Noong isang araw habang papunta sa sakayan si timangkey, me nadaan xa magsyota. Nagyoyosi si lalaki. Si babae naman ay parang inis at nagsasalita lang.
Hindi pinansin ni timangkey. Habang nag aantay, sindi muna ng yosi.
Ayan! me sasakyan na. Pumarada. Walang pang sakay.
Sakay si timangkey. Nakikinig ng music.
Biglang sumakay ang magsyota. Una si lalaki. Me hawak itong celpon. Pinagpapawisan. Punas ng punas sa pawis nya. (hindi naman ganun kainit) hmmmm…
Sumunod sumakay si babae. Galit na galit na xa. Pinagsasalitaan ng kung ano ano si lalaki. Dedma lang si lalaki. Kinakalikot lang ni lalaki ang celpon.
“Gago ka talaga! Akin na yang celpon..” sabi ng babae.
Hindi ko maxado marinig kasi malakas ako magpatugtog ng music. Kaya hininaan ko konti.hahaha (usisero si timangkey)
“Gago ka! Bigay mo sa akin yan” ani ni babae sabay inaagaw ang celpon. Pero malupit mag box out ang lalaki. (siguro nagbabaskebol)
Hindi pa rin umaandar ang jeep. Nag aantay ng mga pasahero. Me sumakay na mag asawa. Tinginan sila ng mapansin ang drama na nagaganap sa loob ng jeep. Pero kunwari patay malisya sila.
Itong si timangkey naman, nag eenjoy. Nakaisip na naman pagkakaabalahan. Nakapatong ang kamay sa bag na nakapatong sa kanyang lap.
Sinuntok ng babae ang balikat ng lalaki. Dedma si lalaki, kinakalikot pa rin ang celpon nya. Punas pa rin ng pawis. Si timangkey naman, umangat ang isang daliri sa kaliwang. (walang hiya, nagiiskor ang timangkey)
“Tangina mo! Gago ka talaga!” sabi ng babae. (angat pangalawang daliri sa kaliwang kamay ni tmangkey) 2-0
Biglang sinunggaban ng babae ang celpon. Si lalaki mabilis. Naharangan nya ng balikat ang babae. Bigo si babae. (angat ang isang daliri ni timangkey sa kanang kamay) 2-1
“Bakit ba? Celpon ko ito ah! Ano problema mo?” sabi ng lalaki. pero hindi pagalit. parang natatakot. Pinapawisan pa rin. (hindi kaya natatae ito? kanina pa pinapawisan)
(kahit walang conviction ang pagsagot ng lalaki, angat ang pangalawang daliri ni timangkey sa kanang kamay) 2-2
Naiiyak na ngaun ang babae. “Akin na yan! Pakita!” sabi ni babae. (nag-isip si timangkey…. umangat pangatlong daliri sa kanang kamay) 2-3
Nahahalata na ng mag asawa ang ginagawa ng timangkey. Nangingisi ang matandang babae.
“Akin na yan!” sabi ni babae sabay sampal sa mukha ni lalaki.
“Ang kapal kapal ng mukha mo!” sampal ulit. sapul pa rin mukha ni lalaki (at least hindi na nya kailangan punasan pawis nya. tumalasik na eh)
(Angat pangatlo at pang apat na daliri ni timangkey sa kaliwang kamay) 4-3
Patuloy pa rin sa pagkalikot ng celpon ang pawisang lalaki. Nagbubura ata. (nagisip si timangkey… iiskoran ba nya ang lalaki sa bawat mabura nyang message?…. hmmm.. hindi na, hindi naman nya makita eh.)
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na si babae. sinabunutan si lalaki sabay sunggab sa celpon.
Nasaktan ata si lalaki sa sabunot. Nakuha ni babae ang celpon. (5-3)
Pero akmang magbabasa ang babae, inagawa ulit ni lalaki ung celpon. (Humahanga na si tmangkey sa lalaki. Magaling talaga.hahaha idol) 5-4
“Tang-ina mo!” sabi ni babae. sabay suntok ng 3 beses sa balikat ni lalaki. Umiiyak na ang babae. (hmmmm…) 6-4?
Nahihiya na siguro si lalaki sa nangyayari, bigla itong bumaba (Ngaun ka pa nahiya). Iniwan ang babae na umiiyak sa jeep. Pero hindi pa nakakalayo ung lalaki, bigla bumaba si babae. Hinabol sa lalaki. Deadma lang ang lalaki kahit kinakausap (minumura) ng babae.
Final Score? 6-4.. Panalo si babae.
