You are currently browsing the category archive for the ‘Uncategorized’ category.

: )

Advertisements

Torpe.

Isang salita na nagpapahiwatig ng kahinaan. Malimit gamitin sa mga lalaking nauunahan ng hiya pagdating sa mga babae. Kung lalake ka, malamang naranasan mo ng maging torpe. Meron mga babaeng sadyang pumupukaw sa iyong katauhan at ang resulta, nawawalan ka ng lakas ng loob. Nalulon ang dila kumbaga.

Sa mga pagkakataong naranasan mo yan, gusto mong magsalita ngunit hindi mo magawa, nasasabi mong, Tinig, asan ka?

Kaya heto ang alay ko para sa lahat ng Torpe at sa mga minsan ng naging torpe.

 

Tinig(asan ka?)

Nakita mo ang isang dalaga

Marikit na bituin at bulalak na kaaya-aya

Tinitigan mo siya at tinitigan ka niya

Nalunok mo ang iyong dila, Tinig asan ka?

 

Papalapit siya na naglakad

Hakbang nyang kay banayad,

Binti at hitang malaporselana

Di ka pa rin makaimik, Tinig asan ka?

 

Umupo sa tabi mo at labi’y nakangiti

Simpula ng mansanas, ngipin na mapuputi

Kumikinang na mga mata, titig nyo ay nagtama

Nakatikom iyong bibig, Tinig asan ka?

 

Kurba ng katawan, damit na masikip

Matarik na mga bundok, baywang na maliit

Bumuka kanyang bibig, ika’y kinamusta

Di ka pa rin natinag, Tinig asan ka?

 

Naghihintay ng sagot, nakatitig lamang

Habang iyong mga mata ay gumagapang

Walang imik, walang kibo, walang talima

Tumatakbo ang isip, Tinig asan ka?

 

Tumayo na siya at naglakad palayo

Gusto mo pigilan, isip ay tuliro

Naisip sundan at sa wakas magpakilala

Ngunit huli na, Tinig asan ka?

 

Tinig asan ka?

These past 2 weeks I have seen a lot of People grieving for losing their loved ones.

Earlier I just read a blog entry about losing her friend to a landslide.

Its just a reminder how fragile life can be. One minute you are here, one minute you are gone. Never to return again.

Got me thinking…

If you were to die right now… How would you rate your life? Have you done all the things you wanted to do? Have you lived your life to the fullest?

Would you rather live a short but meaningful life? or a long but dull existence?

College. Tapos na unang subject ko. Have to wait for my next class sa evening pa. Umuwi muna ako sa boarding para tumambay. Bored ako. Wala na naman magawa except manood ng tv…. wala maganda palabas. Naisipan ko bumili ng ma chicha. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko isang boardmate namin na girl, naglalaba sa me banyo. Maliit lang ung banyo kaya ung batya ay nasa loob habang xa ay nasa pintuan. Me naisip na naman ako… =)

Pagbalik ko mula sa tindahan bitbit ang chicha, pumasok na ako sa kwarto. Hinanap ko ung┬ámalaking lalagyan ng alchol sa me kwarto na wala ng laman. Nilagyan ko ito ng tubig hanggang mapuno. Sinukbit ko sa me shorts ang lalagyan ng alcohol at pumunta sa CR na katabi lamang ng banyo. Nilabas ko ang lalagyan ng alcohol na me lamang tubig at piniga, sadya ko pinapatama sa me tubig na part ng bowl para rinig na rinig. =) Alam ko na maririnig din nya un. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto ako sa banyo dun… natatawa… iniisip kung ano ang iniisip ng boardmate ko. After maubos ung lamang ng lalagyan ng alcohol, me pa flush flush pa ako nalalaman. At bumalik na ako sa kwarto… hindi ko na sinabi sa kanya kung ano talaga nangyari, bahala na xa kung ano man ung naisip nya. =P

Kausap ko kanina si tsenn… at napunta ang usapan sa tindero ng taho, ng balot at ang barker…

Me naisip ako… “Me pabulong o pasigaw ba sa sign language ng mga pipi?”

Paano sila magbulungan? maliliit lang galaw ng kamay nila? nilalapit sa mata ng kausap nila ung kamay nila? (parang paglapit ng labi sa tenga ng mga nakakapagsalita)

Paano sila magsigawan? malalaking galaw ng kamay?

Paano maguusap ang bulag at ang deaf-mute na marunong magsign language?

