***Due to much confusion, I have decided to change the title. Sana wala na ma-confuse.hehehe***

“Kung ayaw mo ma-zero sa susunod mong exams, uminom ka muna bago mo kunin iyon. Para siguradong me Tama ka.”

“Sa larong Tumbang Preso, pantay pantay lang ang Havaianas mo at ang Spartan ko.”

“Ano kaya ang past tense ng “Can Think”?”

“Libre lang ang Mangarap. Ang pagtupad nito ang me bayad na pagod, pawis, hirap, oras at kung minsan, pwede na ring pera.”

“They say, A bird in the hand is worth 2 in a bush. I don’t know about you, but I’d rather have the bird in the bush.” =P

“I think the original saying goes like this “When there is a Will, there is Away.””

“Alam nyo ba na ang tawag dati sa upuan ay “salumpuwit”?. Yan ang ni suggest ng mga taong maka pilipino dati. Naisip namin, ano tawag sa brief? “Salongganisa”? “Salongtalong”?… Eh paano sa panty? “Salongguhit”?”

“Hindi lahat ng nilalabasan ay Exit.”

“Mas maikli ang buhay ng lapis na ginagamit kesa sa lapis na hindi. Ngunit hindi nasusukat sa haba ng buhay ang tatak na iniwan mo sa mundo. At kung lapis ka man, piliin mo ang mas maikling buhay sa pamamagitan ng pagiwan ng mga kaisipan na tatatak at matatandaan ng mundo kahit ikaw ay eraser na lang.”

Advertisements