Paalala: Ito ay ang pang apat na parte ng kwento. Kung hindi mo pa nababasa ang mga naunang parte ng kwento, hindi mo ito maapreciate (kahit nabasa mo na me posibility pa rin hindi mo maapreciate, although liliit ang posibilidad )

Ang mga naunang parte ay andito: Anino.

Anino – 2

Anino – 3

Ang buong kamaynilaan ay balot na balot ng kadiliman. Dahil sa maulap, walang nagkikislapang mga bituin sa langit. Maging ang mabilog na buwan ay natatabunan ng mga lumulutang na tubig.

Ang kamaynilaan sa kabilang dako ay kumukutitap. Dahil sa mga ilaw. Nagmistulang nagsawa na ang mga bituin sa langit at sinubukang bumaba sa lupa upang dito manirahan.

Sa isang opisina sa isang parte ng maynila, isang lalaki ang hindi mapakaling palakad lakad. Ang kanyang opisina ay halos kalahati ng isang buong palapag ng gusali kung saan ito ay ang pinakamataas. Puno ng mga mamahaling obra ng mga batikang pintor at iskulor. Pinoy, Italiano, Amerikano at ng iba pang lahi. Nagmistula itong museum.

Sa isang bahagi ng opisina, ay mga makabagong kagamitang dulot ng progresibong siyensa. Mga teknolohiyang hindi pa masasapubliko sa susunod na 5 hanggang 10 taon. Ang opisina ay mistulang sangang daan ng nakalipas at ng hinaharap.

Palakad lakad pa rin ang matandang lalaki. Hawak sa kamay ang isang baso ng isang mamahaling alak na galing pa ng Pransya. 1947. Tahimik ang buong opisina. Ang maririnig lamang ay ang yapak ng kanyang sapatos na balat ng bwaya sa makintab na sahig.

Binasag ng ring ng telepono ang katahimikan.

Dagling binaba ng lalaki ang hawak na inumin at sinagot ang telepono.

“Did you find the him?”

Hindi man lang naghello dahil alam na niya kung sino ang mga nasa kabilang linya. Ang linyang ito ay pribado at hindi nakalista sa mga phonebook. Iilan lang ang me alam ng numerong iyon at lahat iyon ay kilala nya.

“Yes sir. We have tracked him down.”

“You got him? Bring him to me.”

“He got away sir.”

“WHAT???!! You Idiot! He knows that we are here now!”

“We managed to shoot him with the tranquilizer. But somehow he still managed to get away”

“IDIOTS!!!!!” at binagsak ng matandang lalaki ang telepono.

Binaling ang atensyon sa basong me lamang alak. Ininom ang natitirang laman nito at saka biglang hinagis ang baso sa pader.

“SHIT!”

Pinuntahan ng matandang lalaki ang isa pang telopono. Inangat ang receiver at nagdial. Merong babeng sumagot sa kabilang linya.

“How long till Mac is ready?”, ang sabi ng lalaki.

“2 days sir.” Ang nakasisigurong sagot ng babae.

At binaba ng lalaki ang telepono. Lumakad papunta sa minibar ng opisina. Nag lagay ng alak sa baso. Hawak ang baso, naglakad patungo sa bintana ng opisina. Pinagmasdan ang madilim na gabi at ang mga nagniningning na “bituin” sa lupa.

“We will get your son. You can’t protect him forever.”

Advertisements