You are currently browsing the tag archive for the ‘lawrence’ tag.

Masarapan balikan ang pagkabata.

Masarap sariwain ang mga alaala ng tumatak sa ating murang isipan. Mga alaala noong tayo ay mumos pa lamang.

Napakasimple ng buhay noon.

Naaalala ko pa noong ako ay apat na taong gulang, nakatira kami sa isang kubo sa gitna ng bukid. Naaalala ko pa ang maliit na puno ng sampalok sa gilid na kubo. Maliit lamang ang kubo na un. maliit pa sa pangkaraniwang kwarto. Kasya lang ang isang kama na kung saan kami natutulog.

Naaalala ko ang aking paglalaro sa puno ng sampalok na un, habang si nanay ay nagluluto sa labas ng aming kubo.

Naalala ko din ang aking paglalaro sa bukid habang si tatay ay nag-aararo. Minsan pinagbabato ko ang mga ibong lumilipad. Minsan nanghuhuli ng tutubi. Minsan din sumasakay ako sa kalabaw habang hawak hawak ako ni tatay.

Bago ako naglimang taong gulang lumipat kami ng bahay. Mas malapit na ito sa paaralan kung saan nagtuturo si nanay. Guro si nanay sa Ikaapat na baitang sa elementarya noon.

Ang ordinaryong araw ko ay nagsisimula sa paggising sa umaga at laro kaagad.hehehe
Pagkatapos ay kakain na ako ng agahan. Pagkakain ng agahan laro ulit hanggang oras na para sa Batibot/Sesame Street (hindi ko na maalala basta alam ko pinapanood ko sila pareho). Laro ulit hanggang tanghalian na. Sa hapon naman natutulog ako pagkatapos uminom ng aking gatas (Birch Tree ata un). Magigising ako bandang hapon na at pupunta sa paaralan kung saan nagtuturo si nanay. Lumalakad ako sa gilid ng mga palayan at sa ilalim ng mga puno

Pagdating ko sa kwarto kung saan nagtuturo si nanay. Diretso ako sa harapan at sabay kiss kay nanay. Pagkatapos ay babatiin ako ng magandang hapon ng kanyang mga mag-aaral. Ako ay pupuwesto sa mesa ni nanay sa bandang likuran at doon pinagbubutingting ko ang mga gamit… stapler…calculator…bolpen… kung ano2.

Paguwian na. Mapapaalam na ang mga ate at kuya sa akin. Dadating naman si tatay para sunduin kami ni nanay. Bibili ng isang boteng softdrinks at skyflakes. Merienda muna. Kasya na sa amin ung 12 oz na coke at isang skyflakes.hehehe

Uuwi kami at maglalakad ulit sa ilalim ng mga puno at sa gilid ng palayan. Ako syempre nauuna kasi pabibo ako.hehehe

Madami pa ako nakakatuwang alaala noong ako ay bata pa lang. Mga alaala ko sa nayon hanggang sa lumipat kami sa bayan noong ako ay 8 taon na.

-Ang paglalaro namin ng taguan sa ilalim ng malalaking puno ng akasya. Malapit un sa abandonadong bahay na lagi naming sinasabi na me multo.

-Ang pagpunta namin sa sapa para manghuli kunyari ng isda at kung ano2 pang water creatures. Bale 3 ang sapa ang aking natatandaan na meron doon. Patungo sa iisang ilog.

-Ang paglalaro ng ‘prisoner’ sa ilalim ng 2 malaking puno ng mangga sa paaralan.

-Ang pagpunta ko sa tindahan ni aling leoning na kung saan ako ay lagi bumibili ng pagkain ko na Zoom-Zoom (ung me free na maliliit na laruan sa loob). Minsan ay hindi na ako pinagbabayad dahil tuwang tuwa sila sa akin.

-Ang pagpunta namin sa bahay ng pinsan ko na kung saan kailangan mo tumawid ng 3 ilog, isang sapa, maraming palayan at isang burol para marating.

-Ang mga “adventures” namin ng aking matalik na kaibigan na si John Rey… pagpunta sa tito nya kung saan kami nangunguha ng mga prutas (mangga, bayabas, kasuy)… paghahanap ng mga gagamba sa kung saan2… paghuhukay ng mga kamote at singkamas… paghahanap ng perfect Y parang gawing tirador… pagpunta sa ilog para maligo kahit binabawalan kami… pagpunta sa tuktok ng burol para tumambay…
Sobrang close kami ni John Rey. Dahil na rin siguro magkasing edad kami at wala akong kapatid.

