Ito ang pinakamakangyarihang bagay, salita o ideya na meron saan mang sulok ng ating mundong ginagalawan. Lahat ng bagay na iyong nakikita, naamoy, nahahawakan, naririnig, nalalasahan o naiisip ay bunga ng kapangyarihang ito.
Pag-ibig.
Sakop tayo ng kapangyarihang ito. Sakop lahat ng bagay. Pati na rin ang pagkakaroon natin sariling bahay na. Ayun na rin sa isang taong nagngangalang Juan, Ang Diyos ay sakop nito dahil ibinigay at sinakripisyo ang kaisa isang anak ng Diyos dahil sa Pag-ibig niya sa tao.
Napaikling salita (mas maikli pa kung sa englis) ngunit hindi lubos na maunawaan. Napaganda sa pandinig. Ilang kwento, tula at awit na nga ba ang nagawa dahil sa salitang iyan? Ilang libro na ba ang nagsikap mahimay sa kaliit-liitan aspeto ng ideyang iyan? Napakadami. Ngunit ipunin man ang lahat ng ating nalalaman tungkol sa paksang yan, magmimistula lamang itong butil ng buhangin sa isang kilometrong dalampsigan kumpara sa tunay at purong kahulugan nito.
Nagbibigay ng kasiyahan sa mga puso kahit pa sa mga pusong naghihingalo na sa pagkabalot sa kolesterol dahil sa pagkain ng matataba. Ang pundasyon ng pag-aalaga ng ina sa isang maliit pang sanggol at ang pag-aalaga ng parehong bata sa kanyang ina sa kanyang pagtanda. Ang kapangyarihang nagpapaikot ng mundo ang bawat magkasintahan, ang ilan minsan ay nasa ilalim ng puno ng kaimito at doon nag-iibigan. Ang bagay na nagbibigay lasa sa bawat pagkaing ihain ng mga kusinero. Ang salitang nagbibigay tamis sa bawat nota na ninanamnam ng kaibigan kong bading habang nakikinig sa musika. Ang ideyang nagbibigay kahulugan sa bawat obra maestra ng isang pintor or iskultor.
Pero ngunit subalit datapwat.
Walang salita na isa lang ang kahulugan. Walang bagay ng panay mabuti ang dulot. Walang ideyang perpekto, kahit pa magpraktis ka ng magpraktis gaya ng sabi ng isang kasabihan.
Dahil na rin sa kapangyarihan ng bagay, salita at ideyang ito, hindi sa lahat ng oras ay panay positibo ang epekto. Gaya nga ng sabi ng isang superhero na mahilig lumambitin, “Sa pagkakaroon kapangyarihan, kaakibat nito ang responsibilidad”. Hindi po Pilipino ang superhero na iyon at hindi rin sya marunong magtagalog, sinalin ko lang.
Sa bawat pusong lumigaya ng dahil sa pag-ibig, mas marami ang umiyak at nasaktan.
Lahat ng giyera na nasaksihan na ng ating mundo ay dulot ng pag-ibig. Pag-ibig sa kanilang relihiyon, pag-ibig sa kanilang bansa, pag-ibig sa kanilang lahi, o simpleng pag-ibig sa kapangyarihan.
Naaalala mo pa ba ang kasabihang “Love of money is the root of all evil”? o di kaya naman ang isa pang bersyon nito na “Love of power is the root of all evil”?
Hindi ka ba nagtataka ng sa parehong bersyon ay nakapaloob ang salitang englis ng Pag-ibig? At kung papaganahin mo ang lohika, hindi ang pera o kapangyarihan ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang Pag-ibig.
Tignan natin ang pinaka popular na imahe ng kasamaan. Ang Dyablo. Siya ay isang dating anghel sa langit. Isang napagandang anghel. Ayun sa nasusulat siya ang pinakamagandang anghel sa langit. Ngunit anong nangyari? Dahil sa gusto nyang maging makapangyarihan. Gusto nyang maging Diyos. Umibig sya sa ideya ng pagiging Diyos.
