You are currently browsing the tag archive for the ‘conversations’ tag.

Wala akong naging time para mag blog or even blog hop lately. Waaah

Wala din ako matinong maisip na maisulat.

Well, ito na lang.

Madami na nagsabi na mahirap daw ako makausap ng matino. Dahil lagi na lang pabiro at kung saan saan napupunta ang usapan. I will share some of the conversations I had recently. =)

(Backstory: Me nagresign na naman na projectmate. Last day na nya at pauwi na xa. Nakaugalian na dito na pag palabas na sa office at aalis na sa project, pinapalakpakan. So palapakan mga tao ng palabas na xa sa office. Nagtanong si Noel sa amin.)

Noel: Last day na ba ni _______ dito?
Timangkey: Oo
Noel: Resign ba xa or Rolled off lang? Kainggit naman.
Timangkey: Resign ata pagkakaalam ko.
Noel: Ah ok. So san na xa ngaun? (which he meant san na xa magwowork)
Timangkey: Malamang andyan na xa sa baba, mamaya naasa labas na.

I know…. I know. It doesn’t sound much but it was quiet funny at that time. =P

(Backstory: Sa chat walang yosi si girl at gusto magyosi)

Timangkey: Tena yosi.
Girl: wala akong yosi eh. Hindi ako nakabili sa 7/11 kanina. Me frost ka?
Timangkey: frost?
Girl: Dunhill Frost.
Timangkey: Ah ok. Pang Marlboro lang ako eh. Minsan me nagbigay sa akin ng 2 packs ng Dunhill, 2 araw lang naubos ko na.hehehe
Girl: Ngek. Bilis ah. Anong ginawa mo?
Timangkey: Hmmm… I think I smoked it. Ni try ko nguyain lang pero hindi masarap. =P

Again, pardon. Wala talaga ako maisip mapost. =P

(Backstory: Nagkukuwentuhan about sa Enchanted Kingdom ang mga office mates.)

Leo: Uu nga. Saya nga doon eh. Nakakatuwa ung Rio Grande.
Lili: Oo. Gusto din naming un. Nabasa nga kami doon.
Leo: (tumatawa) ako nga eh, hindi nabasa. Ung mga yaya ni Gaeb, basang basa. Pati panty nila basa eh.

Nakisabat si timangkey.

Timangkey: Ah ok. Para lang pala normal na gabi nila sa bahay nyo ano? (sabay ngisi) =P

Ayan, tinatamad na naman ako. Next time ulit ung iba conversations. (kung maalala ko pa) (at sipagin ulit ako)

Timangkeylendaryo

Hulyo 2017
L T M H B S L
« Oct    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31