You are currently browsing the monthly archive for Oktubre 2009.

***Due to much confusion, I have decided to change the title. Sana wala na ma-confuse.hehehe***

“Me mga bagay na hindi natin nakikita kahit kahit anong lapit na sa ating mga mata. …..Gaya ng muta.”

“Ang taong lumilingon sa pinanggalingan, walang side mirror”

Para sa mga lalaki “Bakit palaging itlog ang kinakagat ng langgam at hindi ang itets? Andaming parte na pwedeng kagatin sa loob ng brip, bakit laging itlog? Hindi ka ba nagtataka?”

“Ang kaligayahan ay laging nandyan. Hindi nawawala. Kaya merong mga taong malungkot ay dahil hindi nila nakikita ang kaligayahan na nasa paligid lang nila.”

“Kung gusto mo na mamatay at gusto mo magbigti ngaun pasko, Mag suot ka muna ng mga Xmas lights, para kahit wala ka na sa mundong ito, magsisilbing kang palamuti sa mga taong naniniwala pa rin sa mensahe ng pasko at maganda ang buhay”

“Sa aking pagtanda, nalaman ko na napakadaming hayop ang kasing lasa ng manok”

“Naisip mo ba na lahat ng mga kaisipan at mga kowts na nabasa at naintindihan mo sa buong buhay mo, ay maari sanang ikaw ang nagsulat? Naunahan ka lang na magsulat ng kung sino man ang me akda ng kaisipan na un.”

“For every action, there is an equal and opposite cut!”

“Sinasabi nila na ang buhay ay parang gulong. Minsan ikaw ay nasa ibabaw minsan naman nasa ilalim. Ito ang problema ko sa kasabihang ito…. Wala pa akong nakitang sasakyan na nasa ibabaw ang gulong. Except siguro ung naaksidente at tumaob na sasakyan. Bakit hindi nila linawin at sabihing, ang buhay ay parang isang parte sa gulong. Or better yet… Ang buhay ay parang elevator!”

“Minsan, nasasabi mo na mas mahal mo ang isang tao kesa mahal ka nya. Para sabihin ko sayo, hindi nasusukat ang pagmamahal. Hindi gaya ng distansya na kaya sukatin ng metro, hindi gaya ng bigat na kaya sukatin ng gramo, hindi gaya ng oras na pwede sukatin ng segundo. Kung nasusukat ang pag-ibig, sa dami na ng taong nagmahal, meron na sana nakaimbento ng paraan ng tamang pagsukat nito. Pero wala… dahil hindi nasusukat ang pagmamahal. Wag ka na magsukat… Magmahal ka na lang!”

Pagtitiwala.

Salitang madalas pinagwawalang bahala lang natin.

Kundisyon na madalas hindi abot ng ating kaunawaan ang tunay na kahulugan.

Sitwasyon na kung saan kapag andiyan na, malamang sa hindi ay magdudulot ng labis na sakit at pighati.

Pagtitiwala.
Madaming iiyak na babae at mga bading.

wahahaha. =P

***Due to much confusion, I have decided to change the title. Sana wala na ma-confuse.hehehe***

“Hindi lahat ng liwanag, tinutulungan ka makakita. Minsan ang mismong liwanag na un ang magtatago ng mga bagay na gusto mong makita. Gaya yan ng flashlight… hindi ka makakakita kapag nakatutok sayong mata ang ilaw.”

“Kung tungkol sa problema sa relasyon ang pinag-uusapan, madalas sabihin ng mga nagpapayo ng gamitin mo ang ulo mo instead of puso. Pero hindi ba confusing yun for us guys? Which one?”

“Whenever I am involved in a toss coin, I always go for the head. I like getting head.”

“Lagi ko iniisip kung ang mga lalaking kuba ay mga bading lang na nabuntis.”

“Paanong naging maganda ang pagmamahal kung sa bawat isang tao na napasaya ng pagmamahal, me 2 o higit pang nasasaktan.”

“Minsan pag nasosobrahan ng alak ang lalaki, after a while lumalaki ang tyan. Ganun din sa babae.”

“Love and Lust starts with the same letter, but everything else is different.”

“Wala tama na akala.”

Para sa mga bading “Ang male ay hindi naitatama ng isa pang male.” =P

“Jokes are half_meant. Joklas are half-men.”

“Siguro maganda kung pagkaanak pa lang ay nalalaman na kung bading ang isang sanggol….
Ina: “Doc, ano po anak ko?”
Doc: “It’s gay””

“Experience is the best teacher. But some of its students are idiots.”

“Justice is blind. Love is blind. Isa na lang pwede na sila magcombo sa ilalim ng tulay.”