Sasabihin mo naman, eh ang sabi eh Gusto nya ang ideya hindi sinabing Umibig sa ideya. Ang pagkagusto sa isang bagay ay iba sa pag-ibig. Ang pagka gusto, gusto mo lang. Wala kang pakiaalam kung makuha mo un o hindi. Ang pag-ibig, gagawin mo lahat para sa bagay ng iniibig mo.
Ang Dyablo ng dahil sa kanyang pag-ibig sa kanyang sarili at sa ideya ng pagiging Diyos ay itinapon sa lupa.
Pera pa ba ang ugat ng lahat ng kasamaan? Kapangyarihan ba? Oh ang dinadakila nating Pag-ibig?
Pag-ibig.
Sa bawat kasiyahan at pagadadalamhati. Sa bawat ngiti at luha. Sa bawat pagwagi at pagkabigo. Sa bawat magkaibigan at magkaaway. Sa bawat maganda at panget. Sa bawat kabutihan at kasamaan. Sabaw at kanin. Sa bawat isa sa atin.
Pag-ibig.
60 mga puna
Comments feed for this article
Agosto 4, 2010 Sa 1:37 umaga
salbehe
Base! Basa muna.
Agosto 4, 2010 Sa 1:44 umaga
salbehe
Siyet. Napaisip bigla ako dun. Sa tingin ko ay palasak na ang ideya ng Pag-ibig pero binigyan mo yun ng ibang kahulugan. O ibang dahilan. Ah basta.
Agosto 4, 2010 Sa 1:46 umaga
timangkey
hehehe bilis ah. kakapost ko lang kanina ah. 🙂
Agosto 4, 2010 Sa 4:04 umaga
jongskie721
para bukas? sa pakulo ni Jkul?
Agosto 4, 2010 Sa 4:14 umaga
timangkey
Hindi po. Hindi pasok sa criteria yan. lol
Agosto 4, 2010 Sa 9:23 umaga
aninipot
waah! kung sa pakontest ni kulisap to..walang panama ang sinulat ko..basura yon..hahahaha
pero ang galing..kahit sabihin kung nabasa ko narin yata to sa iba’t-ibang libro..napaisip mo parain ako sir…
two thumbs up.. 🙂
Agosto 4, 2010 Sa 10:50 hapon
timangkey
hindi ito sali kontes. kasi hindi pasok criteria. 🙂
Agosto 5, 2010 Sa 1:17 umaga
aninipot
isali na to…hahahaha, maganda talaga sya sir lawrence.
Agosto 5, 2010 Sa 1:05 umaga
J. Kulisap
Laging dalawa ang mukha ng pag-ibig, ikaw bilang may pag-ibig ang may kapangyarihang pumili ng mukhang iyong tangan sa bawat sandali ng iyong buhay.
Muli, ito ang tunay na sumasalamin sa lalim ng iyong pagkatao Lawrence (?).
Medyo napahaba pero sana..sana ang mensaheng hatid ang maging instrumento ng iyong kapuwa sa puntong ito.
Salamat
Agosto 5, 2010 Sa 1:28 umaga
timangkey
so, parang xa si 2 face? ung kalaban ni batman?
Agosto 5, 2010 Sa 3:46 umaga
kaye
sumeseryoso ng konti si Tim! 😉
Agosto 5, 2010 Sa 3:55 umaga
timangkey
slyt lang. slyt.. ganito lang oh (pinching thumb and index finger)…
Agosto 5, 2010 Sa 5:39 umaga
jongskie721
pasok kaya ito sa pakulo ni jkul. bakit mo nasabing hindi?sumobra? eheheh
Agosto 5, 2010 Sa 7:29 umaga
timangkey
uu.subra subra.hehehe
Agosto 5, 2010 Sa 7:23 umaga
Sows
rawkenrol \m/
galeng.
