“Magpatattoo ka na lang kaya sa noo para kitang kita. TATTOO ITO.”
– me talking to a lady friend who insists on getting a tattoo

“11 pesos ang pamasahe ko pauwi. maghahanda ako ng barya sa bulsa. sakay jip. magbabayad ng bente pesos na papel sa kundoktor. tatanungin ako kung me piso ba ako. dudukot sa bulsa. kakalansing ang mga barya. sasagot ako ng “wala” (seryoso look).”

“Me extra large. Me extra small. Pero bkit walang extra medium?”

“Naranasan mo na bang sumakay ng bus tapos maganda ang palabas na pelikula sa bus at winiwish mo na sana traffic para matapos mo ung palabas bago ka bumaba?”

“Naranasan mo na bang sumakay ng bus papunta sa mall para manood ng sine tapos ang palabas sa bus ay ang mismong papanoorin mo dapat sa sinehan?”

“Secret!”
– sagot namin dati sa tindera sa school canteen kapag tinanong anong order namin.

“Naisip mo na ba kung meron sa pera sa wallet mo ngaun ay ang parehong perang nahawakan mo na ilang buwan or taon na nakalipas?”

“Wala pa rin talaga ako mahanap na mapa na hindi aerial view.”

“Meron bang mapa na actual size?”

“Nagdejavu ako na nagdejavu ako.”

“Kay ba madami nagpapakasal ng Hunyo kasi panahon ng “pasukan”?”

“Subukan mo pumara sa gitna ng isang mahabang tulay.”

“Ang motorsiklo lang ang legal na right hand drive vehicle sa Pilipinas.”

“Bakit ang hahaha, hehehe, hihihi at hohoho ay tawa pero ang huhuhu ay iyak? Hindi kaya ang huhuhu ay tawa lang ng Bisayang Santa Klaws?”

Advertisements