You are currently browsing the category archive for the ‘Timangkism’ category.

“Talagang masakit ang pagpaparaya. Dahil ang pagpaparaya ay pagpapa-aray.”

“Ang pag-ibig ay parang karayom at sinulid. Pwede sulsihan ang mga sira ng nakaraan. Ngunit kung
hindi ka nag ingat, hindi mo na naayos ang sira, masusugutan at masasaktan ka pa.”

“Ang pag-ibig ay parang posporo. Nakakabigay ng ilaw sa gitna ng kadiliman. Gamitin upang sindihan
ang kandila upang lalong yumabong at magtagal ang ilaw. Ngunit ang pag-ibig na ipanagwalang bahala,
ay namamatay.”

“Me nakatadyang umibig sa bawat tao. Wag mo isipin na walang nagmahal at magmamahal sayo. Dahil kahit ang tae,
ay minamahal ng langaw.”

“Ang pag-ibig ay parang tae. Gaano mo man ito pigilan, mahahalata at mahahalata ito.
At kahit pa pigilan mo ito, aabot din sa puntong lalabas ito. Gaya ng tae na masama sa katawan
kapag pinigilan, ang pag-ibig kapag pinigilan ay masama sa katauhan.”

–REPOSTS from Last Years Timangkism–

–          “Love is a disease and is also its own cure.”

 

–          “Ang Valentines ang araw kung kelan nakakatanggap ng flowers ang mga babae. Sa Valentines din nakakatanggap ng flowers ang mga lalaki sa gabi.”

 

–          “Unspoken true love does not make it less true,  Spoken false love makes it more false.”

 

–          “They say Love of Money is the root of all evil. Some say Love of Power is the root of all evil. Notice the similarity? I say, Love is the root of all evil.”

 

–          “Ayun sa mga nakaugaliang simbolo, ang simbolo ng pagmamalan ay 2 puso na tinusok ng pana. Kaya kayo, pag sinabi nyong mahal nyo ung babae, ung puso ang puntiryahin nyo. Wag kung ano ano yang pinagtututusok ninyo. Malayo sa puso yan!”

 

–          “Parang masaya tumabay sa gate ng mga motel tapos magdala ka ng malaking DSLR.  Tapos pagkukunan mo ng litrato lahat ng papasok.”

 

–          “They say Love of Money is the root of all evil. Some say Love of Power is the root of all evil. Notice the similarity? I say, Love is the root of all evil.”

 

–          “Sa tingin mo? Alin ang mas marami, nasaktan ng dahil sa pagmamahal o lumigaya dahil sa pagmamahal?”

 

–          “Me narinig na ako dati na magandang solusyon sa Overpopulation. Ayun sa narinig ko, bakit hindi sila maglaan ng pondo para mag research kung paano magiging lasang chocolate ang semen ng mga lalaki. Naisip ko naman, baka dumami din ang bading.hehehe”

 

–          “Love is a mental thing. It makes you go mental.”

 

–          “Wag ka na magtaka kung bakit kaakibat na ng pagmamahal ang pagkaramdam ng sakit. Kaya nga Pana ang gamit ni Kupido at hindi tableta o potion.”

 

–          “Love and Lust start with the same letter, but everything else is different.”

 

–          “Ang Valentines ang araw kung kelan nakakatanggap ng flowers ang mga babae. Sa Valentines din nakakatanggap ng flowers ang mga lalaki sa gabi.”

 

–          “Minsan, nasasabi mo na mas mahal mo ang isang tao kesa mahal ka nya. Para sabihin ko sayo, hindi nasusukat ang pagmamahal. Hindi gaya ng distansya na kaya sukatin ng metro, hindi gaya ng bigat na kaya sukatin ng gramo, hindi gaya ng oras na pwede sukatin ng segundo. Kung nasusukat ang pag-ibig, sa dami na ng taong nagmahal, meron na sana nakaimbento ng paraan ng tamang pagsukat nito. Pero wala… dahil hindi nasusukat ang pagmamahal. Wag ka na magsukat… Magmahal ka na lang!”

 

–          “Paanong naging maganda ang pagmamahal kung sa bawat isang tao na napasaya ng pagmamahal, me 2 o higit pang nasasaktan.”