Agosto 5, 2010 Sa 7:28 umaga
timangkey
Rekenrol yo! hehehe
Agosto 5, 2010 Sa 7:31 umaga
ajlation
ang kauna unahang seryusong post na nabasa ko sa blog ni kuya timmy bow! hahaha.
akala ko magiging boring ang pagbabasa ko neto,great nag enjoy parin ako at nasabing “oo nga hano!?,”
hanep talaga…
Agosto 5, 2010 Sa 7:34 umaga
timangkey
ito ba ang unang serious post ko? lahat kaya seryoso.hehehe
Agosto 5, 2010 Sa 9:28 umaga
kayedee
basta alm ko love is blind ehehhe.. mrami tlgang kahulugan, kung gaano kadami ang tao un dn ang dami ng kahulugan nito =)
Agosto 5, 2010 Sa 10:51 hapon
timangkey
wehehe ang walang kamatayang love is blind. 🙂
kaya pag in love ka gusto mo lagi nanghahaplos, parang nagbabasa ng braille. lol
Agosto 6, 2010 Sa 1:13 umaga
Vajarl
Humanda ka sa opis ko to babasahin.
Bakit ka maghahanda?
Wala lang. Gusto ko lang.
Agosto 6, 2010 Sa 4:34 umaga
timangkey
sige maghahanda ako. anong gusto mo? pansit? spag? bbq? puto? pizza? hehehe
Agosto 6, 2010 Sa 2:41 umaga
Lambing
ahahaha ang serious.. parang nanibago ako toinks!
Agosto 6, 2010 Sa 4:44 umaga
timangkey
talaga?
serious ba yan? basahin nyo mabuti malayo sa serious.hahaha
Agosto 6, 2010 Sa 3:35 umaga
Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin
[…] 7.Timangkey 8.Cuteberl, Quiapo Maynila […]
Agosto 6, 2010 Sa 5:37 umaga
superlolongpinoy
Pabisita Timangkey. Talagang kahit saan hugutin ang istorya ng buhay ng tao ay may kalakip na pag-ibig…lahat ng klase ng pag-ibig.
Agosto 6, 2010 Sa 5:43 umaga
timangkey
tama. ang lahat ay nag uugat sa pagibig. 🙂
Agosto 6, 2010 Sa 5:42 umaga
geylii
lahat ng sobra masama . kaya marahil nagiging madumi at masakit na ang ibig sabihin ng pagibig para sa iba dahil narin sa pagkakaron ng sobra. sabi nga sa popular na awitin ngaun ni jovit – too much love can kill you . 🙂
baka akala mo ginagawa mo po ang lahat para sa taong mahal mo, hindi mo alam nasasakal na sya sa ginagawa mo at sarili mo nalang ang pinapasaya mo .
hello timangkey!:)
Agosto 6, 2010 Sa 6:04 umaga
timangkey
me special mention pa si jovit.hehehe
nakainom ka ba? kasi me tama ka! 🙂
Agosto 6, 2010 Sa 7:21 umaga
geylii
hahaha ! hindi . si jovit lang kasi ang inspirasyon ko 😀
—
hello sa nasa baba ko^^ ate joyo☺
Agosto 6, 2010 Sa 7:07 umaga
Joyo
tama!!!! ito’y pagpapatunay na hindi maganda ang LABIS… iba ang epekto, nagiging negatibo! dapat sakto lang!
Agosto 9, 2010 Sa 6:10 umaga
timangkey
oo hindi maganda ang LABIS. pero masarap halikan. lol
Agosto 7, 2010 Sa 7:42 umaga
roomboy1987
namarkahan ko na, salamat sa lahok mo, sana ikaw ang manalo.
Agosto 9, 2010 Sa 6:11 umaga
timangkey
anong penangmarka mo? pentol pen? 🙂
Agosto 7, 2010 Sa 4:32 hapon
Dorm Boy
Men now ko lang nabasa… dahil sa pag-ibig sa trabaho di ko to nabisitang basahin… demet… pag-ibig nga naman! hehehe!
Agosto 9, 2010 Sa 6:12 umaga
timangkey
honga. mahal na mahal mo trabaho mo. kelan kayo ikakasal?
Agosto 8, 2010 Sa 2:32 umaga
Benh
Hello po! nagbasa sa iyong poste! gudlak! “love is the root of all evil???” hahahaha!
