You are currently browsing the tag archive for the ‘things’ tag.

– magluto ng Instant Pancit Canton. Magpapakulo ng tubig. Ilalagay ang noodles sa kumukulong tubig. Pagkaluto sa noodles, imbes na idrain, nilagay ang sahog sa pansit na me tubig pa. Mami ang labas ng originally eh pancit canton dapat.

– brown out. wala kang magawa sa bahay. nagiisip ka ng gagawin. maiisip mo manood ng tv or maglaro ng computer. pagdating mo sa harap ng tv, marerealize mo brown out nga pala.

– pakiramdam mo me kulangot ka. pero hindi mo ito maalis kasi me mga tao. pupunta ka sa harap ng salamin para tignan. wala naman.

– Kakalabit ka ng taong akala mo ay ang kilala mong kaibigan, pero pagharap ay iba pala.

– Iinom ng sobra sobra. matatamaan. mahihilo. magsusuka. yakap yakap ang indoro at hirap sa pagsuka, nangakong hinding hindi na iinom ulit. wala pang isang linggo,  umiinom na naman.

– Bababa ng hindi nakapagbayad sa jeep.

– mamimili sa department store. pag-uwi sa bahay, wala ang pinamili. naiwan sa tindahan.

– maligo sa dagat ng basura?

– taeng tae ka na. at sobrang nagmamadali ka na umuwi. pinagpapawisan ka na nga malapot. sinasambit ang “wag muna please” sa sarili ng isang libong beses. pagkadating sa bahay, magmamadaling pumunta sa cr. pagkapasok na pagkapasok sa cr, biglang mapapahinto dahil biglang lalabas na eh hindi ka pa nakakaupo sa inidoro. mapapapikit. sasambitin ulit ang “wag muna please”. pagkalipas ng sakit, dadalling uupo sa inidoro….. walang kasing sarap na ginahawa.

– labasan ng kanin or tubig sa ilong dahil sa tawa o hatsing.

– nauutot pero pilit pinipigil dahil nasa loob ng jeep o bus.

– managinip ng mganda (wet dream?). biglang magigising. pipiliting matulog ulit sa pagbabakasakaling matuloy ang naudlot na panaginip.

Advertisements

Timangkeylendaryo

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930