 

–          “Me nadidinig ako minsan na, ayaw nila tawaging sex ang ginagawa nila kundi “making love”. Ang sex daw ay para sa hindi nagmamahalan. Ang make love para sa nagmamahalan… I say, bullshit! If you are already in love or you already have love, why make it?”

 

–          “Ang Valentines Day ay parang New Years Day. Madaming Putukan. At meron at merong madidisgrasya.”

 

–          “Ang pagmamahal ang pinakamakapangyarihang emosyon sa lahat. Kahit ang Diyos nga, ibinigay ang kanyang Anak dahil sa pagmamahal nya sayo. Pahalagahan mo ang salitang yan.”

Advertisements

Last time we went to La Union, TimangKID said something that made me think she is psychic.

Naglalaro sila ng mommy nya at naisipan nilang tawagan ang kanyang Tita na nasa Pampanga. Dahil nga sa Pampanga na xa lumaki (and i mean lumaki) mula ng mag 3 years old, close sila ng mga tao dun. Gustong gusto nya na kinakausap sila whenever possible.

Sa pagtawag nilang yun, nagkataong andun mga pinsan nya. So ayun, usap usap. Ang usapan nila ay tungkol sa mga stuff toys, cartoons at kung ano anong man mga pinagtsitsismisan ng mga bata. Naka loud speaker ang phone kaya kinig lang kami ng Trainer ko. Then out of nowhere, biglang sinabi ng TimangKID “Nabasag ang itlog!“. After that, paulit ulit lang nya yun sinabi. Wala naman kami narinig na usapan nila na me kinalaman ang itlog. Tinanong namin kung ano yung basag na itlog pero inuulit lang nya na basag nga ang itlog.

Last week, nalaman namin ang kahulugan ng sinabi ng TimangKID. Basag nga ang Itlog.

She’s going to be an ATE. 🙂

———————————————————————————————————–

Gusto ko na rin ishare ang ilan sa mga kakulitan ng TimangKID.

Background: Ayaw magpatulog ni Issa. Nangungulit sa kanyang mommy. Mababa ang blood pressure ng trainer kaya bawal daw mapuyat at maaga pa ang pasok kinabukasan.

Trainer: Issa, bawal mapuyat si mommy. Tulog ka na please. Gusto mo bang magkasakit si mommy?

TimangKID: (palambing) Okay lang yan mommy. Bibisitain naman kita sa hospital.

——————-

Background: Naglalaro kami sa kwarto kasama si trainer. Naglalambing ang TimangKID.

Trainer: Ang ganda ganda naman ng baby namin.

TimangKID: (kinikilig) Ganda ka din mommy.

Trainer: Thank you. 🙂

TimangKID:( lumapit sa akin. Hinwakan ang mukha ko tinapat sa mukha nya.) Daddy ang gwapo mo naman.

Timangkey: Wow! Thank you. 🙂

TimanKID: Kaw naman daddy! Joke lang. 🙂

Timangkey: 0.O

——————-

Background:  December 30. Dumating sa Pampanga ang parents ko galing La Union para sunduin kami para makapag New Year sa La Union. Kumakain na kami ng dinner hindi mapakali ang TimangKID.

TimangKID: Daddy! Daddy! nasan na yung regalo na ibibigay ko kina Lolo at Lola?

Timangkey: Mamaya mo na ibigay. Nasa maleta.

TimangKID: Gusto ko ngayun na!!

Timangkey: Mahirap hanapin. Mayamaya na lang pagkatapos kumain.

TimangKID: eeeehhhh Ngayun na.

Timangkey: O sige. hanapin ko.

Makulit talaga ang Timang KID. Nahanap ko ang regalo. Inabot ko kay TimangKID at inabot naman niya kina Lolo at Lola. Tuloy ang kainan. Tahimik lang ang TimangKID.  Hindi ginagalaw ang pagkain. Pagkalipas ng 2 minuto na hindi mapakali, nagsalita ang TimangKID..

TimangKID: (kinausap ang lolo at lola) Asan na regalo ko?!

Kaya pala apurado.