Pero panalo ng ba? hmmm….
Pinalakas muli ni timangkey ang music…. at nagmuni-muni…
36 mga puna
Comments feed for this article
Oktubre 23, 2009 Sa 4:41 umaga
tsenn'
base ba kuya timmy?? :]
hahaha naloka ako dun sa iskoran na ginagawa mo. astig! kung kasabay kita sa jeep mapapangisi rin ako. at baka icheck ko pa kung tama ang scoring mo. hanggaleng galeng! 😀
wala akong pakialam dun sa iskandalosong magsyota. pinupuri ko ang mala-grimm-brothers-story-telling at iskoring mo! benta! 😀
Oktubre 23, 2009 Sa 4:54 umaga
timangkey
ayos! base nga. =)
ikaw ata pinakamasugid ko mambabasa.hehehe
me premyo ka sa xmas.hehehe
Oktubre 23, 2009 Sa 6:53 umaga
precious
aba teka, second beys! hehe..ang loko mo, buti hindi cla napatingin sau kundi pati ikaw nakatikim! haha..
hang kulet mo!
Oktubre 23, 2009 Sa 8:39 umaga
tsenn'
tambay kaya talaga ako dito. me reading corner na nga ako dito e. hahaha. 🙂
parang alam ko na kung ano un premyo ko. wahaha. omg sana xmas na XD
Oktubre 23, 2009 Sa 8:45 umaga
timangkey
hahaha… ayos.
thanks sa pagtangkilik mo.hahaha
lagi din ako sa site mo
Oktubre 23, 2009 Sa 9:13 umaga
tsenn`
pagtangkilik talaga??
feeling ko tuloy me imbisibol commercials tong blog mo kuya. hahaha. weird :p
Oktubre 24, 2009 Sa 5:42 umaga
timangkey
@ precious – hehehe bakit naman ako makakatikim? hindi naman sila sure kung sila nga iniiskoran ko. i might just be exercising my fingers.hahaha
Oktubre 23, 2009 Sa 7:04 umaga
lababo
grabe ah.. pwede na sa wrestling na tga score!
ang olats naman ng mga ganun. hindi makaintay na mag away sa pribadong lugar.
Oktubre 23, 2009 Sa 7:13 umaga
timangkey
hehehe… uu nga.
pero oks lang. i had entertainment for a while.
grabe talaga. natatawa ako sa hitsura nila. ung lalaki, todo pwais nininyebyus.hahaha
si girl, gigil na gigil. hindi makita ung celpon.hahaha
mahal mo ba ashes?=P
Oktubre 23, 2009 Sa 7:29 umaga
lababo
mahal mo ba ashes? ha? anu daw?
Oktubre 23, 2009 Sa 7:45 umaga
timangkey
hahaha… just my stupid mind thinking of things…
Your name. =)
nevemind… just had to get it out there.
just the way i am. =)
Oktubre 23, 2009 Sa 7:47 hapon
lababo
gets ko na kaninang hapon after you replied to this. love abo pala. haha. kelangan ko pang umupo sa trono para magets.
Oktubre 23, 2009 Sa 1:16 hapon
Dorm Boy
Now ko lang nalaman kwentong to. iniscoran mo pala sila! Me panalo nga ba? hehee
Oktubre 24, 2009 Sa 5:24 umaga
timangkey
ahehehe eh nasa gen san ka eh.
un nga iniisip ko eh. sino panalo dun?hahaha
Oktubre 23, 2009 Sa 3:33 hapon
Ax
Tim, base sa istorya mo.. parang ang trophy ay na kay guy.. kaso ayun lang. continued forever ang mangyayari. hindi na masusubaybayan. hehe. tingin ko lang si guy ang nagwagi, hindi nakuha ni gelay ang gusto niyang makuha.. at naprotektahan ni guy ang dapat nyang protektahan.
Makapaglaro nga ng basketball.
Oktubre 23, 2009 Sa 3:35 hapon
Ax
sayang lang.. sana tie yung score nila.. para alam mo na, may overtime.
defense! defense!