Sa 26 years ko dito sa mundo, madami na ako nakitang kulay ng ulam. Merong black (dunguan), Puti (ginataan), Yellow (Curry), Orange/Red (madami nito), Brown (Adobo), Green (Mongo)…

Pero sa mga primary colors, walang ulam na kulay blue or kahit anong malapit na kulay dito gaya violet…

Meron kulay blue na dessert. Pero ulam na kulay blue wala pa ako nakikita.

Mukha naman masarap na kulay ang kulay blue ah…

Bakit nga ba wala akong makita na ulam na kulay blue?

Kung me alam ka, sabihin mo naman sa akin. =)

I was blog hopping and i stumbled upon a a blog entry talking about how it is hard to find Justice here in the Philippines.

as usual napaisip na naman ako…

You know how they say that “Justice is Blind“? (thats why Justice is reprented by a woman with her eyes covered while she is holding the scales)

But then again, “We SEE the Truth”.

Kaya siguro ganun, dahil hindi lahat ng hatol ay base sa katotohanan.

nag-iisip lang….

Nasabi ko na na mahilig ako mag isip. Dahil nga sa mahilig ako mapag isa, madalas kung ano pumapasok na kalokohan sa isip ko. Napagtritripan ko ang mga tao sa paligid.

Noong ako sa nasa kolehiyo pa lamang sa Baguio, nakatira ako sa boarding house malapit sa campus. Bale 5 kwarto ung pinapaupahan sa bahay na un. Solo ko ang isang kwarto. Sa isang kwarto naman apat na magpipinsan. Sa isa pa, 2 babaeng magkaibigan. Sa isang kwarto pa ay 2 pang babae. Hindi nagtagal naging kaibigan ko na din sila lahat.

Tuwing Friday evening lamang ako umuuwi sa bahay namin para magpalaba sa bahay (tamad ako maglaba). Umaakyat pabalik ng Baguio tuwing Sunday evening. Ganun din gawain nung magpipinsan. Tuwing umuuwi ako ng bahay ay kinakandado ko ang aking kwarto ngunit iniiwan ko ang susi sa me portrait ni Mary sa me kusina. Pinapaiwan kasi ng apat na magpipinsan, dahil madalas nauuna silang dumadating sa akin tuwing Linggo at gusto nila makinood sa aking TV. Hilig nila manood sa Wowow.hahaha Dahil mabait ako at mukha naman sila mapagkakatiwalaan, iniiwan ko ang susi. Kaya madalas, nadadatnan ko na sila sa kwarto ko, nanonood.

Isang Linggo, napaaga ako ng akyat sa Baguio. Pagdating ko sa dun wala pa sila. Tambay lang ako dun. Tapos nakita ko ung anak ng me ari ng boarding, nakikipaglaro sa mga manok sa likod. Tinawag ko ang bata.

Sabi ko, “Boy halika dito”. (lapit xa)
“Ikandado mo nga ako dito sa loob ng kwarto, tapos ilagay mo ung susi sa portrait ni Mary sa kusina”.

Masunurin naman ang bata.hehehe

Nag antay ako. Gabi na, wala pa tao (patay, gutom na ako).

Tapos narinig ko na dumating ung isa sa magpipinsan. Maya-maya pa, dinig na dinig ko pagpunta nya kusina para kunin ang susi. Tayo agad ako sa me harap ng pinto. Maswerte xa at hindi ko na sinuot ung kumot…. =P

Its a special day today. This days marks the first complete revolution of Melissa Leigh around the sun. It is also my first revolution around the sun as a dad.

Parang kelan lang… Ambilis ng mga araw. Isang taon na pala. Parang kelan lang nang una kitang masilayan sa harapan ng salamin ng nursery. Parang kelan lang nang nung una mo imulat mga mata mo. Parang kelan lang nang una ka umiyak (na sinundan pa ng ilang iyak sa araw at gabi). Parang kelan lang nang una kita pinaliguan. Parang kelan lang nang una ko masubukan magpalit ng diaper mo. Parang kelan lang…

Ngaun, nakakatayo ka na. Ngaun, nakakalakad na konti. Ngaun, nasasabi mo na daddy (or dadaaaaaaa). Ngaun, marunong ka na magtampo pag nakakita ng pagkain at hindi ka binigyan. Ngaun, alam mo na ang sagot sa “Where is the lizard” (tuturo xa sa taas). Ngaun, alam mo na tumawag ng manok (para lang xa tumatawag ng aso). Ngaun, alam mo na sumayaw sa “Nobody” (nakikiuso xa). Ngaun, na magiging parang kelan lang…

Gusto ko na lumaki ka kaagad. Ngunit takot din ako na mabilis ka lumaki.

Parang kelan lang…

Timangkeylendaryo

Setyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930