You are currently browsing the monthly archive for Enero 2010.

Dashboard.

Yan ang una natin pinupuntahan kapag mag open ng blog. Titignan kung me mga bagong comment. Kung ilang ang bumisita. Aling mga post ang nabisita noong nakaraang linggo. Tinitignan kung me mga interesado pa ba sa mga pinagsusulat kong walang kwenta.

Minsan, tinitignan ko ang Top Searches. I think ito ung mga nitype nilang words sa isang search engine tapos ng magreturn ng results kasama ang blog mo sa pinakitang mga resulta. (but then i could be wrong, un lang palagay ko ang ibig sabihin nun using the very little logic i have.)

Madami na rin ako nakitang search words na nag associate sa blog ko. “Bob Ong quotes”, “nakakatawang kowts”, “quotes sa pagibig”, “kasabihang nakakatawa”, “timangkey”, “talambuhay”,
“buhay ng tindera”, etc, etc… (hindi accurate mga wordings dyan, but you get what i mean… Madami din weird na searches dati, kaso hindi ko na matandaan.)

Tapos, kahapon… habang tinitignan ko ang blog ko. Napadpad ulit ang atensyon ko sa Top Searches at ito ang nakita ko.

Ganun ba kahalay ang mga post ko? (okay don’t answer that one)… I mean me nipost na ba ako even remotely close to what that search is saying? napagisip tuloy ako. what the hell is wrong with people today? tsk tsk

Advertisements

Dahil na rin sa kagustuhan ng 2 blogger na magpost din daw ako ng mga bagay sa akin, ayan ginawa ko ito. (Oo, ganun ako kauto-uto.hehehe) Nagpost na ako ng kagaya nito dati, nasa page ko ngaun na Ako si Timangkey. Basahin mo rin un kung me panahon ka pa.

• Pang-apat ako sa 3 magkakapatid.

• Ayun sa aking mga magulang, “agtudo” ang unang word ko. 8 months daw ako noon.

• Minura ko daw ung pari na nagbinyag sa akin nang binuhusan nya ng tubig ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong age ako dito. Hindi ko din alam na me ganitong nangyari. hehehe

• Ni minsan, hindi ko pa naranasang magkaroon ng birthday cake. (gusto ko pa naman mag blow ng kendol)

• Ang una at huling regalo sa akin ni “Santa” ay isang remote control na kotse. (bakit kaya hindi na nasundan? Good boy naman ako.)

• “Bargan” ang tawag sa akin ng mga tito ko sa akin noong bata ako. Di ko alam ang meaning nun.

• Ang pinakaunang pagkain na niluto ko ng mag-isa ay Payless Instant noodles. Wala kasi tao noon sa bahay at sobrang gutom na gutom na ako. (hindi ko na matandaan kung masarap)

• Ang favorite color ko ay fos.. foch…fusi..fuch.. Black.

• Hindi ko nabibigkas ng maayos ang letrang R.

• Si spongebob ang favorite cartoon character ko. (kamukha ko kasi at parehas kami isipbata)

• Nakapatay na ako…. ng mga baboy. (so far baboy pa lang… mag level up kaya ako ng specie?wehehe)

• Nag start lang ako uminom ng alak noong 3rd year college na ako. (kailangan ko maghabol for those lost years.hehehe)

• Spaghetti ang favorite food ko.

• Mula pagkabata, basta natutulog ako gusto ko matulog ng nakatakip ang tenga. Kaya ngaun, basta matutulog kami ng misis ko, lagi nakapatong ang braso nya sa tenga ko.

• Mahilig ako magbasa ng kahit na ano lalo na kapag bored.

• Napalo kami noong practice ng graduation rites naming for elementary. Late kasi kami dumating dahil nagpatambling tambling kami sa mga tambak ng dayami sa bukid. (kakahiya, me speech pa naman ako)

• My very first painting is of me smoking. My second is of my daughter (not smoking). So far that’s it. Kakasimula ko pa lang naman.

• Hindi pa ako nakakatikim ng StarBucks. (Loser)

• Nakasanayan ko na ang magsabi ng “Ingat” sa mga taxi drivers pagkababa ko sa taxi nila, lalo sa gabi.

• I have the tendency of seeing 11:11 am/pm on digital clocks. I don’t know why but it really is very freaky when I started noticing it. It started when I was reviewing for the Boards. I was 22 then. (me nabasa ako sa internet about this thing)

• Kinagat ako ng 3 aso noong elementary ako. 21 all in all ang kagat sa akin. (pasalamat sila hindi pa ako umiinom noon)

• I was blind for almost a week when I was in grade 4. Hindi ko mamulat ang mga mata ko dahil sobra akong nasisilaw. Ilang araw na nakapiring ang mga mata ko para hindi ako masilaw. (ang hirap ng feeling)

• Hindi ko gusto ng Paksiw na isda. (yuck!)

• Noong nasa isang bldg sa Ortigas pa ang office naming, pinagtripan ko pindutin ung firealarm ng bldg. Nag alarm ang buong bldg. Kinuha ng guard ang name ko, pero wala naman ako natanggap na memo. (bwahahaha)

• Nagdadasal ako kapag kumakain, natutulog at pag magbyabyahe pero hindi ako nagsa sign of the cross.

• Kapag tumatawid sa kalsada at me mga babae, lagi ako doon sa in coming vehicles side. Lilipat sa kabilang side naman pagdating sa gitna. Natutunan ko ito ke Monette.

• Me scar ang right knuckles ko dahil noong bata kami, pagkatapos manood ng kungfu movie, sinuntok ko ung kawayan na post eng sampayan naming. (Basag ung kawayan, basag din ung kamao ko.)