Agosto 9, 2010 Sa 6:08 umaga
timangkey
yep. love is the root of all evil. lol
Agosto 8, 2010 Sa 2:52 umaga
taga-bundok
“Ang salitang nagbibigay tamis sa bawat nota na ninanamnam ng kaibigan kong bading….” – LOL
Ang Pag-ibig nga naman… kung ito ang root of all evil and goodness na rin (God is love), balanse pa rin naman siguro… depende na lang.
Agosto 9, 2010 Sa 6:07 umaga
timangkey
wahahaha napansin mo? galing ah. clap clap.hahaha
Agosto 9, 2010 Sa 4:50 umaga
Super Balentong
seryoso ang dating, ibang mukha ng pag ibig.
dumaan, nagbasa at nagbigay ng puntos..
Agosto 9, 2010 Sa 6:08 umaga
timangkey
salamat super kalentong. 🙂
Agosto 9, 2010 Sa 7:16 umaga
etchosera
galing nito. seryoso ka dito hahaha
Agosto 9, 2010 Sa 9:31 umaga
timangkey
seryoso? hindi kaya ako seryoso dyan.hehehe
Agosto 9, 2010 Sa 8:37 umaga
J. Kulisap
May natanggap ka bang file Tim? Salamat
Agosto 9, 2010 Sa 9:32 umaga
timangkey
file ng kaso? hala… i swear wala ako kasalanan! nabigla lang ako. nawala ako sa isip ko kaya nagawa ko yun.
Agosto 9, 2010 Sa 9:33 umaga
timangkey
wala po ako natanggap jkul.
Agosto 10, 2010 Sa 6:48 umaga
J. Kulisap
Anong email add mo Tim? or pakiemail ako sa j.kulisap@gmail.com.
Minus 50 points ka, sayang ang relo.
Agosto 10, 2010 Sa 8:32 umaga
timangkey
aba me relo pa pala ito.hehehe pseudohuman83@yahoo.com
Agosto 11, 2010 Sa 2:28 umaga
J. Kulisap
Tim, sure ka, wala kang natanggap? pareho lamang ang email address na pinadalhan ko noong una.
anyway, nagpadala ako ulit
Agosto 9, 2010 Sa 11:20 umaga
Sphere
seryoso ka tol!? aahahha parehas kayo ng title ni Super Balentong parehas nga ba ipagpaumanhin kung hindi parehas nahilo nako sa dami ng poste tungkol sa pagibig:-)
wala lng ako masabi yon lng po monggol pencil no. 1 ang pinangmarka ko:-)
Agosto 10, 2010 Sa 1:22 umaga
timangkey
wehehe monggol. asteeeeeeeeeg
Agosto 9, 2010 Sa 4:06 hapon
simplysaycheese
Ang pag-ibig ang dahilan ng lahat ng bagay (at mga batang lansangan).
Yun lang, kaya bakit ka pa mangungupahan.
Agosto 10, 2010 Sa 1:23 umaga
timangkey
honga. sabi nga ni noli…
“Bakit ka pa mangungupahan pa, kung ikaw naman eh may maybahay na”
LOL
Agosto 10, 2010 Sa 4:58 umaga
arnie
pag-ibig nga naman…masama kung sumosobra at pati na rin kung kinukulang…maganda kung saktong sakto lang… 🙂
namarkahan ko na… 🙂
Agosto 10, 2010 Sa 8:32 umaga
timangkey
eksakto! 😉
Agosto 10, 2010 Sa 7:49 umaga
yiN
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
tim, ikaw ba yan?
Agosto 10, 2010 Sa 8:34 umaga
timangkey
hindi ako si tim. ako ang kanyang alter ego. ako si mar. LOL
Agosto 10, 2010 Sa 11:35 umaga
duking
good post.hindi pala…great post!
nasagi na ang lahat ng klase at dahilan ng pag-ibig.punong puno ng saysay.
mahusay,timangkey!
Agosto 10, 2010 Sa 3:52 hapon
Karla
sa lahat ng nabasa ko, ito na siguro ang may pinakakakaibang ideya tungkol sa pag-ibig.
nice. 🙂