You are currently browsing the tag archive for the ‘kalokohan’ tag.

Last time we went to La Union, TimangKID said something that made me think she is psychic.

Naglalaro sila ng mommy nya at naisipan nilang tawagan ang kanyang Tita na nasa Pampanga. Dahil nga sa Pampanga na xa lumaki (and i mean lumaki) mula ng mag 3 years old, close sila ng mga tao dun. Gustong gusto nya na kinakausap sila whenever possible.

Sa pagtawag nilang yun, nagkataong andun mga pinsan nya. So ayun, usap usap. Ang usapan nila ay tungkol sa mga stuff toys, cartoons at kung ano anong man mga pinagtsitsismisan ng mga bata. Naka loud speaker ang phone kaya kinig lang kami ng Trainer ko. Then out of nowhere, biglang sinabi ng TimangKID “Nabasag ang itlog!“. After that, paulit ulit lang nya yun sinabi. Wala naman kami narinig na usapan nila na me kinalaman ang itlog. Tinanong namin kung ano yung basag na itlog pero inuulit lang nya na basag nga ang itlog.

Last week, nalaman namin ang kahulugan ng sinabi ng TimangKID. Basag nga ang Itlog.

She’s going to be an ATE. ๐Ÿ™‚

———————————————————————————————————–

Gusto ko na rin ishare ang ilan sa mga kakulitan ng TimangKID.

Background: Ayaw magpatulog ni Issa. Nangungulit sa kanyang mommy. Mababa ang blood pressure ng trainer kaya bawal daw mapuyat at maaga pa ang pasok kinabukasan.

Trainer: Issa, bawal mapuyat si mommy. Tulog ka na please. Gusto mo bang magkasakit si mommy?

TimangKID: (palambing) Okay lang yan mommy. Bibisitain naman kita sa hospital.

——————-

Background: Naglalaro kami sa kwarto kasama si trainer. Naglalambing ang TimangKID.

Trainer: Ang ganda ganda naman ng baby namin.

TimangKID: (kinikilig) Ganda ka din mommy.

Trainer: Thank you. ๐Ÿ™‚

TimangKID:( lumapit sa akin. Hinwakan ang mukha ko tinapat sa mukha nya.) Daddy ang gwapo mo naman.

Timangkey: Wow! Thank you. ๐Ÿ™‚

TimanKID: Kaw naman daddy! Joke lang. ๐Ÿ™‚

Timangkey: 0.O

——————-

Background: ย December 30. Dumating sa Pampanga ang parents ko galing La Union para sunduin kami para makapag New Year sa La Union. Kumakain na kami ng dinner hindi mapakali ang TimangKID.

TimangKID: Daddy! Daddy! nasan na yung regalo na ibibigay ko kina Lolo at Lola?

Timangkey: Mamaya mo na ibigay. Nasa maleta.

TimangKID: Gusto ko ngayun na!!

Timangkey: Mahirap hanapin. Mayamaya na lang pagkatapos kumain.

TimangKID: eeeehhhh Ngayun na.

Timangkey: O sige. hanapin ko.

Makulit talaga ang Timang KID. Nahanap ko ang regalo. Inabot ko kay TimangKID at inabot naman niya kina Lolo at Lola. Tuloy ang kainan. Tahimik lang ang TimangKID. ย Hindi ginagalaw ang pagkain. Pagkalipas ng 2 minuto na hindi mapakali, nagsalita ang TimangKID..

TimangKID: (kinausap ang lolo at lola) Asan na regalo ko?!

Kaya pala apurado.

Advertisements

Some of my stats in FB when i took a time of from blogging … Wellcome back. lol

(it was not a typo) ๐Ÿ˜›

Sana maka develop ako ng game sa FB na papangalanan kong “With MySelf”… tapos makakakita ako ng mga Status na “is playing With Myself”. ๐Ÿ˜›

Contrary to popular belief, ang mga talangka ang utak tao kaya sila naghihilahan pababa…

Gumagamit siguro si Harold Camping ng On This Day God Wants You To Know Application sa FB.

Kapag ang elevator ay going down, elevator pa rin ba dpat ang tawag?

I think i saw a dragonfly but i am not sure….!! Tutubi or not tutubi?

Government Warning: Church is dangerous to your Reproductive Health.

Sadyang mahirap ang magpatawad!…. lalo na kapag tindera ka .

Tuwing maggo-grocery kami sa SM, lagi ako nakakakita ng mga bata ng nakasakay sa mga pushcarts. Gusto ko pagtripan at tanungin sa cashier โ€œMiss, saang aisle po makikita yung mga binebentang bata?โ€

Reindeer are horny.

I finally got it… why it is so successful… ChickenJoy… ChickEnjoy… Chick Enjoy. “Hi sir, here is your Chick, enjoy!”

Me ubo ako pero gusto ko mag yosi…. sana makaimbento sila ng gamot sa ubo na sinisindihan at niyoyosi.

