You are currently browsing the tag archive for the ‘anino’ tag.

Paalala: Ito ay ang pang apat na parte ng kwento. Kung hindi mo pa nababasa ang mga naunang parte ng kwento, hindi mo ito maapreciate (kahit nabasa mo na me posibility pa rin hindi mo maapreciate, although liliit ang posibilidad )

Ang mga naunang parte ay andito: Anino.

Anino – 2

Anino – 3

Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements

Paalala: Ito ay ang pangatlong parte ng kwento. Kung hindi mo pa nababasa ang mga naunang parte ng kwento, hindi mo ito maapreciate (kahit nabasa mo na me posibility pa rin hindi mo maapreciate, although liliit ang posibilidad )

Ang mga naunang parte ay andito: Anino.

Anino – 2

Basahin ang karugtong nitong lahok »

Paalala: Ito ay ang pangalawang parte ng kwento. Kung hindi mo pa nababasa ang unang parte ng kwento, hindi mo ito maapreciate (kahit nabasa mo na me posibility pa rin hindi mo maapreciate, although liliit ang posibilidad :P)

Ang unang parte ay andito: Anino.

  Basahin ang karugtong nitong lahok »

Ang araw ay matagal ng nilamon ng malawak at payapang dagat. Ang mga bituin ay naglitawan na sa langit ngunit ang init ng araw ay unti unti ng napapawi ng malamig na gabi. Me mga pusang kumakaripas sa bubong tila me hinahabol na daga o di kaya naman ay nageensayo lang para sa nalalapit na Olympic Games ng mga hayop.

Lubog na ang liwanag at kahit nagumpisa na ang gabi, maguumpisa pa lamang ng isa sa pinakamadilim na kabanata ng buhay ni Dean.

Alas otso kinse ang oras na pinapakita ng isang digital clock na nasa ibabaw ng mesa. Umiilaw pa ang orasan at nagbabago ng kulay na parang bang isang babae na dinalaw na naman ni tuldok at pabago bago ang isip. At biglang nag-ingay ang orasan na syempre pa ay gaya din ng babaeng tinuldukan.

Nag-unat unat si Dean. Humikab. Kinamot ang mga parteng madalas kinakamot. Tumingin sa orasan, bumangon at pinidot ang buton para patigilin ang pagiingay nito. Kung meron lang din sana buton para pahintuin ang pag-iingay ng mga babae.

Madilim ang kwarto dahil na rin sa natutulog si Dean ng hapon at hindi pa kailangang buksan ang ilaw sa mga oras na iyon. Nababalot sa anino ang bawat sulok ng 7 by 6 metro na inuupahan niyang kwarto. Kinapa kapa niya ang gilid ng mesa at tila me hinahanap. Ballpen. ID. Susi. Celpon. Tasa na meron pang lamang kape. At sa wakas, nakapa din nya ang kanyang kaha ng sigarilyo. Nakasuksok sa loob ng kaha ang kanyang lighter kaya hindi na nya kinailangan pang kapain ulit ang mesa ng kadiliman.

Sinindihan nya isang stick ng Marlboro Lights, humitit at bumuga ng usok.

Dalawang taon pa lang ang lumipas mula ng natuto manigarilyo si Dean. Ito ay noong nagrereview siya para sa Board Exams para sa Accountancy. Dahil na rin sa nais makapasa, sinubukan nya sa payo ng mga ulol na kaibigan na manigarilyo para hindi makatulog kapag nagrereview sa madaling araw. Hindi nga siya nakakatulog, at pumasa nga siya, ngunit ang kapalit naman nito ay bente pesos o mahigit pa sa isang araw upang masunod ang layaw ng katawan sa paghahanap ng nikotina.

Muli siyang humitit, at bumuga ng usok. Humanap ng pagtataktakan ng abo ng kanyang yosi, at matapos ang paghahanap, napagpasyahan nyang itaktak na lang ito sa tasang meron pang lamang kape. Nikotina at Caffeine.

Hinanap nya ang kanyang celpon na madalas ay nasa kama nya dahil nakakatulugan nito ang pagtetext sa kanyang Angela.

Kinapakapa nya ang kanyang kama. Wala doon. Saka lang nya naisip na nasa mesa pala ito at kanina lang ay nakapa nya nang hinahanap nya ang kanyang yosi.