“Minsan kapag nakaapak ka ng tae sa kalsada, nagagalit ka doon sa tae. “Tanginang tae yan…”
Di mo na lang inisip na mas nauna xa sayo dun. Ikaw ang nang agaw ng space.”

Wag maxado seryoso sa buhay.

Kaya nga ginagamit ang word na seryoso/serious sa mga delikado at masamang bagay eh.

“He is in serious condition”

“We have a serious problem”

“Seryoso na lagay nya”

etc…

So dont be so serious…..

sabi nga, “Live life to the Foolest”. =P

Noong isang araw habang papunta sa sakayan si timangkey, me nadaan xa magsyota. Nagyoyosi si lalaki. Si babae naman ay parang inis at nagsasalita lang.

Hindi pinansin ni timangkey. Habang nag aantay, sindi muna ng yosi.

Ayan! me sasakyan na. Pumarada. Walang pang sakay.

Sakay si timangkey. Nakikinig ng music.

Biglang sumakay ang magsyota. Una si lalaki. Me hawak itong celpon. Pinagpapawisan. Punas ng punas sa pawis nya. (hindi naman ganun kainit) hmmmm…

Sumunod sumakay si babae. Galit na galit na xa. Pinagsasalitaan ng kung ano ano si lalaki. Dedma lang si lalaki. Kinakalikot lang ni lalaki ang celpon.

“Gago ka talaga! Akin na yang celpon..” sabi ng babae.

Hindi ko maxado marinig kasi malakas ako magpatugtog ng music. Kaya hininaan ko konti.hahaha (usisero si timangkey)

“Gago ka! Bigay mo sa akin yan” ani ni babae sabay inaagaw ang celpon. Pero malupit mag box out ang lalaki. (siguro nagbabaskebol)

Hindi pa rin umaandar ang jeep. Nag aantay ng mga pasahero. Me sumakay na mag asawa. Tinginan sila ng mapansin ang drama na nagaganap sa loob ng jeep. Pero kunwari patay malisya sila.

Itong si timangkey naman, nag eenjoy. Nakaisip na naman pagkakaabalahan. Nakapatong ang kamay sa bag na nakapatong sa kanyang lap.

Sinuntok ng babae ang balikat ng lalaki. Dedma si lalaki, kinakalikot pa rin ang celpon nya. Punas pa rin ng pawis. Si timangkey naman, umangat ang isang daliri sa kaliwang. (walang hiya, nagiiskor ang timangkey)

“Tangina mo! Gago ka talaga!” sabi ng babae. (angat pangalawang daliri sa kaliwang kamay ni tmangkey) 2-0

Biglang sinunggaban ng babae ang celpon. Si lalaki mabilis. Naharangan nya ng balikat ang babae. Bigo si babae. (angat ang isang daliri ni timangkey sa kanang kamay) 2-1

“Bakit ba? Celpon ko ito ah! Ano problema mo?” sabi ng lalaki. pero hindi pagalit. parang natatakot. Pinapawisan pa rin. (hindi kaya natatae ito? kanina pa pinapawisan)

(kahit walang conviction ang pagsagot ng lalaki, angat ang pangalawang daliri ni timangkey sa kanang kamay) 2-2

Naiiyak na ngaun ang babae. “Akin na yan! Pakita!” sabi ni babae. (nag-isip si timangkey…. umangat pangatlong daliri sa kanang kamay) 2-3

Nahahalata na ng mag asawa ang ginagawa ng timangkey. Nangingisi ang matandang babae.

“Akin na yan!” sabi ni babae sabay sampal sa mukha ni lalaki.

“Ang kapal kapal ng mukha mo!” sampal ulit. sapul pa rin mukha ni lalaki (at least hindi na nya kailangan punasan pawis nya. tumalasik na eh)

(Angat pangatlo at pang apat na daliri ni timangkey sa kaliwang kamay) 4-3

Patuloy pa rin sa pagkalikot ng celpon ang pawisang lalaki. Nagbubura ata. (nagisip si timangkey… iiskoran ba nya ang lalaki sa bawat mabura nyang message?…. hmmm.. hindi na, hindi naman nya makita eh.)

“Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na si babae. sinabunutan si lalaki sabay sunggab sa celpon.

Nasaktan ata si lalaki sa sabunot. Nakuha ni babae ang celpon. (5-3)

Pero akmang magbabasa ang babae, inagawa ulit ni lalaki ung celpon. (Humahanga na si tmangkey sa lalaki. Magaling talaga.hahaha idol) 5-4

“Tang-ina mo!” sabi ni babae. sabay suntok ng 3 beses sa balikat ni lalaki. Umiiyak na ang babae. (hmmmm…) 6-4?

