“Ang tite ay parang USB. Kung kani-kaninong PC mo lang yan sinasaksak, magkaka-virus.”

“Gagawa ako ng condom. Tatawagin ko itong Norton.”

“Sex ang tunay na paraan para mahanap ang taong para sa iyo. Isipin mo na lang na ang vagina ay susian para sa puso ng isang babae at ang penis ay ang susi. Madaming susi ang pwede magkasya sa isang susian pero isa lang ang makakapagbukas nito.” =P

“Sa katawan lang ng tao pwede ka makakita ng front door at back door na magkatabi.”

“Naglalakad ako sa pababa sa hagdanan at ako ay nakapilok at nahulog.”

“Meron talagang mga bagay na nakakatawa lang kapag nakita kesa sa nababasa lang.”

“Gumaganda nga ang mga bagay kapag napasobra ng inom. Mga panget gumaganda. mga mataba sumeseksi. mga mabaho bumabango. Minsan pag talagang sobrang sobra na. Pati ang inodoro niyayakap at halos halikan ang labi.”

“Malaki siguro pasalamat ni Randy Santiago na sikat na mga 3D movies ngaun. Hindi na sya O.P. sa sinehan.”

“Sino dito ang magdedeny na at one point sa buhay nila napatunayan nilang maalat ang kulangot?”

“Lahat ng marinig kong fan nagsasabing sila daw ang number 1 fan ng kung anong grupo? bakit napakadami nilang number 1. dapat kung me nauna na sayo, pili ka na lang ng ibang numero. Since, wala pa ako naririnig ng nagsabing sila ang number 2 fan. Sa sunod na me magustuhan ako na grupo, ako ang number 2 fan nila.”

“Kung me taga PAG-ASA na nagbabasa ng blog ko. Sana mabigyan naman kami ng pagkakataon magpangalan ng bagyo. Mag pasuggest kayo through text tapos me mga text votes din. Masaya na ang mga tao dahil me pagkakataon magpangalan ng bagyo, me extra income pa kayo.” =P

“Kung gusto mo makalibre sa pamasahe papuntang opisina, magdala ka ng takatak o di kaya timba ng mani pag sumakay ka sa bus.”

“Ang isa sa pinakamahalagang matutunan ng isang blogger sa opisina ay kung paano gamitin ang alt+tab.”

“Karamihan sa mga kalendaryo na nilalabas ng mga Kompanya ng Alak ay me mga litrato ng naggagandahan at nagseseksihang mga babae. Bakit hindi sila magpalabas nung mga hindi kagandahan para mapatunayan na nakakapagpaganada ng mga babae ang produkto nila?”

“Hindi ko pa rin maisip kung san at paano nagsimula ang “pagpendong” mo sa ulo ng kasama mo kapag me nakitang kalbo o di kaya eh kotseng kuba. me thumbs up pa (me rule ata kasi na bawal pendonging pag nakaganun. pero pag ako penendong mo, walang rule rule sa akin, kutusan ko ulo mo ng ubod ng lakas na iisipin ng mga kuto mo me paparating na tidal wave.)”

Advertisements