Some of my stats in FB when i took a time of from blogging … Wellcome back. lol

(it was not a typo) 😛

Sana maka develop ako ng game sa FB na papangalanan kong “With MySelf”… tapos makakakita ako ng mga Status na “is playing With Myself”. 😛

Contrary to popular belief, ang mga talangka ang utak tao kaya sila naghihilahan pababa…

Gumagamit siguro si Harold Camping ng On This Day God Wants You To Know Application sa FB.

Kapag ang elevator ay going down, elevator pa rin ba dpat ang tawag?

I think i saw a dragonfly but i am not sure….!! Tutubi or not tutubi?

Government Warning: Church is dangerous to your Reproductive Health.

Sadyang mahirap ang magpatawad!…. lalo na kapag tindera ka .

Tuwing maggo-grocery kami sa SM, lagi ako nakakakita ng mga bata ng nakasakay sa mga pushcarts. Gusto ko pagtripan at tanungin sa cashier “Miss, saang aisle po makikita yung mga binebentang bata?”

Reindeer are horny.

I finally got it… why it is so successful… ChickenJoy… ChickEnjoy… Chick Enjoy. “Hi sir, here is your Chick, enjoy!”

Me ubo ako pero gusto ko mag yosi…. sana makaimbento sila ng gamot sa ubo na sinisindihan at niyoyosi.

Well, hello there? Musta na? Tagal din natin hindi nakakapagusap ah. Miss ba ako ng tatlong readers ko?

I’ve been very busy (kunwari) for the past months. I only managed to write 1 post in a span of almost 5 months. Eh dati naman 2 posts kada lingo.  Sana makahiligan ko ulit ang magsulat.

Nga pala, Happy New Year!!! Pasensya na kung medyo late. Ganun talaga eh, huli man daw ang timangkey, matalino pa rin. Bawi na lang ako sa pagbati next na holiday.

Happy Valentines!!!

Ayan, nakabawi na ako.

Nakakabagot din pala kapag naubusan ka ng basura na itatapon sa cyberespasyo. Nag general cleaning kasi sa utak ko last year kaya wala akong maikalat dito sa blog ko. Mararamirami na rin ako naikalat na kalokohan, kabulastugan, kabastusan dito. Nagtayo ng kulto na na me isang taon na mahigit ngunit wala pa sumasali. Mura lang naman ang registration fee. Pero for the last 5 months talagang wala ako oras para magsulat kahit magbasa sa ibang bahay. Napagtripan ko pa sumulat ng kwento. Naaalala mo si Dean? Ako hindi na. Gusto ko matuloy ang kwento nun kasi gusto ko malaman kung ano mangyayari. Sana this year. Sana. Lumipas din anibersaryo ng bahay ko na hindi ko man lang nacelebrate. Kung me bumati pa sana ay kung nagkataon nilibre ko at pinainom ko, sky is the langit.

Wala na rin ako balita sa mga kaibigan dito. Sino sino pa ba mga active dyan? Paramdam naman kayo. Sino sino mga naputulan ng kamay noong Bagong Taon? Magcomment naman kayo.

Dahil bagong taon, sana bumalik ulit ang dating gana sa pagsusulat. At dahil bagong taon, ililista ko na lang mga bagay at kurokuro na aking natutunan at napag isipisip nitong nakaraang taon:

–          Ang shelf life ng New Year’s Resolution ay 2 weeks to 2 months lang.

–          Mas bagay tawagin itong New Months Resolution.

–          Nakakainis na kung kelan Bagong taon pinaiiral ng militar at ng mga rebelde ang kanilang “Tigil Putukan”. Mga lintik kayo, eh kung tigil putukan kayo buong taon tapos sa New Year ninyo ibuhos para mas maingay! Para kahit hindi na magpaputok mga bata!

–          Ang paputok ay hindi lang pantanggal ng malas, pantanggal din ito ng mga daliri.

–          Ang mga bata karaniwang napuputukan sa kamay, ang mga bading sa pwet.

–          Mas makakatipid ka kapag magdala ka ng recorder at irecord mo lahat ng putukan na maririnig tuwing bagong taon. Ipatugtog mo na lang ito ng pagkalakas lakas kapag alas dose na. Pwede ulit ulitin. At pwede pa gamitin next year.