Kinapa at kinuha ang celpon. Pinindot ang Unlock key. Bahagyang nagliwanag, bagamat konti lamang ang kwarto.

4 New Messages, ang naka display sa Celpon. Pinindot nya ang buton para basahin ang mga mensahe. 4 ang galing ke Angela, ang kanyang girlfriend.

Binasa nya ang mga mensahe galing sa kanyang one and only.

“Ok cge, gnun na lng. Kita na lng tyo sa trinoma sa sbado. Bnasa mo ba ung email ko kanina?”

Binasa nya ang pangalawa.

“Hello?”

Ang pangatlo.

“Hay naku, nk2log na naman. O cge txt mo na lng ako mamyang gbi. Mwaah. Love u D.”

Napangiti si Dean. Mahal na mahal siya ng kanyang girlfriend. At hindi din naman nagpapahuli ang kanyang pagmamahal nya ke Angela.

Nagkakilala sila noong nagrereview pa lang si Dean para sa Boards sa CPAR sa Sampaloc. Parehas silang Accountancy ang kinuha at nagreview sa iisang review school. Nagkakilala sila noong isang araw habang pareho silang nagrereview sa library. At bago pa man lumabas ang mga resulta ng Boards, ay tuluyan ng sinagot ni Angela si Dean. Pareho nilang unang magkaroon ng karelasyon at parehas din silang pumasa. Si Angela, pagkatapos ng Boards ay nagtrabaho bilang junior auditor sa isang auditing firm sa Makati, habang si Dean naman ay hindi ginamit ang kanyang lisensya at nagtrabaho bilang isang programmer. Dahil sa pagiging programmer na ang karaniwang mga client ay nasa ibang bansa, minsan ay kailangang sa gabi magtrabaho si Dean. At dalawang buwan na ring sa weekends na lang sila nagkikita.

Ibinaba ni Dean ang Celpon. Hinitit ang yosi, bumuga ng usok at tuluyang nilalag ang upos sa tasang me laman pang kape.

Naghahabulan pa rin ang mga pusa sa bubong. Hindi pa siguro tapos ang practice.

Balot pa rin ng dilim ang buong kwarto ngunit unti unti na nakaka adjust ang paningin ni Dean mula ng magising siya kanina. Tumayo siya mula sa kanyang kamang double deck na ang pang itaas na deck ay nagmistulang aparador na lalagyan ng mga damit at kanyang mga gamit. Pumunta malapit sa pintuan at pinindot ang switch ng ilaw. Nagliwanag ang buong kwarto.

Animoy nanalo sa lotto ang nagging paglundag ng puso ni Dean. Higit pa sa paglundag na ginawa nya noong sagutin siya ni Angela. At lalong mas higit pa kesa sa noong pumasa siya sa Boards.

Ngunit kung ano ang galaw ng kanyang puso na parang isang epileptic na nag aaral magbreakdance, ay siya namang manhid at tigas na kanyang buong katawan. Nakataas pa rin ang kanyang kamay at nakaturo sa switch ng ilaw na tila isang teroristang tinamaan ng kunsyensya sa aktong pipindutin na lang ang bomba na magpapasabog sa isang gusali.

Sa silya sa gawing kanang sulok ng kanyang kwarto, nakaupo ang isang unggoy. Hindi nya alam kung anong klaseng unggoy ito, dahil hindi naman siya si Kuya Kim at lalong hindi naman siya si Ernie Baron. Para kay Dean lahat ng unggoy pareparehas lang. Ang tanging kategorya nya para sa unggoy ay “maliit”, “malaki” at “normal”. At kung pagbabasehan ang hitsura at laki, ito ay mapapabilang sa “normal” na kategorya. Ngunit ang Hindi normal sa unggoy na ito ay ang kanyang pustura ng pagupo. Sa tanang buhay ni Dean, wala pa siyang nakitang unggoy na naka de kwatro kung maupo, mapanormal, maliit o malaking unggoy. Maging ang hitsura ng mga labi ng unggoy ay kakaiba na parang nakangisi habang nakatitig sa kanya. At tuluyan ng nalaglag sa kategoryang normal ang unggoy ng gumalaw ang kanyang mga labi.

“Magandang gabi Dean.”

Timangkeylendaryo

Setyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930