Oktubre 24, 2009 Sa 5:27 umaga
timangkey
uu nga eh. kaso during that time un ung naisip ko na score.hehehe
pero ayos ung lalaki ang galing. patay malisya.hahaha
walang pakialam sa mga suntok at sampal nung girl. mas malaki pa si girl sa kanya.hahaha
Oktubre 24, 2009 Sa 6:42 umaga
jason
nice
may mga nangyayare pala talagang ganyan. ang lupet at nag-iiskor ka pa hahahaha
sana vinideo mo
lol
hahhahahha
pero kawawa namn yung babae. haaha
Oktubre 24, 2009 Sa 6:44 umaga
timangkey
hindi ko na navideo eh.
sayang nga eh.
yup i agree, kawawa ung babae. ok lang nasapak naman nya ung guy.hahaha
Oktubre 24, 2009 Sa 7:43 umaga
shynyrd
akala ko, bagong modos operandi ng mga magnenenok ng cp.. hehehe..
ayos ang scoring. tingin ko talo si babae…
kasi emotional pain yung nafeel niya. eh si lalaki kahit suntukin mo sa b yun wala lang.. hehehe
kasi malamang sa hindi may babae si lalaki kaya ganun mag react si babae tas caught in the act kaya di na rin maka react si lalaki..
ahahha ginawan ng conclusion..
sa point of view ko lang naman yan.. hehehe
Oktubre 26, 2009 Sa 2:34 umaga
timangkey
hehehe… me point ka dyan.
mas masakit nga ung emotional pain.
pero MMA at boxing rules ginamit ko pagscore.hahaha
Oktubre 24, 2009 Sa 7:43 umaga
shynyrd
binigyan mo tuloy ako ng idea na i-share din yung mga xp ko sa jeep hahaha…
Oktubre 26, 2009 Sa 2:39 umaga
timangkey
Sige sige… share mo. basahin namin. =)
Oktubre 24, 2009 Sa 8:13 umaga
yhen
dapat nagreferee ka nalang eh… ehhe… mhrap mging audience lalo na kapag patago ang pagtingn at pag iscore… hhehhe
bkit dka pala naki alam? hehe
Oktubre 26, 2009 Sa 2:46 umaga
timangkey
hehehe hindi na ako nagreferee… wala akong dala stripes na shirt.hahaha
wala din ako dalang pito.
mahirap makialam eh. baka ako suntukin nung babae.=P
Oktubre 24, 2009 Sa 11:40 umaga
walongbote
ang lakas naman ni eba.. haha.. parang lalaban lang sa BOXING kung makusontok ah.. hahaha.. ibang klase.. sweat ako d2..
Oktubre 26, 2009 Sa 2:50 umaga
timangkey
oo… Eba ksingero ung eba.hahaha
Oktubre 24, 2009 Sa 4:00 hapon
stormy
kawawa naman yung babae.. sana hindi nlang nya pinansin..
sana nag-walk out na lang sya.. sana umuwi nlang sya mag-isa..nag muka lang tuloy sya engot.. sana..sana…
ehem.. na-carried away ako..hahah:p
Oktubre 26, 2009 Sa 2:54 umaga
timangkey
na carried away ka nga.hehehe
sila na carried “AWAY”!hahaha
Oktubre 25, 2009 Sa 3:06 hapon
blu.sparks
naku nakakahiyang eksena..pang youtube sana ang drama nila..hahaha
Oktubre 26, 2009 Sa 2:56 umaga
timangkey
nakakatuwang eksena.hehehe
youtube ba? hindi ba ung.. ano na kasi un… pulatube?hahaha
Oktubre 25, 2009 Sa 11:21 hapon
Akrebley
Hindi dapat dinadala ang ganoong away sa public place. Yung babae walang delikadesa at yung lalake walang isip. Pumunta na lang sana sila sa lugar na walang tao at nag-usap ng maayos. Tsk tsk tsk. Kung nandun ako ire-record ko ang away nila either audio or video. Minsan lang may ma-tsempuhan na ganyan, sayang ang opportunity.
Oktubre 26, 2009 Sa 3:00 umaga
timangkey
uu nga. sana nga navideo ko… hahaha
kaso hindi na ako makaka score ng maayos. kailangan concentration dun. matinding concentration.hahaha
Oktubre 26, 2009 Sa 3:14 umaga
Akrebley
pero puwede mo naman balikan sa video yung mga parts na naka-score sila diba. hehehe!
Oktubre 26, 2009 Sa 5:21 umaga
kaye
palagay ko, ang talo e tayo…ikaw na nag-score, at kami na nakabasa ng post mo kasi di natin nalaman kung ano talaga ang rason ng pag-aaway nila eh. hahahaa!
pero tama. ayos ka nga sa storytelling…
wala bang part two? 🙂
Oktubre 26, 2009 Sa 5:35 umaga
timangkey
hahaha malamang wala ng part 2…
unless makita ko ulit silang 2 at hindi pa rin natuto ung guy na mag erase ng messages before makipagkita sa gf nya.hehehe