—————-

–          Maglock ng pinto kapag gagamit ng cr…. Lalo ng kapag hindi mo bahay.

–          Kung kelan ka walang pera saka ka madaling magutom.

–          Ang tagalog pala ng Gray ay Putim.

–          Hindi nasusukat ang kagandahan sa panlabas na anyo, kundi sa panloob… na suot.

–          Wag papasok sa office ng bukas ang zipper… lalo na kapag wala kang panloob.

–          Ang pantalon ay pwede ding panlakad, pantakbo, pantulog, etc.

–          And Ibong Adarna kapag naiputan ka, titigas ka. Si Ellen Adarna, makita mo pa lang…

–          Wala akong kwentang kausap.

Oh siya! Balitaan nyo ako. Sana tuloy tuloy na ulit ito. 😛

Ito ang pinakamakangyarihang bagay, salita o ideya na meron saan mang sulok ng ating mundong ginagalawan. Lahat ng bagay na iyong nakikita, naamoy, nahahawakan, naririnig, nalalasahan o naiisip ay bunga ng kapangyarihang ito.

Pag-ibig.

Sakop tayo ng kapangyarihang ito. Sakop lahat ng bagay. Pati na rin ang pagkakaroon natin sariling bahay na. Ayun na rin sa isang taong nagngangalang Juan, Ang Diyos ay sakop nito dahil ibinigay at sinakripisyo ang kaisa isang anak ng Diyos dahil sa Pag-ibig niya sa tao.

Napaikling salita (mas maikli pa kung sa englis) ngunit hindi lubos na maunawaan. Napaganda sa pandinig. Ilang kwento, tula at awit na nga ba ang nagawa dahil sa salitang iyan? Ilang libro na ba ang nagsikap mahimay sa kaliit-liitan aspeto ng ideyang iyan? Napakadami. Ngunit ipunin man ang lahat ng ating nalalaman tungkol sa paksang yan, magmimistula lamang itong butil ng buhangin sa isang kilometrong dalampsigan kumpara sa tunay at purong kahulugan nito.

Nagbibigay ng kasiyahan sa mga puso kahit pa sa mga pusong naghihingalo na sa pagkabalot sa kolesterol dahil sa pagkain ng matataba. Ang pundasyon ng pag-aalaga ng ina sa isang maliit pang sanggol at ang pag-aalaga ng parehong bata sa kanyang ina sa kanyang pagtanda. Ang kapangyarihang nagpapaikot ng mundo ang bawat magkasintahan, ang ilan minsan ay nasa ilalim ng puno ng kaimito at doon nag-iibigan. Ang bagay na nagbibigay lasa sa bawat pagkaing ihain ng mga kusinero. Ang salitang nagbibigay tamis sa bawat nota na ninanamnam ng kaibigan kong bading habang nakikinig sa musika. Ang ideyang nagbibigay kahulugan sa bawat obra maestra ng isang pintor or iskultor.

Pero ngunit subalit datapwat.

Walang salita na isa lang ang kahulugan. Walang bagay ng panay mabuti ang dulot. Walang ideyang perpekto, kahit pa magpraktis ka ng magpraktis gaya ng sabi ng isang kasabihan.

Dahil na rin sa kapangyarihan ng bagay, salita at ideyang ito, hindi sa lahat ng oras ay panay positibo ang epekto. Gaya nga ng sabi ng isang superhero na mahilig lumambitin, “Sa pagkakaroon kapangyarihan, kaakibat nito ang responsibilidad”. Hindi po Pilipino ang superhero na iyon at hindi rin sya marunong magtagalog, sinalin ko lang.

Sa bawat pusong lumigaya ng dahil sa pag-ibig, mas marami ang umiyak at nasaktan.

Lahat ng giyera na nasaksihan na ng ating mundo ay dulot ng pag-ibig. Pag-ibig sa kanilang relihiyon, pag-ibig sa kanilang bansa, pag-ibig sa kanilang lahi, o simpleng pag-ibig sa kapangyarihan.

Naaalala mo pa ba ang kasabihang “Love of money is the root of all evil”? o di kaya naman ang isa pang bersyon nito na  “Love of power is the root of all evil”?