-Ang alaala ko sa malakas na lindol noong ako ay nasa unang baitang sa elementarya.

-Ang pagpapraktis namin magbisekleta gamit ang lumang at kulay berde na bisekleta ko.

-Paglalaro namin ng trumpo, lastiko, holen, teks, etc… (depende sa season. me season din mga laruan dati.)

-Ang mga paborito kong palabas gaya ng Bioman, Shaider, Perfect Strangers, Tiger Sharks, Karate Kat, etc…

-Ang mga bonding moments namin ni tatay sa pagpapastol ng mga kalabaw at kambing sa burol. Ang mga bonding moments namin ni nanay sa paglalakad ng ilang kilometro para makasakay ng jeep papuntang bayan.

Sobrang dami pa ng mga magagandang alaala ko sa aking kabataan. Mga alaalang hindin hindi ko hahayaan makalimutan. Ang bawat kaganapan at bawat “adventure” ay maaari na ring gawing isang mahabang post dito. Nais ko ibahagi sa inyo lahat ngunit ako ay hindi ganoon kagaling magsulat upang maipadama ko sa inyo ang saya ng bawat isa. Mas masaya kung ikaw mismo ang nakaranas.

Napaka sarap balikan ang pagkabata…

Balikan mo din ang sayo…

Advertisements

Naaalala ko pa…

Masaya dati. Ang dami ko kalaro. Habulan kami ng habulan ng aking mga kalaro sa aming munting mundo. Wala kami ginawa kundi maglaro at matulog. Masaya ang mundo na aking ginagalawan. Halos lahat ay kilala ko at lahat ay kilala din ako. Kilala kung sino ako, kung ano ang aking mga kayang gawin, at kung ano2 ang aking mga katangian . Kilala nila kung sino ako at tanggap nila kung sino at ano ako. Tanggap ko din silang lahat.

Kilala ako bilang si LG000631983. Isa akong sperm at ang itlog ng tatay ko ang aming mundo.

Masaya doon sa loob. Medyo mainit nga lang minsan. Laro lang kami ng laro ng aking mga kasamahan. Pero hindi lahat ng pagkakataon ay masaya sa kami. Paminsan minsan, may mga umaalis kaming mga kalaro at hindi na sila bumabalik pa. Saan na sila? Bakit hindi na sila bumalik? Ok lang kaya sila?

Pero ganun talaga ang buhay sa aming mundo. Me mga umaalis at me mga panibago naman dumadating.

At hindi naglaon, dumating na rin ang panahon ng aking pag alis sa aming munting mundo. Kasama ko ang ilan sa aking mga kalaro. Siguro summer noon un kasi mainit. Umalis kami na hindi alam kung saan tutungo. Kung ano ba talaga ang totoong dahilan ng aming pag alis. Basta ang alam namin, kailangan na naming umalis.

Masaya ang aming paglalakbay. Umuulan siguro sa aming patutunguhan dahil sa aming daanan ay binabaha.
Unahan kami sa paglangoy. Masayang masaya ang lahat. Xempre dahil ako pinaka magaling, ako ang nauuna. Kinakantyawan ko pa mga kasama ko. Mainit pa rin ang paligid. Pero baha pa rin.

Di nagtagal, lumalaki na ang paligid. Lumalawak na ang aming mundo. Mundong hindi pa namin nakikita dati. Masayang masaya kami. At sa aming pagsasaya, me nakita kami na isang bolang kumikislap. Napakaganda. Lahat kami ay humanga doon. Lahat ay gustong mapasa kanya ang Bola. Langoy kami ulit. Unahan. Tulakan. Pero ako pa rin xempre ang nauna. Akin lang ang bolang ito. Akin.

