You are currently browsing the tag archive for the ‘random things’ tag.

Dahil na rin sa kagustuhan ng 2 blogger na magpost din daw ako ng mga bagay sa akin, ayan ginawa ko ito. (Oo, ganun ako kauto-uto.hehehe) Nagpost na ako ng kagaya nito dati, nasa page ko ngaun na Ako si Timangkey. Basahin mo rin un kung me panahon ka pa.

• Pang-apat ako sa 3 magkakapatid.

• Ayun sa aking mga magulang, “agtudo” ang unang word ko. 8 months daw ako noon.

• Minura ko daw ung pari na nagbinyag sa akin nang binuhusan nya ng tubig ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong age ako dito. Hindi ko din alam na me ganitong nangyari. hehehe

• Ni minsan, hindi ko pa naranasang magkaroon ng birthday cake. (gusto ko pa naman mag blow ng kendol)

• Ang una at huling regalo sa akin ni “Santa” ay isang remote control na kotse. (bakit kaya hindi na nasundan? Good boy naman ako.)

• “Bargan” ang tawag sa akin ng mga tito ko sa akin noong bata ako. Di ko alam ang meaning nun.

• Ang pinakaunang pagkain na niluto ko ng mag-isa ay Payless Instant noodles. Wala kasi tao noon sa bahay at sobrang gutom na gutom na ako. (hindi ko na matandaan kung masarap)

• Ang favorite color ko ay fos.. foch…fusi..fuch.. Black.

• Hindi ko nabibigkas ng maayos ang letrang R.

• Si spongebob ang favorite cartoon character ko. (kamukha ko kasi at parehas kami isipbata)

• Nakapatay na ako…. ng mga baboy. (so far baboy pa lang… mag level up kaya ako ng specie?wehehe)

• Nag start lang ako uminom ng alak noong 3rd year college na ako. (kailangan ko maghabol for those lost years.hehehe)

• Spaghetti ang favorite food ko.

• Mula pagkabata, basta natutulog ako gusto ko matulog ng nakatakip ang tenga. Kaya ngaun, basta matutulog kami ng misis ko, lagi nakapatong ang braso nya sa tenga ko.

• Mahilig ako magbasa ng kahit na ano lalo na kapag bored.

• Napalo kami noong practice ng graduation rites naming for elementary. Late kasi kami dumating dahil nagpatambling tambling kami sa mga tambak ng dayami sa bukid. (kakahiya, me speech pa naman ako)

• My very first painting is of me smoking. My second is of my daughter (not smoking). So far that’s it. Kakasimula ko pa lang naman.

• Hindi pa ako nakakatikim ng StarBucks. (Loser)

• Nakasanayan ko na ang magsabi ng “Ingat” sa mga taxi drivers pagkababa ko sa taxi nila, lalo sa gabi.

• I have the tendency of seeing 11:11 am/pm on digital clocks. I don’t know why but it really is very freaky when I started noticing it. It started when I was reviewing for the Boards. I was 22 then. (me nabasa ako sa internet about this thing)

• Kinagat ako ng 3 aso noong elementary ako. 21 all in all ang kagat sa akin. (pasalamat sila hindi pa ako umiinom noon)

• I was blind for almost a week when I was in grade 4. Hindi ko mamulat ang mga mata ko dahil sobra akong nasisilaw. Ilang araw na nakapiring ang mga mata ko para hindi ako masilaw. (ang hirap ng feeling)

• Hindi ko gusto ng Paksiw na isda. (yuck!)

• Noong nasa isang bldg sa Ortigas pa ang office naming, pinagtripan ko pindutin ung firealarm ng bldg. Nag alarm ang buong bldg. Kinuha ng guard ang name ko, pero wala naman ako natanggap na memo. (bwahahaha)

• Nagdadasal ako kapag kumakain, natutulog at pag magbyabyahe pero hindi ako nagsa sign of the cross.

• Kapag tumatawid sa kalsada at me mga babae, lagi ako doon sa in coming vehicles side. Lilipat sa kabilang side naman pagdating sa gitna. Natutunan ko ito ke Monette.

• Me scar ang right knuckles ko dahil noong bata kami, pagkatapos manood ng kungfu movie, sinuntok ko ung kawayan na post eng sampayan naming. (Basag ung kawayan, basag din ung kamao ko.)

• Me phobia na ako sa mga bus na paakyat at pababa ng Baguio. Minsan na ako nasakay sa isang bus na nawalan ng preno at bumanga sa gilid ng bundok. Buti hindi nahulog sa bangin. (thank God)

• Kasali ako sa Drum and Lyre competitions noong elementary. (I feel so cool then. Looking back, naaah)

• Hindi ako marunong lumangoy. (Kahit ung style ng aso hindi ko alam. Oh wait… oh never mind)

• Sinuntok ng doctor ang tyan ko noong tinutuli ako dahil sigaw daw ako ng sigaw. (Tinatakot ko lang naman ung mga susunod sa akin eh. Alang hiya talagang doctor un.)

Advertisements

Timangkeylendaryo

Setyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930