Hindi ka ba nagtataka ng sa parehong bersyon ay nakapaloob ang salitang englis ng Pag-ibig? At kung papaganahin mo ang lohika, hindi ang pera o kapangyarihan ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang Pag-ibig.

Tignan natin ang pinaka popular na imahe ng kasamaan. Ang Dyablo. Siya ay isang dating anghel sa langit. Isang napagandang anghel. Ayun sa nasusulat siya ang pinakamagandang anghel sa langit. Ngunit anong nangyari? Dahil sa gusto nyang maging makapangyarihan. Gusto nyang maging Diyos. Umibig sya sa ideya ng pagiging Diyos.

Sasabihin mo naman, eh ang sabi eh Gusto nya ang ideya hindi sinabing Umibig sa ideya. Ang pagkagusto sa isang bagay ay iba sa pag-ibig. Ang pagka gusto, gusto mo lang. Wala kang pakiaalam kung makuha mo un o hindi. Ang pag-ibig, gagawin mo lahat para sa bagay ng iniibig mo.

Ang Dyablo ng dahil sa kanyang pag-ibig sa kanyang sarili at sa ideya ng pagiging Diyos ay itinapon sa lupa.

Pera pa ba ang ugat ng lahat ng kasamaan? Kapangyarihan ba? Oh ang dinadakila nating Pag-ibig?

Pag-ibig.

Sa bawat kasiyahan at pagadadalamhati. Sa bawat ngiti at luha. Sa bawat pagwagi at pagkabigo. Sa bawat magkaibigan at magkaaway. Sa bawat maganda at panget. Sa bawat kabutihan at kasamaan. Sabaw at kanin. Sa bawat isa sa atin.

Pag-ibig.

“Nainsulto ako minsan sa isang gelpren ko. Gusto ako pagsuotin ng condom…. ung Extra Thick daw.”

“Ito marahil ang hindi naiisip ng karamihan pero ang tatay natin ang unang nagluwal sa atin.”

“Ang buhay ay parang utot. Ewan ko kung paano. basta ganun un.”

“Bkit kailangan takpan ng mga babae ang kanilang dibdib samantalang sa mga lalaki hindi?”

“Naisip mo na ba na lahat ng pwedeng pasukin ng lalaki sa isang babae ay nasa pagitan ng 2 pisngi?”

“It will take you forever to really know what forever means.”

“Bakit ka pa “mangungupahan” pa, kung ikaw naman ay may maybahay na.” – Ka Noli “Bugin” De Castro

“Sabi ni Shalani, Sweet daw si Nonoy sa kanya. Kaya ang pet name nya sa kanya ay Panotsa.” (peace mr pres… wig…errr… wag ka magagalit ha?) 😛

“Maganda siguro kung pangalanan natin ang mga anak natin ng me mga numero din, parang CX132. asteeeg kung yan pangalan mo sa elementary. Parang robot.”

“Maganda din malamang kung ang ipangalan sa anak ay Doctor, Attorney or Engineer. Pag tinatawag ka sa class, “Doctor <Apelyido>?”… “Present!”… asteeeeg”

“Lahat ba ng buhok sa katawan pumuputi pag tanda? As in lahat ba? hindi ko sure eh. ayaw ko imaginin… shet naiisip ko! aaaarrrgggghhh”

“Kapag ako nagka kotse, pipinturahan ko ng puti. Lalagyan ko ng Lettering sa sides, something like “Timangkey” lagyan kung ano2 lettering pa. tapos magda drive paikot sa Manila magbibilang kung ilan ang magkakamaling pumara sa akin.”

These were past posts that were not part of the Timangkism 101 series. So i thought i might add them.

Lagi ko nakikita sa tv na ang mga gym or baskeball court ay ligtas sa mga baha…

Wala pa ako nakita sa tv na binaha ng basketball court. at lagi dun pumupunta ang mga tao pag me baha…

Kaya ko isolve ang problema natin sa baha…

Magtayo ng maraming basketball court/gym! =P

Naisip ko lang… “Walang amoy ang kulangot.” Dahil kung meron itong amoy, sana naamoy natin kung me kulangot tayo.