Di ko namalayan, nakatulog na ako. Dahil na rin siguro sa pagod sa kalalangoy at paglalakbay. Mahaba ang aking naging pagtulog…

Wala pa nga pala ako maxado nasasabi tungkol sa akin. Kung sino ako. I am not actually a good writer (sabog sabog kung ako magkwento, lalo na siguro pag sinulat). Ganito na lang para medyo mas madali para sa akin (actually nahirapan pa rin talaga ako idescribe pagkatao ko). This is not yet complete but at least you see the general picture. I may or may not add anything to this list in the future. So, here we go:

1. Stupid – Yes I was… Yes I am… and yes, I forever will be stupid! Actually, being (or acting) stupid is great. I actually love it. That’s what I do whenever I need to amuse myself (while everybody else is laughing at you). People will also tend to underestimate you, which for me is a good thing. When people underestimate you they lower their expectations on what you can do and they tend to lower their defenses. And oh, how sweet it is to see their faces when they underestimate you and you shove results on their faces.

“Winning is much more satisfying for the conceived underdog and losing is much more painful for the favorite”

2. Ugly – Oh this one needs no explanations… you just have to see me in person. =)

3. Nicotinic?(Adik sa nicotine) – me word ba na ganun?hahaha anyways, been smoking for 2 years now… (Kelan kaya ako titigil?)

4. Nitrous Oxide – No, I am not a racer… Para lang me imbakan ng Nitrous Oxide sa aking katawan… Madalas daw ako tumawa ng walang dahilan (actually meron naman dahilan, they just don’t have the time or demented mind to see what is funny). I see funny things that normal people just cant. Ewan, basta magulo ako mag-isip.

5. Loner – Masaya ang mapag-isa minsan (or in my case, madalas). Ewan ko din bakit… siguro dahil mas madali mag munimuni kapag nag-iisa…

6. Spaghetti – hindi ung pataas-pababa ha (actually un din.hahaha). Mula pagkabata, hilig ko na talaga ang spaghetti.

7. Black – I like wearing black… emo tawag sa akin minsan… ewan ko kung dahil naka black ako or dahil kamukha ko ung ibon (actually, emu ung ibon… malay ko ba, hindi ko naman nababasa spelling pag sinasabi lang sa akin). =P

8. Makakalimutin – madalas ako makalimot ng mga simpleng bagay. Generally I have a good memory naman (got me through college without actually studying… more like cramming)… Its just those very simple things I tend to forget (where is my lighter?… where did put my phone?… where is the key?… Where is my favorite robot shirt? =P…What date is today?… Nagawa ko na ba un?). Things like that….

9. Thinker – Hmmmmm….I do a lot of thinking… a lot… I mean a lot…hehehe Dito lumalabas minsan ang sira ng ulo ko. Kung ano ano lang naiisip…nakakatawa… mga kalokohan…minsan philosophical… Madalas ko itong gawin pag nagbibiyahe… or pag nakatambay lang sa me hagdanan or kahit saan… basta mahilig ako mag-isip… hmmmmm….

10. Tamad – hindi ko na explain to… =P

11. Henyo (daw) – siguro dahil na rin sa lagging pag-iisip ng kung ano ano. Madalas din daw maumpog ang ulo ko noong bata ako. Na dextrose na rin ako sa ulo noon. Top of the class nung elementary, Honor noong Highschool, Nag dean’s list din noong college, pumasa ng board. Pero elementary lang talaga ako studious. Simula noong highschool, dahil malayo na pinapasukan, nagsimula na ako maging pasaway. Noong college, pumapasok ako na bolpen lang ang dala. Pag exam, nanghihiram lang ng calculator. Exam week lang kung magbasa ng notes (hindi ko notes, kundi notes ng kaklase na pina photocopy). Actually, hindi sa ayaw ko mag aral, tamad lang talaga ako (see number 10). And parang cushion ko un just in case hindi pumasa (para me palusot)hehehe. Noong review school naman sa Sampaloc, Manila for the board exams, panay tambay sa bilyaran at baskeball lang ginawa.hehehe

12. Makakalimutin – madalas ako makalimot ng mga simpleng bagay. Generally I have a good memory naman (got me through college without actually studying… more like cramming)… Its just those very simple things I tend to forget (where is my lighter?… where did put my phone?… where is the key?… Where is my favorite robot shirt? =P…What date is today?… Nagawa ko na ba un?). Things like that….

13. Mabait – oo mabait ako! Walang pakialamanan! #@%$!

14. Artistic (or trying to be) – I paint… I draw… I do ambigrams… I conceptualize…I write poems (though I don’t keep them)… I dance (I think)…

15. Subtle – this list is littered with examples.

16. Green-minded – I don’t know but that’s just the way I think. Can’t help it.

17. Prankster – I do little pranks on friends and sometimes strangers to amuse myself. (no, it doesn’t involve humiliating them… I don’t do that. It usually involves me getting humiliated or something. Basta it’s fun. Kwento ko minsan mga gawain ko.

