Nakabasa ka na ba
Ng entry post na basura?
Nagblog hop ka na ba
Ng gabi hanggang umaga
Yan ang tanong namin
Blogger ka ba tulad namin?
Naisip mo na ba
Icocomment sa iba?
Laging online pero
Di nagtratrabaho
Pati na rin kung
Nasa bahay tayo
Ang blogging minsan ay mahirap
Ang blogging minsan ay puro pasakit
Ang blogging ay may kakayahang
Makilala ang inyong pangalan
Ang blogging minsan
Ang nagbibigay ng aming kasiyahan.

Advertisements