Well, hello there? Musta na? Tagal din natin hindi nakakapagusap ah. Miss ba ako ng tatlong readers ko?
I’ve been very busy (kunwari) for the past months. I only managed to write 1 post in a span of almost 5 months. Eh dati naman 2 posts kada lingo. Sana makahiligan ko ulit ang magsulat.
Nga pala, Happy New Year!!! Pasensya na kung medyo late. Ganun talaga eh, huli man daw ang timangkey, matalino pa rin. Bawi na lang ako sa pagbati next na holiday.
Happy Valentines!!!
Ayan, nakabawi na ako.
Nakakabagot din pala kapag naubusan ka ng basura na itatapon sa cyberespasyo. Nag general cleaning kasi sa utak ko last year kaya wala akong maikalat dito sa blog ko. Mararamirami na rin ako naikalat na kalokohan, kabulastugan, kabastusan dito. Nagtayo ng kulto na na me isang taon na mahigit ngunit wala pa sumasali. Mura lang naman ang registration fee. Pero for the last 5 months talagang wala ako oras para magsulat kahit magbasa sa ibang bahay. Napagtripan ko pa sumulat ng kwento. Naaalala mo si Dean? Ako hindi na. Gusto ko matuloy ang kwento nun kasi gusto ko malaman kung ano mangyayari. Sana this year. Sana. Lumipas din anibersaryo ng bahay ko na hindi ko man lang nacelebrate. Kung me bumati pa sana ay kung nagkataon nilibre ko at pinainom ko, sky is the langit.
Wala na rin ako balita sa mga kaibigan dito. Sino sino pa ba mga active dyan? Paramdam naman kayo. Sino sino mga naputulan ng kamay noong Bagong Taon? Magcomment naman kayo.
Dahil bagong taon, sana bumalik ulit ang dating gana sa pagsusulat. At dahil bagong taon, ililista ko na lang mga bagay at kurokuro na aking natutunan at napag isipisip nitong nakaraang taon:
- Ang shelf life ng New Year’s Resolution ay 2 weeks to 2 months lang.
- Mas bagay tawagin itong New Months Resolution.
- Nakakainis na kung kelan Bagong taon pinaiiral ng militar at ng mga rebelde ang kanilang “Tigil Putukan”. Mga lintik kayo, eh kung tigil putukan kayo buong taon tapos sa New Year ninyo ibuhos para mas maingay! Para kahit hindi na magpaputok mga bata!
- Ang paputok ay hindi lang pantanggal ng malas, pantanggal din ito ng mga daliri.
- Ang mga bata karaniwang napuputukan sa kamay, ang mga bading sa pwet.
- Mas makakatipid ka kapag magdala ka ng recorder at irecord mo lahat ng putukan na maririnig tuwing bagong taon. Ipatugtog mo na lang ito ng pagkalakas lakas kapag alas dose na. Pwede ulit ulitin. At pwede pa gamitin next year.
—————-
- Maglock ng pinto kapag gagamit ng cr…. Lalo ng kapag hindi mo bahay.
- Kung kelan ka walang pera saka ka madaling magutom.
- Ang tagalog pala ng Gray ay Putim.
- Hindi nasusukat ang kagandahan sa panlabas na anyo, kundi sa panloob… na suot.
- Wag papasok sa office ng bukas ang zipper… lalo na kapag wala kang panloob.
- Ang pantalon ay pwede ding panlakad, pantakbo, pantulog, etc.
- And Ibong Adarna kapag naiputan ka, titigas ka. Si Ellen Adarna, makita mo pa lang…
- Wala akong kwentang kausap.
Oh siya! Balitaan nyo ako. Sana tuloy tuloy na ulit ito.

25 mga puna
Mga punang ulat sa akdang ito.
Enero 10, 2011 Sa 11:21 umaga
shea
base!
taya ka!
Enero 11, 2011 Sa 9:22 umaga
timangkey
sige manlilibre ako. lol
Enero 12, 2011 Sa 7:48 umaga
shea
ahaha.. magpakita ka muna. dali, san ka manlilibre?
