Hunyo na naman. Pasukan na naman ng mga estudyante. Tuwing sasapit ang panahong ito ay naaalala ko ang mga bagay na ito.

1. Ligo – Araw-araw ka maliligo. Hindi pwedeng pumasok ka sa klase na hindi ka naliligo. Not cool. Kung noong bakasyon ay dahil sa katamaran mo (or kadugyutan) eh minsan lumilipas ilang araw bago maligo ulit, ngaung pasukan na, wala kang choice. Maligo ka!
2. Kapa – Madami ka kakapain ngaun simula ng klase. Mangangapa ka sa bagong Subjects, sa mga bagong professors, sa mga bagong kaklase, sa mga bagong schedule. Mahihirap ka mag-adjust sa una. Kaya just take it slow.
3. Basa – Dahil pasukan na naman at buwan ng Hunyo, naaalala ko ang mga pagpasok sa eskwela na basa ang pantalon at ang loob ng sapatos ko. Tag-ulan na naman kasi. At mahirap magkasakit kaya wag kayo masyado magpapabasa ngaung pasukan. Gumamit kayo ng proteksyon. Laban sa ulan.
4. Kapote – Naaalala ko din ang kapote ko noong elementary ako tuwing pasukan. Ito ang proteksyon ko dati para hindi ako magkasakit (lagnatin). Kulay green ito at me picture ni Donald Duck. Naalala ko din dati noong mabutas ung kapote ko. Nabasa ako ng ulan. Kaya nagkasakit ako. Kaya payo ko sa mga mas gusto ang kapote kesa sa payong, ingatan nyong mabuti ang mga kapote ninyo at ng hindi mabutas.
5. Ulo – Ano ba naman silbi ng pagaaral mo kung hindi mo pagtutuunan ng pansin ang ulo mo. Yan ang pinaka rason kung bakit ka pumapasok. Ang punuin ng kaalaman ng ulo mo.
6. Sakay – Noong ako ay nagaaral pa lang ng High School, araw araw ako sumasakay. Ng bus. Papunta sa school at pabalik sa bahay. Nakakaaliw din ang bumyahe araw araw. Nakakasabay mo din ang mga gaya mong estudyante at ang iba ay mga papasok sa opisina. Masarap sumakay pag umaga dahil mababango pa ang mga tao, amoy bagong ligo. Pero kapag hapon na, wala ng araw, amoy araw pa rin.
7. “Puke” – Sa tagalog, Suka (hindi yan yung sawsawan). Naalala ko yan dahil tuwing pasukan at lalo na sa mga nasa kolehiyo at nagbo board malayo sa kanilang pamilya. Hindi nawawala ang inuman. Hindi bababa sa isang beses isang linggo ang inuman kapag nasa kolehiyo ka. Nakakainom na naman ang mga kabataan dahil meron na naman silang baon. Ang inuman pa madalas ay sa Lunes dahil “mayaman” pa. Buo pa at allowance para sa buong linggo. Pagsapit ng miyerkules, magdildil ka na lang ng asin dahil ang natitirang pera mo na lang ay pamasahe pauwi sa bahay sa Sabado para kumuha ulit ng baon. At dahil nga madalas ang inuman. Madalas din ang mga nagsusuka. Puke. (pagbigyan mo na. tama naman eh. At saka listahan ko to)
8. Pasok – Dahil nga pasukan na naman. Syempre ikaw ay papasok. Sa klase. Tandaan na laging agahan ang pagpasok dahil nakakahiya kapag nalelate ka. Baka mabulyawan ka pa ng professor mo sa harap ng klase at harap ng crush mo.
9. Baon – Sino ba namang estudyante ang papasok sa eskwela na hindi umaasa ng baon. Isa ito sa mga inaantay ng mga estudyante kapag papasok na sa eskwela. Isa din ito sa mga namimiss ng mga bata kasi kapag bakasyon wala sila nito.
10. Labas – Naalala ko din ito dahil sa isang araw, papalit palit ka ng subject. At ibat ibang classroom pa ang bawat isa. Meron pang mga kasunod na subject mo, pero ang susunod mong klase ay nasa ibang building pa. Kaya kailangan mo pa tuloy magtatatakbo patungo sa susunod na klase.
11. Pasok – Oo, alam ko. Nasabi ko na kanina. Eh pakialam mo ba. Eh syempre sa isang araw naman eh madami ka subjects di ba. Kaya ilang beses ka din papasok at lalabas. Sa classroom.
12. Baon – Oo, nasabi ko na rin ito. Naaalala ko lang kasi ug ibang batang kilala ko dati na malapit lang ang bahay sa paaralan. Me baon pag umaga para pang merienda. Uuwi sa bahay kapag tanghalian tapos, pagpasok sa hapon eh me baon ulit para sa recess sa hapon. Asteeg.

At matapos at buong araw mo sa eskwela na naglalabas masok sa ibat ibang klase. Pagdating ng hapon…

13. Labasan – Uwian na. Dahil sa nakakapagod ng araw mo sa school. Inaantay mo ang paguwi sa bahay o boarding haws mo para makapagpahinga at makapagipon ng lakas para haraping muli ang hamon ng pagpasok kinabukasan.

Namimiss ko na naman tuloy maging estudyante. Hay. =P

Advertisements