“*sniff *sniff… hmmm, me kulangot ako.”

Pero hindi. Madalas hindi natin ito napapansin. Minsan pa iba ang unang nakakapansin sa kulangot natin.

Kaya walang amoy ang kulangot!

I was blog hopping and i stumbled upon a a blog entry talking about how it is hard to find Justice here in the Philippines. as usual napaisip na naman ako…

You know how they say that “Justice is Blind“? (thats why Justice is reprented by a woman with her eyes covered while she is holding the scales)

But then again, gaya ng nasasabi, “We SEE the Truth”.

Kung ang katotohanan ay nakikita at ang Hustisya ay bulag, ibig sabihin hindi nakikita ng Hustisya ang katotohanan.

Kaya siguro ganun, dahil hindi lahat ng hatol ay base sa katotohanan. nag-iisip lang….

“Meron bang Chinese Owl? Ano hitsura ng mata nila?”

“Kung me trabaho siguro ang mga kwago, ang laki ng “kita” nila”

Kapag nagulat ba ung kwago, halata mo sa mukha niya?

“Jokes are half-meant” and “Joklas are half-men”

I think the original saying goes “If there is a will, there is away”…. =P

(So im guessing the original saying was created by a filipino and was just lost in transalation.):)

“Walang Matigas na Titinapay sa Mainit na Kapepe”

Salamat at naibalik na din ang blog ko… Salamat WP… pero wait… hindi pala… Pakyu ka pa rin WP. ampupu mo!
Xenxa na sa mga nagcomment sa kabila namely pong and kurat.hehehe

Madaling mapromote ang mga naninigarilyo. They have the habit of kissing “butts”.

Hindi ko gusto ang lasa ng lactacyd. Dapat gumawa sila ng Tutti Frutti flavor. =P

Noong bata ako nanaginip ako na isa akong spider. Gumagawa ako ng bahay ko gawa sa sapot. Nung magising ako taena yan, ambaho ng kwarto ko.

Masamang tao si Benjamin Button dahil to LIVE backwards is EVIL.

Sabi nila pag me nahulog na kutsara sa hapag, me bisitang babae. Kapag tinidor naman lalake. Noong isang araw nahulog ung ko ung spork nang kumakain ako ng Lucky Me Supreme. Dumating si Vajarl. =P

Madali daw masira ang baga ang smoking. Eh bakit ung mga tinapa na isdang pinausukan ay mas matagal masira kesa dun sa sariwa?

Overheard sa bus: Lalake sa girl na katabi nya: “Miss wag ka maooffend ha, Pokpok ka ba?”

Paano kaya kung nagging announcer sa karera ng kabayo si Kuya Cesar?

Kung makikipaginuman ka ng walang paalam sa asawa mo, pag-uwi mo magpasalubong ka ng supot ng chico. Siguraduhin mo din na katabi mo ung supot ng chico kahit sa pagtulog. =P

Gusto ko minsan makapagbigay ng excitement sa mga tao. Next stop. Taxi drivers. Sasakay ako tapos magtuturo ako ng kotse, “Sundan mo ung kotseng un!”.

Ang mga sasakyan ay parang bacteria. kapag nababasa dumarami. Kaya pag umuulan traffic.

Ang batang makulit ay para lang ung sirang tv namin sa bahay. Kailangang pagpagin para umayos.

“Ang tite ay parang USB. Kung kani-kaninong PC mo lang yan sinasaksak, magkaka-virus.”

“Gagawa ako ng condom. Tatawagin ko itong Norton.”

“Sex ang tunay na paraan para mahanap ang taong para sa iyo. Isipin mo na lang na ang vagina ay susian para sa puso ng isang babae at ang penis ay ang susi. Madaming susi ang pwede magkasya sa isang susian pero isa lang ang makakapagbukas nito.” =P

“Sa katawan lang ng tao pwede ka makakita ng front door at back door na magkatabi.”

“Naglalakad ako sa pababa sa hagdanan at ako ay nakapilok at nahulog.”

“Meron talagang mga bagay na nakakatawa lang kapag nakita kesa sa nababasa lang.”