Nahihiya na siguro si lalaki sa nangyayari, bigla itong bumaba (Ngaun ka pa nahiya). Iniwan ang babae na umiiyak sa jeep. Pero hindi pa nakakalayo ung lalaki, bigla bumaba si babae. Hinabol sa lalaki. Deadma lang ang lalaki kahit kinakausap (minumura) ng babae.

Final Score? 6-4.. Panalo si babae.

Pero panalo ng ba? hmmm….

Pinalakas muli ni timangkey ang music…. at nagmuni-muni…

“Walang Matigas na Titinapay sa Mainit na Kapepe”

Its election season once again.

Lahat ng pulitiko nagpapapansin. Nagpapapogi (nagpapaganda). Lahat ng posibleng magawa para makalamang sa mga kalaban, gagawin.

Madami na akong election na nakita at matanggal ko na naisip ito…

“Bakit wala pa rin akong nakikitang gumagamit ng nickname na Wisely?”

Diba gumagamit naman sila mga nicknames? at considered valid votes naman sila?

Parang si Noli De Castro “Kabayan”. Si Joseph Estrada “Erap”. Si Mar Roxas “Mr Palengke”… etc…

Kung ako sa kanila, bata ka pa lang at kung me balak ka maging pulitiko… ipalayaw mo sa sarili mo ay Wisely.

Me mga free Ads ka na all over the place.hehehe

And also…

“Wala pa akong nakikitang alak na ang name ay Moderately”

I think they should do that. Imagine me free advertisement ka everytime me advertisement ang mga competitors mo? =P

Nakakainis talaga pag exams…

Sabi nila bawal ang kumain ng itlog pag me exams.

pero

Kumain daw ng mani pag me exams, kasi pampatalino daw yun.

Unfair sa aming mga lalaki!!!!

=P

Gawin mo ang mga ito minsan…

Tanungin ang saleslady sa dept store… “Miss meron ba kayong Extra Medium nito?”

Tanungin ang saleslady sa bookstore… “Miss me mapa ba kayong binebenta na hindi aerial view?”

Sabihin sa KFC crew habang umoorder… “Miss, one-piece bucket meal

Tanungin sa tindera sa sari-sari store (para lang sa mga mukhang adik at nakakagets kung ano ung tsongke)… “Miss, meron ba kayong tindang TSONGKE?”…..
“Ung Pyorfods Tsongke”

Pagbababa ka na ng taxi, mag abot ng 10 piso at sabihing “Estudyante po“… sabay mag-antay ng sukli.

Umupo minsan sa harap ng jeep at magpanggap ng Kundoktor ng driver. Pakialaman ang pagsusukli at pagkuha ng bayad.

Tumayo sa bus kahit maraming bakanteng upuan.

Sumakay ng tricycle, kapag nakaandar na ng ilang metro, sabihin mo “Para dyan sa tabi.”… sabay abot ang bayad.

Pumara ng jeep tapos wag ka sumakay.

Tanungin ang presyo ng lahat ng tinda ng nagtitinda ng isaw, bbq, etc… tapos mag thank you at wag ka bumili.

Maglagay ng mga link sa blogroll mo na papunta rin sa link mo o mga nakaraang Post mo. Lagyan ng magandang pangalan para maakit ang mga tao gaya ng Sexy Krisstie, Hot Aileen, Cutie Angels Blog, Confessions of a College Bitch, or something…

Masarapan balikan ang pagkabata.

Masarap sariwain ang mga alaala ng tumatak sa ating murang isipan. Mga alaala noong tayo ay mumos pa lamang.

Napakasimple ng buhay noon.

Naaalala ko pa noong ako ay apat na taong gulang, nakatira kami sa isang kubo sa gitna ng bukid. Naaalala ko pa ang maliit na puno ng sampalok sa gilid na kubo. Maliit lamang ang kubo na un. maliit pa sa pangkaraniwang kwarto. Kasya lang ang isang kama na kung saan kami natutulog.

Naaalala ko ang aking paglalaro sa puno ng sampalok na un, habang si nanay ay nagluluto sa labas ng aming kubo.

Naalala ko din ang aking paglalaro sa bukid habang si tatay ay nag-aararo. Minsan pinagbabato ko ang mga ibong lumilipad. Minsan nanghuhuli ng tutubi. Minsan din sumasakay ako sa kalabaw habang hawak hawak ako ni tatay.

Bago ako naglimang taong gulang lumipat kami ng bahay. Mas malapit na ito sa paaralan kung saan nagtuturo si nanay. Guro si nanay sa Ikaapat na baitang sa elementarya noon.