Enero 12, 2011 Sa 9:05 umaga
timangkey
kahapon lang yung offer.bwehehe. la na po pera.
Enero 10, 2011 Sa 4:33 hapon
The Gasoline Dude
Welcome back to blogging! Ituluy-tuloy mo na ‘yan, sayang ang talent.
Enero 11, 2011 Sa 9:22 umaga
timangkey
talent? san? hehehe
Enero 10, 2011 Sa 11:46 hapon
Vajarl
Ako nga hindi pa nag iistart sa new year’s resolution ko nitatamad na ko ituloy. Haha.
Enero 11, 2011 Sa 9:23 umaga
timangkey
at ano naman ang new years resolution mo?
Enero 11, 2011 Sa 1:33 umaga
salbehe
Bwahahahaha! Sana nga magtuloy tuloy ka na uli sa pagsusulat.
Hindi nasusukat ang kagandahan sa panlabas na anyo, kundi sa panloob… na suot.
Ay layk!
Enero 11, 2011 Sa 9:24 umaga
timangkey
hehehe alam ko gusto mo yan. kaso wala ka naman ata nung ganun… hahaha
Enero 12, 2011 Sa 12:30 umaga
Vajarl
I like! Parang jungle themed underwear!
Enero 11, 2011 Sa 3:47 umaga
taribong
Haha panlima ako! Maligayang bagong taon, timangkey!
Enero 11, 2011 Sa 9:25 umaga
timangkey
panglima ka nga. tenkyu. same to you
Enero 12, 2011 Sa 10:11 umaga
Pong
welcome back kuya tim,
ikaw lang naman ang bumibisi alam ko sa previous post mo nagcomment ako na magupdate ka na!
nakakamiss ang paunahan sa pagbeys, parang Blog Months Resolution lang, kasi hindi na uso ang paunahan hahaha
sige na mapagpalang Bagong Taon sa iyo kuya tim, at madami pang Mindsturbator na darating!
hehe
Enero 12, 2011 Sa 10:34 umaga
timangkey
hehehe maraming salamat Pong.
Enero 13, 2011 Sa 4:36 umaga
aninipot
wala ka paring kupas sir lawrence..
o sya, happy new year nalang, ayoko nang i-quote yong mga sinbi mo baka maging sirang plaka ako…hahaha
Enero 13, 2011 Sa 7:53 umaga
timangkey
oo born again kami… wala akong christmas.
Enero 13, 2011 Sa 4:46 umaga
J. Kulisap
Walang kupas kahit hindi ka naman bagong damit.
Hello Tim.
A blessed new year to you and to your family.
Enero 13, 2011 Sa 7:56 umaga
timangkey
Walang kupas, kupal lang ako. lol
tenx tenx
Enero 19, 2011 Sa 12:03 hapon
yuuki-chan
” Ang shelf life ng New Year’s Resolution ay 2 weeks to 2 months lang.”
Kaya hindi na ako gumagawa ng resolution na pwede naman gawin kahit anong araw.
Enero 19, 2011 Sa 12:40 hapon
abou
aantayin ko yung chinese new year. dun na lang ako gagawa ng new years resolution. kahit di ako intsik, un ang sinusunod ko. wala lang
Pebrero 2, 2011 Sa 12:03 umaga
sows
Ellen Adarna makita mo pa lang.. anoooo? magsalita kaaaa?
hehe.
kakatuwa nman at nagbalik ka na. ako kung kelan may datkom na tska tinamad at wlang maikwento. ayun. so cge ia alive ko rin ang aking personal na bahay. bring it on!
Pebrero 5, 2011 Sa 1:06 umaga
BON
happy new year! HAHA inaabangan ko ang kwento ni DEAN! ano na?! wag ka ganyan dapat ituloy mo un! wag mambibitin amp! hehee
sana tuloy tuloy na uli yan!!!
Pebrero 21, 2011 Sa 9:26 umaga
yiN
pucha ka tim. hahaha. taena ka talaga. bumalik ka na.
Pebrero 21, 2011 Sa 3:20 hapon
Dorm Boy
Kelan ka ult magbblog men?