18. Silent – …

19. Witty – wala lang… gusto ko lang isipin na witty ako. =P

20. Makulit – makulit ako… as in grabe makulit talaga ako. I mean, sobrang kulit ko talaga…. I’m not kidding… ako ang hari na kakulitan. Super kulit…. oh wait, I mean Super Duper Kulit. Ok?

21. Makulit – baka kasi hindi ka pa naniniwala na makulit ako… naninigurado lang.hehehe

22. Joker– hindi dahil mahilig magpatawa… dahil gaya sa baraha, wala akong kwenta.hehehe

23. Faithful – Yep. I am faithful. =)

24. Sponge – not only because I look like a sponge (go figure)… I also like information… I mean absorb information… I like to be informed. I like to learn things.

25. Curious – And no, I didn’t kill the cat!… I mean I like to figure things out, how things work. I like to know things. Kahit parang walang kwentang information, or useless trivia. Anyway, its just like #22, pinapahaba ko lang un list. Plus, me difference din naman ung 2. (I think)

26. Liar – (see#23)…. Then #22. =P

27. Shooter? – I play basketball… I’m not a good basketball player, pero pag shooting na usapan, hmmm… laban ako dyan. =P

28. Makakalimutin – madalas ako makalimot ng mga simpleng bagay. Generally I have a good memory naman (got me through college without actually studying… more like cramming)… Its just those very simple things I tend to forget (where is my lighter?… where did put my phone?… where is the key?… Where is my favorite robot shirt? =P…What date is today?… Nagawa ko na ba un?). Things like that….

29. Makulit – Just checking…hahaha =P

30. Adeeek – madalas ako tawaging ganyan dahil sa mga naiisip ko or ginagawa. Kasama na dyan ung “crazy man” (tawag ni mang jonax)… “Adik” (tawag ng karamihan)… “Baliw” (tawag ng second na nakararami)… “Siraulo” (pang 3rd)…and other words of the same meaning…

31. Big feet? – ahem ahem… hi ladies! =P (see #22 again)

32. Tuyo, kamatis and sinangag – my favorite combo pag maulan.

33. Bookworm? – I like to read… pag wala ginagawa. Sa bahay namin dati, basta punta ako ng cr me dala dala akong libro… short stories… noong nagsawa na kakaulit ulit sa mga stories, encyclopedia at dictionary dinadala ko dun… I usually spend 30 minutes or more dun sac r.hehehe

34. R – I cant pronounce it properly… lalo na rrrrrrrrrr…. Kaya nung bata ako, hindi ako makapagpakain ng mga manok.hehehe

35. Only child – Oo, mag-isa lang ako… ang aking ate at nakababatang kapatid ay hindi na nasilayan ang ganda ng mundong ibabaw.

36. Nocturnal – I am a creature of the night…bwahaha ewan, kasi lagi ako late matulog kahit wala naman ginagawa.

37. Naughty – very…

38. Timang – (see #30)

39. Monkey – the animal I have always associated myself with (aside from rabbit (#37)).

40. Timangkey – see #38 and #39.

Ako si Timangkey.

 

Isa lang ako sa ilang bilyong tao na pakalat kalat ngaun sa ibabaw ng mundo. Isang pangkarinawang tao. Isang tao na kahit mawala man sa mundo, hindi mapapansin ng marami (maliban na lang sa mga kilala ako personally at ung mga pinagkakautangan ko). Walang espesyal akin. Wala akong nasulat na maganda libro, walang sumikat na kanta, walang pinagbidahang pelikula, walang palabas sa radio o tv, hindi binabayaran para maglaro ng kahit na anong sport. Isa lang akong sa mga tinatawag na “Average Joe”. Marahil ay pamilyar ka na rin sa aking buhay. Maaring ang buhay ko ay katulad ng buhay mo o isang kakilala mo. Ngunit sa akin palagay, meron ka pa rin matutunan at madidiskubreng bago kahit paano sa akin dahil sa ilang bilyong “Average Joe” meron at meron silang pagkakaiba. At kung meron ka man matutunan kahit isang bagay lang mula sa akin, masaya na ako.

 

These are my thoughts. This is my story (our story). I am Timangkey.

Timangkeylendaryo

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930