Kahapon after so many years (elementary pa ata since last visit ko), nakapunta ulit ako sa sementeryo ng November 1.

Ngaun ko lang narealize ulit kung bakit “Piyesta” ang tawag dito. Para nga talagang piyesta. Daming tao. Daming nagtitinda ng mga pagkain, mga laruan at kung ano2ng abubot. Nagpipicnic ang mga tao. Parang nalipat lang ang plaza sa sementeryo. Piyestang Piyesta.

Masaya naman ang muli ko pagpunta sa sementeryo.

Ngaun, tungkol naman sa taytol ng Post na ito. “Amoy kandila”. Hindi ko ginawa itong post na ito para ikuwento ang nangyari noong pumunta kami sa sementeryo.

Ito ay para lang ibahagi ko sa inyo ang kalokohan namin dati.

Ikaw ba ay minsan na out of nowhere ay biglang nakakaamoy ng kandila? Diba sinasabi nila na meron daw nagpaparamdam na kaluluwa. Im sure minsan pag nakaamoy ka nga ng kandila out of nowhere eh minsan natatakot ka rin at tinatayuan ng balahibo.

Ganito ang kalokohan namin dati. Kunwari kapag ikaw ay nautot at walang tunog, sabihin mo sa mga kasama mo, “Me nagpaparamdam na kaluluwa. Naamoy nyo ung amoy kandila?” (dapat seryoso ang pagkakasabi)

Xempre sila naman ay pilit aamuyin ang “amoy kandila”. Pilit lalanghapin at hahagilapin ng ilong ang hinahanap na amoy ng nagpaparamdam. At malas lang nila, kung medyo matindi ang iyong pinakawalan, baka malasahan pa nila.

Advertisements