ng comments kundi itatanong ko rin sana ang pag-apat sa tatlong magkakapatid.
Enero 25, 2010 Sa 2:26 umaga
timangkey
hahaha, wala nga maxado pumansin dun. akala siguro typo.hahaha
Enero 23, 2010 Sa 11:13 umaga
i kill the suckingbird
• Nakasanayan ko na ang magsabi ng “Ingat” sa mga taxi drivers pagkababa ko sa taxi nila, lalo sa gabi.
hahahaha. bakit kaya?
Enero 24, 2010 Sa 3:06 umaga
timangkey
alam ko kasi madami holdaper. naholdap na kasi ako dati. =)
Enero 24, 2010 Sa 8:23 umaga
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
john lloyd, ikaw ba yan?
Enero 23, 2010 Sa 12:51 hapon
gerald
11:11 ang birthday ko, ano ba meaning daw nun kapag lagi ka nakakakita ng ganyang number sa clock? nangyayari din saken yan eh..
Enero 24, 2010 Sa 3:20 umaga
timangkey
search mo sa internet. madami dun tungkol sa mga nakakakita ng 11:11.
Enero 24, 2010 Sa 8:26 umaga
Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD
aylabdispost!!! sobrang nag-enjoy ako! hahahaha.
haha, kakatuwa ung sinuntok ka ng doktor…
Enero 25, 2010 Sa 2:51 umaga
timangkey
hehehe actually masakit talaga nung tinutuli ako.hehehe naiimagine ko kasi na ginagawa.
Enero 24, 2010 Sa 8:29 umaga
20 RANDOM THINGS ABOUT ME « Felmar's Missionary Journey
[...] Timangkey – Things About Myself That You Don’t Need to Know But I Tell You Anyway Possibly related posts: (automatically generated)WHAT’S IN A NAME?BOMOTO NA TAYO!!!2009 BASE [...]
Enero 24, 2010 Sa 10:07 umaga
joan
I lab it. karas na tuloy kita. lols! hahaha. hmmmm nahiwagaan ako sa 11:11.. hehe
Enero 25, 2010 Sa 2:55 umaga
timangkey
madami mababasa tungkol dyan sa internet. =)
Enero 26, 2010 Sa 6:10 umaga
tsenn`
sabi nung magtatawak nung nagEB kami nung minsang nachorva ako ng pusa namin, pag daw silaw ka sa normal na sikat ng araw e me rabies ka..
kasali rin ako sa drum and lyre nung elementary. binenta ni mommy un lyre ko nun hayskul ako, at alam ko hindi pa rin nababayanaran hanggang ngayon. tsk.
kuya, Starbucks tayo. Loser din ako. hahaha!
Enero 26, 2010 Sa 6:15 umaga
timangkey
ano ako aso?hahaha
marunong din ako maglyre.hahaha
Starbucks? sige, hanap tayo dito manlilibre sa atin.hahaha
Enero 28, 2010 Sa 3:51 umaga
joan
Sama ko!! hahahha
Pebrero 13, 2010 Sa 5:03 umaga
eloiski
at ilocano word ang unang salita… ano kaya sa akin? hakhak! ilokano ka ngang talaga!
at apir tayo dyan! hindi pa ako nakakatikim ng kape mula sa starbucks! hahahha!
Pebrero 19, 2012 Sa 5:37 hapon
The Donnie Ray
nakarelate ako dun sa 11:11, sa paksiw, magbasa ng kahit ano pag bored at hindi nagsa sign of the cross.
Anyway, nice one! dapat gumawa rin ako ng ganito!