sa jeep, nagbayad ung isang mamang sumakay ng bente pesos.

tanong nga driver: “Ilang ho to?” sabay pakita sa bente pesos na kulay ponkan.

nagtaas ako ng kamay. and using my best impression of a kuya in a children’s educational show. (tingin tingin pa sa mga nakasakay na parang sila ung mga batang tinututuruan.

“Isa! Isa lang po ang hawak nyong bente pesos na kulay ponkan. Isa.”
(ngiti sa camera.)

—-

Pamilyar ba kayo sa mga tindahan na ung meron lang isang taga sukli, madami tindera? Pag me bumili, bibigay mo ung bayad mo sa tindera at bibigay naman nya sa kahera na tatanungin ung nagbigay sa kanya “Magkano to?”…. minsan sumasagot ako, “Isandaan po yan. hindi nyo kita, me 1 tapos dalawang bilog na hugis itlog. 100 po yan.” Susmaryusep. =P

—-

kelan nga ba dapat ginagamit ung punta at kung kelan ang balik? Kelan mo sasabihin babalik ka sa office? Kelan mo sasabihing pupunta ako ng office?
Narerefresh ba yun kada araw? Kaya sa isang araw ung unang punta mo ay ung “punta” at lahat ng ng kasunod na galing ka sa isang lugar at ang destinasyon ay sa office un ang “pabalik”. ganun nga ba? o di kaya naman ang tama ay isang beses ka lang pwede “pumunta” sa isang specific na lugar at lahat na ng kasunod ay tinatawag na “pabalik”. naguguluhan ako.

—-

bakit madami nagtatanong ng oras pero wala maxado nagtatanong kung anong araw na? mas mahirap nga tandaan ang araw eh. kasi parepareho lang ang hitsura, amoy, tunog, lasa at pakiramdam ng bawat araw. Hindi gaya ng oras hindi man eksakto eh malalaman mo sa sikat ng araw. Kunwari lumubog ang barko na sinasakyan mo, at napadpad ka sa isang Isla. Hindi mo na matandaan ang petsa o araw (nauntog ka siguro). At least masasabi mo pa rin ng kahit papaano kung anong oras na sa isang araw kahit hindi eksakto. Pero kung anong araw na, mahirap malaman.

—-

Naisip mo na ba kung ilang litrato ang me imahe mo ng hindi mo nalalaman? Gaya ng naglalakad ka lang sa kalye tapos me nagpapalitrato sa kabilang kalye at nasama ka sa background ng litrato.

—-

Naisip mo na ba habang nakasakay ka sa bus, kung ilang sa mga nakasakay dun ang mga taong minsan ay nakasalubong o nakasabay sa ibang lugar dati (sa isang resto, sa sinehan, sa public cr, etc)

—-

Kapag sumasakay ako ng elevator lagi ako nagiisip. Tinitignan ko mga nakakasabay ko at binibilang, pati kung ilan ang npindot na floors. Kung 4 kami at 3 ang nakailaw na floors, alam ko na me 2 bababa sa isang floor. kapag 5 at 3 ang nakailaw, pwede 3-1-1 or 2-2-1.

—-

Napapansin ko sa mga jeep ung mga signs na nagpapahiwatig kung saan galing ang pera ginamit pambili dito. Uso ang “Katas ng Saudi”, “Katas ng Dubai”,etc. Me kilala ako pokpok na nakabili ng tricycle. Hindi ko alam kung ilalagay nya, “Katas ng Puke.”

—-

Sa mga lalaki, ano ang mas pipiliin mo? Maputulan na buong braso o maputulan ng tite?

—-

Bilib ako sa mga unang nakaisip ng mga words na yosi, toma, at jejemon.

—-

Sa yosihan minsan me mga me yosi na hindi nakapagdala ng lighter. Lumalapit sa iyo at magtatanong ng “Boss me lighter ka?” or “Pwede makisindi?”. Pwede rin ba ung me lighter ka tapos lalapit ka sa kanila “Boss me yosi ka?”.

—-

Awooooo…. awooooooo…. awooooooooooooooooooohhhhh. (un na!)

Advertisements