“Gumaganda nga ang mga bagay kapag napasobra ng inom. Mga panget gumaganda. mga mataba sumeseksi. mga mabaho bumabango. Minsan pag talagang sobrang sobra na. Pati ang inodoro niyayakap at halos halikan ang labi.”

“Malaki siguro pasalamat ni Randy Santiago na sikat na mga 3D movies ngaun. Hindi na sya O.P. sa sinehan.”

“Sino dito ang magdedeny na at one point sa buhay nila napatunayan nilang maalat ang kulangot?”

“Lahat ng marinig kong fan nagsasabing sila daw ang number 1 fan ng kung anong grupo? bakit napakadami nilang number 1. dapat kung me nauna na sayo, pili ka na lang ng ibang numero. Since, wala pa ako naririnig ng nagsabing sila ang number 2 fan. Sa sunod na me magustuhan ako na grupo, ako ang number 2 fan nila.”

“Kung me taga PAG-ASA na nagbabasa ng blog ko. Sana mabigyan naman kami ng pagkakataon magpangalan ng bagyo. Mag pasuggest kayo through text tapos me mga text votes din. Masaya na ang mga tao dahil me pagkakataon magpangalan ng bagyo, me extra income pa kayo.” =P

“Kung gusto mo makalibre sa pamasahe papuntang opisina, magdala ka ng takatak o di kaya timba ng mani pag sumakay ka sa bus.”

“Ang isa sa pinakamahalagang matutunan ng isang blogger sa opisina ay kung paano gamitin ang alt+tab.”

“Karamihan sa mga kalendaryo na nilalabas ng mga Kompanya ng Alak ay me mga litrato ng naggagandahan at nagseseksihang mga babae. Bakit hindi sila magpalabas nung mga hindi kagandahan para mapatunayan na nakakapagpaganada ng mga babae ang produkto nila?”

“Hindi ko pa rin maisip kung san at paano nagsimula ang “pagpendong” mo sa ulo ng kasama mo kapag me nakitang kalbo o di kaya eh kotseng kuba. me thumbs up pa (me rule ata kasi na bawal pendonging pag nakaganun. pero pag ako penendong mo, walang rule rule sa akin, kutusan ko ulo mo ng ubod ng lakas na iisipin ng mga kuto mo me paparating na tidal wave.)”

“Magpatattoo ka na lang kaya sa noo para kitang kita. TATTOO ITO.”
– me talking to a lady friend who insists on getting a tattoo

“11 pesos ang pamasahe ko pauwi. maghahanda ako ng barya sa bulsa. sakay jip. magbabayad ng bente pesos na papel sa kundoktor. tatanungin ako kung me piso ba ako. dudukot sa bulsa. kakalansing ang mga barya. sasagot ako ng “wala” (seryoso look).”

“Me extra large. Me extra small. Pero bkit walang extra medium?”

“Naranasan mo na bang sumakay ng bus tapos maganda ang palabas na pelikula sa bus at winiwish mo na sana traffic para matapos mo ung palabas bago ka bumaba?”

“Naranasan mo na bang sumakay ng bus papunta sa mall para manood ng sine tapos ang palabas sa bus ay ang mismong papanoorin mo dapat sa sinehan?”

“Secret!”
– sagot namin dati sa tindera sa school canteen kapag tinanong anong order namin.

“Naisip mo na ba kung meron sa pera sa wallet mo ngaun ay ang parehong perang nahawakan mo na ilang buwan or taon na nakalipas?”

“Wala pa rin talaga ako mahanap na mapa na hindi aerial view.”

“Meron bang mapa na actual size?”

“Nagdejavu ako na nagdejavu ako.”

“Kay ba madami nagpapakasal ng Hunyo kasi panahon ng “pasukan”?”

“Subukan mo pumara sa gitna ng isang mahabang tulay.”

“Ang motorsiklo lang ang legal na right hand drive vehicle sa Pilipinas.”

“Bakit ang hahaha, hehehe, hihihi at hohoho ay tawa pero ang huhuhu ay iyak? Hindi kaya ang huhuhu ay tawa lang ng Bisayang Santa Klaws?”

Timangkeylendaryo

Setyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930