Nasabi ko na na mahilig ako mag isip. Dahil nga sa mahilig ako mapag isa, madalas kung ano pumapasok na kalokohan sa isip ko. Napagtritripan ko ang mga tao sa paligid.

Noong ako sa nasa kolehiyo pa lamang sa Baguio, nakatira ako sa boarding house malapit sa campus. Bale 5 kwarto ung pinapaupahan sa bahay na un. Solo ko ang isang kwarto. Sa isang kwarto naman apat na magpipinsan. Sa isa pa, 2 babaeng magkaibigan. Sa isang kwarto pa ay 2 pang babae. Hindi nagtagal naging kaibigan ko na din sila lahat.

Tuwing Friday evening lamang ako umuuwi sa bahay namin para magpalaba sa bahay (tamad ako maglaba). Umaakyat pabalik ng Baguio tuwing Sunday evening. Ganun din gawain nung magpipinsan. Tuwing umuuwi ako ng bahay ay kinakandado ko ang aking kwarto ngunit iniiwan ko ang susi sa me portrait ni Mary sa me kusina. Pinapaiwan kasi ng apat na magpipinsan, dahil madalas nauuna silang dumadating sa akin tuwing Linggo at gusto nila makinood sa aking TV. Hilig nila manood sa Wowow.hahaha Dahil mabait ako at mukha naman sila mapagkakatiwalaan, iniiwan ko ang susi. Kaya madalas, nadadatnan ko na sila sa kwarto ko, nanonood.

Isang Linggo, napaaga ako ng akyat sa Baguio. Pagdating ko sa dun wala pa sila. Tambay lang ako dun. Tapos nakita ko ung anak ng me ari ng boarding, nakikipaglaro sa mga manok sa likod. Tinawag ko ang bata.

Sabi ko, “Boy halika dito”. (lapit xa)
“Ikandado mo nga ako dito sa loob ng kwarto, tapos ilagay mo ung susi sa portrait ni Mary sa kusina”.

Masunurin naman ang bata.hehehe

Nag antay ako. Gabi na, wala pa tao (patay, gutom na ako).

Tapos narinig ko na dumating ung isa sa magpipinsan. Maya-maya pa, dinig na dinig ko pagpunta nya kusina para kunin ang susi. Tayo agad ako sa me harap ng pinto. Maswerte xa at hindi ko na sinuot ung kumot…. =P

Advertisements