Ang ordinaryong araw ko ay nagsisimula sa paggising sa umaga at laro kaagad.hehehe
Pagkatapos ay kakain na ako ng agahan. Pagkakain ng agahan laro ulit hanggang oras na para sa Batibot/Sesame Street (hindi ko na maalala basta alam ko pinapanood ko sila pareho). Laro ulit hanggang tanghalian na. Sa hapon naman natutulog ako pagkatapos uminom ng aking gatas (Birch Tree ata un). Magigising ako bandang hapon na at pupunta sa paaralan kung saan nagtuturo si nanay. Lumalakad ako sa gilid ng mga palayan at sa ilalim ng mga puno

Pagdating ko sa kwarto kung saan nagtuturo si nanay. Diretso ako sa harapan at sabay kiss kay nanay. Pagkatapos ay babatiin ako ng magandang hapon ng kanyang mga mag-aaral. Ako ay pupuwesto sa mesa ni nanay sa bandang likuran at doon pinagbubutingting ko ang mga gamit… stapler…calculator…bolpen… kung ano2.

Paguwian na. Mapapaalam na ang mga ate at kuya sa akin. Dadating naman si tatay para sunduin kami ni nanay. Bibili ng isang boteng softdrinks at skyflakes. Merienda muna. Kasya na sa amin ung 12 oz na coke at isang skyflakes.hehehe

Uuwi kami at maglalakad ulit sa ilalim ng mga puno at sa gilid ng palayan. Ako syempre nauuna kasi pabibo ako.hehehe

Madami pa ako nakakatuwang alaala noong ako ay bata pa lang. Mga alaala ko sa nayon hanggang sa lumipat kami sa bayan noong ako ay 8 taon na.

-Ang paglalaro namin ng taguan sa ilalim ng malalaking puno ng akasya. Malapit un sa abandonadong bahay na lagi naming sinasabi na me multo.

-Ang pagpunta namin sa sapa para manghuli kunyari ng isda at kung ano2 pang water creatures. Bale 3 ang sapa ang aking natatandaan na meron doon. Patungo sa iisang ilog.

-Ang paglalaro ng ‘prisoner’ sa ilalim ng 2 malaking puno ng mangga sa paaralan.

-Ang pagpunta ko sa tindahan ni aling leoning na kung saan ako ay lagi bumibili ng pagkain ko na Zoom-Zoom (ung me free na maliliit na laruan sa loob). Minsan ay hindi na ako pinagbabayad dahil tuwang tuwa sila sa akin.

-Ang pagpunta namin sa bahay ng pinsan ko na kung saan kailangan mo tumawid ng 3 ilog, isang sapa, maraming palayan at isang burol para marating.

-Ang mga “adventures” namin ng aking matalik na kaibigan na si John Rey… pagpunta sa tito nya kung saan kami nangunguha ng mga prutas (mangga, bayabas, kasuy)… paghahanap ng mga gagamba sa kung saan2… paghuhukay ng mga kamote at singkamas… paghahanap ng perfect Y parang gawing tirador… pagpunta sa ilog para maligo kahit binabawalan kami… pagpunta sa tuktok ng burol para tumambay…
Sobrang close kami ni John Rey. Dahil na rin siguro magkasing edad kami at wala akong kapatid.

-Ang alaala ko sa malakas na lindol noong ako ay nasa unang baitang sa elementarya.

-Ang pagpapraktis namin magbisekleta gamit ang lumang at kulay berde na bisekleta ko.

-Paglalaro namin ng trumpo, lastiko, holen, teks, etc… (depende sa season. me season din mga laruan dati.)

-Ang mga paborito kong palabas gaya ng Bioman, Shaider, Perfect Strangers, Tiger Sharks, Karate Kat, etc…

-Ang mga bonding moments namin ni tatay sa pagpapastol ng mga kalabaw at kambing sa burol. Ang mga bonding moments namin ni nanay sa paglalakad ng ilang kilometro para makasakay ng jeep papuntang bayan.

Sobrang dami pa ng mga magagandang alaala ko sa aking kabataan. Mga alaalang hindin hindi ko hahayaan makalimutan. Ang bawat kaganapan at bawat “adventure” ay maaari na ring gawing isang mahabang post dito. Nais ko ibahagi sa inyo lahat ngunit ako ay hindi ganoon kagaling magsulat upang maipadama ko sa inyo ang saya ng bawat isa. Mas masaya kung ikaw mismo ang nakaranas.

Napaka sarap balikan ang pagkabata…

Balikan mo din ang sayo…

Timangkeylendaryo

Oktubre 2009
L T M H B S L
« Sep   Nov »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031