Kahapon after so many years (elementary pa ata since last visit ko), nakapunta ulit ako sa sementeryo ng November 1.

Ngaun ko lang narealize ulit kung bakit “Piyesta” ang tawag dito. Para nga talagang piyesta. Daming tao. Daming nagtitinda ng mga pagkain, mga laruan at kung ano2ng abubot. Nagpipicnic ang mga tao. Parang nalipat lang ang plaza sa sementeryo. Piyestang Piyesta.

Masaya naman ang muli ko pagpunta sa sementeryo.

Ngaun, tungkol naman sa taytol ng Post na ito. “Amoy kandila”. Hindi ko ginawa itong post na ito para ikuwento ang nangyari noong pumunta kami sa sementeryo.

Ito ay para lang ibahagi ko sa inyo ang kalokohan namin dati.

Ikaw ba ay minsan na out of nowhere ay biglang nakakaamoy ng kandila? Diba sinasabi nila na meron daw nagpaparamdam na kaluluwa. Im sure minsan pag nakaamoy ka nga ng kandila out of nowhere eh minsan natatakot ka rin at tinatayuan ng balahibo.

Ganito ang kalokohan namin dati. Kunwari kapag ikaw ay nautot at walang tunog, sabihin mo sa mga kasama mo, “Me nagpaparamdam na kaluluwa. Naamoy nyo ung amoy kandila?” (dapat seryoso ang pagkakasabi)

Xempre sila naman ay pilit aamuyin ang “amoy kandila”. Pilit lalanghapin at hahagilapin ng ilong ang hinahanap na amoy ng nagpaparamdam. At malas lang nila, kung medyo matindi ang iyong pinakawalan, baka malasahan pa nila.

Pagtitiwala.

Salitang madalas pinagwawalang bahala lang natin.

Kundisyon na madalas hindi abot ng ating kaunawaan ang tunay na kahulugan.

Sitwasyon na kung saan kapag andiyan na, malamang sa hindi ay magdudulot ng labis na sakit at pighati.

Pagtitiwala.
Madaming iiyak na babae at mga bading.

wahahaha. =P

“Walang Matigas na Titinapay sa Mainit na Kapepe”

Nakakainis talaga pag exams…

Sabi nila bawal ang kumain ng itlog pag me exams.

pero

Kumain daw ng mani pag me exams, kasi pampatalino daw yun.

Unfair sa aming mga lalaki!!!!

=P

Gawin mo ang mga ito minsan…

Tanungin ang saleslady sa dept store… “Miss meron ba kayong Extra Medium nito?”

Tanungin ang saleslady sa bookstore… “Miss me mapa ba kayong binebenta na hindi aerial view?”

Sabihin sa KFC crew habang umoorder… “Miss, one-piece bucket meal

Tanungin sa tindera sa sari-sari store (para lang sa mga mukhang adik at nakakagets kung ano ung tsongke)… “Miss, meron ba kayong tindang TSONGKE?”…..
“Ung Pyorfods Tsongke”

Pagbababa ka na ng taxi, mag abot ng 10 piso at sabihing “Estudyante po“… sabay mag-antay ng sukli.

Umupo minsan sa harap ng jeep at magpanggap ng Kundoktor ng driver. Pakialaman ang pagsusukli at pagkuha ng bayad.

Tumayo sa bus kahit maraming bakanteng upuan.

Sumakay ng tricycle, kapag nakaandar na ng ilang metro, sabihin mo “Para dyan sa tabi.”… sabay abot ang bayad.

Pumara ng jeep tapos wag ka sumakay.

Tanungin ang presyo ng lahat ng tinda ng nagtitinda ng isaw, bbq, etc… tapos mag thank you at wag ka bumili.

Maglagay ng mga link sa blogroll mo na papunta rin sa link mo o mga nakaraang Post mo. Lagyan ng magandang pangalan para maakit ang mga tao gaya ng Sexy Krisstie, Hot Aileen, Cutie Angels Blog, Confessions of a College Bitch, or something…

Kapag nagulat ba ung kwago, halata mo sa mukha niya? =P

Lagi ko nakikita sa tv na ang mga gym or baskeball court ay ligtas sa mga baha…

Wala pa ako nakita sa tv na binaha ng basketball court. at lagi dun pumupunta ang mga tao pag me baha…

Kaya ko isolve ang problema natin sa baha…

Magtayo ng maraming basketball court/gym! =P

Naisip ko lang…

“Walang amoy ang kulangot.”

Dahil kung meron itong amoy, sana naamoy natin kung me kulangot tayo.

“*sniff *sniff… hmmm, me kulangot ako.”

Pero hindi. Madalas hindi natin ito napapansin. Minsan pa iba ang unang nakakapansin sa kulangot natin.

Kaya walang amoy ang kulangot! ahahaha

Timangkeylendaryo

Setyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930