“Pasko ang panahon kung kelan ang pagpukpok sa lata, na tinatawag nating “ingay” sa ibang panahon, ay nagiging “jingle/music”.”

“Napakadaming bayag ni Christmas.”

“I think sa Pasko, didikitan ko ng Xmas card ung suot kung brief. To: You ….. From: Me” =P

“Bakit wala pa gumagawa ng Christmas edition na condoms? Ung mukhang gift wrapper. Me print na Christmas tree or Santa or parol or snow flakes etc. Tiyak patok un.” =P

“Inverted ang xmas tree ng mga girls…. lagyan natin ng xmas balls.”=P

“Si santa ang idolo ng mga akyat bahay.”

Sinabi ko na ito dati pero basta… “Si Little Drummer Boy ang unang taong papansin.”



(dagdagan ko na lang ito by the coming days… pagod utak ko.)



Pasko na naman. Hindi ako naniniwala sa Pasko. I mean oo, maganda ang ipinapahiwatig ng Pasko. Pagmamahalan. Pagbibigayan. Etc etc. Pero hindi ako naniniwala na ito ang kaarawan ni Jesus. (oh ok, it’s another one of those debates that could go on and on and on) Basta its my personal opinion. But everything else about Christmas is good I suppose. It’s not that I don’t pay respect to Jesus that I refuse to greet him a Happy Birthday. But then again, how would you feel if they greet you Happy Birthday when its not you birthday and your birthday is still months away?

Moving along, naiisip ko ang mga ginagawa natin tuwing pasko. Bigayan ng regalo, kabikabilang party, inuman, kainan. Napakasaya ng atmosphere. Parang walang problema ang mundo. Is it a good thing? I guess so. Depending on who you ask perhaps.

Sa kabila ng mga kasayahan, magagandang laruan, magagarang damit, masasarap na handa, me mga tao pa rin na hindi makasabay sa mga ganitong bagay. Merong mga pamilyang walang regalo, me mga batang walang bagong laruan o magarang damit. Meron pa ring mga pamilya sa lansangan na ang handa sa Noche Buena ay lugaw. Lugaw na kahit sa pangkaraniwang araw ay hindi papatusin ng ibang tao. Pero hindi ko sinasabing hindi sila masaya. Madami dyan na kahit wala ang mga bagay na nabanggit ay masaya pa rin. Nasa loob nila ang kasayahang hindi nakasalalay sa mga bagay na un. Nasa loob nila ang diwa ng pasko. Pero hindi bam as masaya sana kung meron din sila ng mga iyon?

Kaya sa pasko, bago ka magreklamo sa regaling natanggap mo, bago ka magreklamo na wala ka bagong damit, bago ka magreklamo na hindi masarap ang handa or kulang ang handa nyo, isipin mo sila. Sila na ang mga meron ka sa araw araw, ay meron lang sa kanila pag Pasko (minsan kahit pasko wala pa).

Maligayang Pasko sa Lahat. =)

Advertisements