• Me phobia na ako sa mga bus na paakyat at pababa ng Baguio. Minsan na ako nasakay sa isang bus na nawalan ng preno at bumanga sa gilid ng bundok. Buti hindi nahulog sa bangin. (thank God)

• Kasali ako sa Drum and Lyre competitions noong elementary. (I feel so cool then. Looking back, naaah)

• Hindi ako marunong lumangoy. (Kahit ung style ng aso hindi ko alam. Oh wait… oh never mind)

• Sinuntok ng doctor ang tyan ko noong tinutuli ako dahil sigaw daw ako ng sigaw. (Tinatakot ko lang naman ung mga susunod sa akin eh. Alang hiya talagang doctor un.)

Nakabasa ka na ba
Ng entry post na basura?
Nagblog hop ka na ba
Ng gabi hanggang umaga
Yan ang tanong namin
Blogger ka ba tulad namin?
Naisip mo na ba
Icocomment sa iba?
Laging online pero
Di nagtratrabaho
Pati na rin kung
Nasa bahay tayo
Ang blogging minsan ay mahirap
Ang blogging minsan ay puro pasakit
Ang blogging ay may kakayahang
Makilala ang inyong pangalan
Ang blogging minsan
Ang nagbibigay ng aming kasiyahan.

Last Saturday, me na-received ako na text. Hindi naka save ung number na un sa phone ko. Ito ang sinasabi ng text message.

“Ito n ne roaming # ko ngpdla ako ng 20thousand jan ito control#3782897315 western union ko pndla Mgdla kyo ng vlid ID Plodan mo muna to ng 300 wala na to load”

Marahil nakakatanggap na rin kayo ng mga ganitong mga text message. Ako gusting gusto ko magreply sa mga ganito. Ito nireply ko.

“Wahahaha. Padalhan kita ng 50k gus2 mo? Pero upakan ko muna pagmumukha mo.wahahaha”

And gaya ng inaasahan ko, nainis ang mokong.hahaha Ito ang reply nya.

“Kng ikaw ang upakan kong putang ina mo ka kila2 kta kng cno ka pro ako d mo kila2. Hwg n hwg lng kta mki2ta. Sa kn2.”

Wahahaha. Asar talo ang kumag. Ito nireply ko.

“Wahaha akala ko b nasa abroad ka? Wahaha me pa western2 union ka pang nalalaman. Tanga.wahahaha”

Ayun, hindi na nagreply ang mokong. Aasarin ko pa sana eh, kaso me okasyon sa bahay kaya hindi ko na naasar.hehehe Hay, at least napasaya ako ng kumag na un.hahaha

“A married man always has something wrapped around his finger. A single man always has his fingers wrapped around “something”.” =P

“Kung me bangko ba na ang pangalan eh Fortune Bank lahat ba ng kahera marunong manghula?”

“Kung ako taxi driver, lagi ako me naka ready na Kenny G. cd sa kotse. Para pag me nagpahatid na customer sa motel, kapag bababa na sila papatugtugin ko bigla. Tenet tet tet teeeeh …. Tet tet teh….” :p pang asar lang…

“Kapag tinatanong ako kung anong oras ako natulog, sinasagot ko, hindi ko alam. Alam ko kung anong oras ako pumikit, pero oras na nakatulog ako hindi ko alam kasi nakapikit na ako noong oras na un, hindi ko na makita ung orasan.”

“Sinubukan ko magbayad ng pamasahe mula Guadalupe hanggang Taguig ng 11.75 pesos na tig bentsingko sentimos. Hindi na binilang ng driver ung pamasahe ko. Kulang xa ng bentesingko sentimos.wehehehe”

“Ang mga sekyu sa entrance ng mga malls ay hindi nagchecheck kung merong illegal sa loob ng bag mo, gusto lang talaga nila magpabukas ng mga bag.”

“”Minsan” nag pagtri tripan kung “gumamit” ng mga double quotes with matching hand signals, na “hindi” naman kailangan. Mas ok ito with matching “hand” signals. “Pang-asar” lang.
For example: Pag nakita mo ung Boss/Teacher mo, sabihin mo, ““Good Morning”!” (with matching hand signals).
Pag bumibili ng ticket sa MRT, sabihing, isang “Guadalupe”. ”

“Ayun sa kasabihan, ang tingting pag mag isa madaling mabali. Pero pag isang bungkos na sila, hindi mo mababali. Tama. Pero naisip ko, paano ung barbeque stick, subukan mo tusukin ang karne gamit isang bukos ng barbeque stick, mahirap diba? Ngaun, subukan mo tusukin ung karne ng iisang barbeque stick, pasok na pasok diba?…. wala lang, bahala na kayo ano ibig sabihin nyan.nyahahaha wink wink” =P

“Noong nakaraang new years eve, naputukan sa mukha ang kapitbahay naming bading…. aba… tuwang tuwang ang bruha.” =P

“Pag Ramadan at Pasko, tigil putukan ang MILF at mga sundalo… tigil putukan din kaya pag new year? boring naman.”

“Me bagong pinagbabawal na patutok noong nakaraang bagong taon. Ang pangalan ay ang “Totoy Mola”, pero hindi ito sinisindihan para pumutok.”

“Hindi kaya gusto lang din makicelebrate ng Mayon sa New Year natin?”

“Siguro kung ako babae, pag New Year pupunta ako sa Hospital tapos sisigaw ng naputukan ako! tapos sasabihin, “Get me an OB-Gyne”.”

“Ang pagpapaputok daw ay pantaboy sa malas… kaya pala siguro naputol ung mga daliri noong iba kasi malas sa kanila ung mga daliring un.”

“Ung asawa ng kapitbahay namin nantorotot. Naputukan.” =P

“Lahat ng naputukan, tinatawag na nadisgrasya.hehehe”

Timangkeylendaryo

Enero 2010
L T M H B S L
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031