You are currently browsing the monthly archive for Disyembre 2009.

“Pasko ang panahon kung kelan ang pagpukpok sa lata, na tinatawag nating “ingay” sa ibang panahon, ay nagiging “jingle/music”.”

“Napakadaming bayag ni Christmas.”

“I think sa Pasko, didikitan ko ng Xmas card ung suot kung brief. To: You ….. From: Me” =P

“Bakit wala pa gumagawa ng Christmas edition na condoms? Ung mukhang gift wrapper. Me print na Christmas tree or Santa or parol or snow flakes etc. Tiyak patok un.” =P

“Inverted ang xmas tree ng mga girls…. lagyan natin ng xmas balls.”=P

“Si santa ang idolo ng mga akyat bahay.”

Sinabi ko na ito dati pero basta… “Si Little Drummer Boy ang unang taong papansin.”



(dagdagan ko na lang ito by the coming days… pagod utak ko.)



Pasko na naman. Hindi ako naniniwala sa Pasko. I mean oo, maganda ang ipinapahiwatig ng Pasko. Pagmamahalan. Pagbibigayan. Etc etc. Pero hindi ako naniniwala na ito ang kaarawan ni Jesus. (oh ok, it’s another one of those debates that could go on and on and on) Basta its my personal opinion. But everything else about Christmas is good I suppose. It’s not that I don’t pay respect to Jesus that I refuse to greet him a Happy Birthday. But then again, how would you feel if they greet you Happy Birthday when its not you birthday and your birthday is still months away?

Moving along, naiisip ko ang mga ginagawa natin tuwing pasko. Bigayan ng regalo, kabikabilang party, inuman, kainan. Napakasaya ng atmosphere. Parang walang problema ang mundo. Is it a good thing? I guess so. Depending on who you ask perhaps.

Sa kabila ng mga kasayahan, magagandang laruan, magagarang damit, masasarap na handa, me mga tao pa rin na hindi makasabay sa mga ganitong bagay. Merong mga pamilyang walang regalo, me mga batang walang bagong laruan o magarang damit. Meron pa ring mga pamilya sa lansangan na ang handa sa Noche Buena ay lugaw. Lugaw na kahit sa pangkaraniwang araw ay hindi papatusin ng ibang tao. Pero hindi ko sinasabing hindi sila masaya. Madami dyan na kahit wala ang mga bagay na nabanggit ay masaya pa rin. Nasa loob nila ang kasayahang hindi nakasalalay sa mga bagay na un. Nasa loob nila ang diwa ng pasko. Pero hindi bam as masaya sana kung meron din sila ng mga iyon?

Kaya sa pasko, bago ka magreklamo sa regaling natanggap mo, bago ka magreklamo na wala ka bagong damit, bago ka magreklamo na hindi masarap ang handa or kulang ang handa nyo, isipin mo sila. Sila na ang mga meron ka sa araw araw, ay meron lang sa kanila pag Pasko (minsan kahit pasko wala pa).

Maligayang Pasko sa Lahat. =)

Advertisements

Pag-ibig ng ama sa kanyang anak.

Madalas na natin marinig ang kasabihan na wala ng hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Kung iisipin, totoo nga naman. Nanggaling mismo sa sinapupunan nila ang kanilang mga anak. Inalaagan at nakasama nila ang mga ito bago pa man lumabas sa mundong ibabaw.

Pero paano naman ang mga ama? Dugo din nila ang dumadaloy sa mga ugat ng kanilang mga anak. Parte din sila ng buong pagkatao ng mga ito. Pero sa mata ng karamihan, mas lamang pa rin ang pagmamahal ng isang ina kesa sa isang ama.

Noong ako ay nag-aaral pa lamang, at pag naglalakad lakad lang sa palengke sa baguio, nakakakita ako ng mga ama kasama ang kanilang mga anak. Mga tatay na construction worker, tindera, o di kaya namamasura. Nakikita ko sila na bitbit or aka yang kanilang mga munting anghel. Me hawak na tinapay o pansit o kung ano man na binili para sa kanyang anak. Me nakakasabay din sa jeep na mga construction worker, tapos kalong ang anak, habang ung bata aliw na aliw na nilalaro ang simpleng laruan na bigay ng kanyang tatay.

Ewan ko kung bakit, pero dati pa natutuwa ako sa mga eksenang ganito. Ewan kung bakit mas natutuwa ako pag nakakita ng ama kasama ang kanyang anak kesa pag nakakita ng mag ina. Dahil ba hindi pangkarinawan para sa mga lalaki na magpakita ng mga ganitong ugali? Dahil ba mas normal para sa atin ang pagmamahal ng isang ina?

Ilang lingo lang ang nakalipas ng kumain kami sa Jolibee sa Guadalupe ng misis ko, at me napansin na naman ako mag-ama. Sa tabing mesa lang sila kumakain. Medyo matanda na ang lalaki. Kumakain ng Chicken Joy. Ang anak naman ay kumakain ng burger steak. Pinasyal ata nung lalaki ang kanyang anak. Sarap na sarap sila sa pagkain. Ung bata pa, kinukwento ung napuntahan nila. Tanong ng tanong sa tatay nya. Habang ako ay kumakain, pinagmamasdan ko lang sila. Bakas sa mukha ang simpleng kaligayahan. Nakakatuwa… lalo na para sa isa ring ama.

Tagal ko na hindi nakakapost…. waaah

Wala din blog hop.

Buset kasi, dami problema sa work.

“Natutunan ko na wag na wag makikipaglalaro ng luksong baka sa tunay na baka.”

“Mahilig ang mga bading sa boxing at MMA. Dahil mahilig sila sa backbackan.”

“Naaalala ko pa na meron kaming kabarkada dati na si Jutheric Michael na kung tawagin naming ay Juther. Sabi ko sa kanya na hindi xa pwedeng mag NPA. Panget pakinggan.”

Noong nagrereview pa ako madalas magisa ako kung umuwi sa La Union sakay ng bus. Minsan ng pauwi ako for All Saints Day, nakaupo na ako sa bus nagbabasa ng libro. Medyo puno na pero wala ako katabi. Me miss na sumakay, luminga linga at tinanong ako.

“Me nakaupo ba?” sabay turo sa upuan sa tabi ko.
Ako naman, siraulo, tinitigan ung upuan. Tapos kinapa kapa….
“Miss, wala.” At nagpatuloy na ako sa pagbabasa.

“Kapag tumae ang mga bading, naiisip ko na tinatapik na lang nila ang pwet nila, malalaglag na.” =P

“Malaki siguro ang _________ ni Big Foot.”wehehe

Sumakay ako sa MRT kanina. Tapos me narinig akong patalastas. Hindi ko na alam kung para san ung patalastas na iyun. Ang narinig ko lang ay ganito,

“Ayun sa statistics, mas mahaba ang buhay ng mga taong nakatapos ng college kesa sa hindi nakatapos ng highschool.”

Inisip ko…. DUH!!!
(isipin mo)

“Naiimagine ko minsan ang hitsura ng kabayong nakakain ng dahon marijuana.”

Theory naming noong high school, “Basta tatae ka, iihi at iihi ka rin.” Hindi ka naniniwala? Isipin mo ito next time na gawin mo. =P

Uso sa school ang tanungan ng grades…
Kaibigan: “Timangkey, ilan grade mo sa Math?”
Timangkey: “ISA lang. Bakit ikaw ba dalawa? asteeeeg.”

PAA ang missing word sa Big Foot statement! Paa… paa… Bastos ka! =P

Timangkeylendaryo

Disyembre 2009
L T M H B S L
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031