You are currently browsing the tag archive for the ‘Timangkey’ tag.

: )

Advertisements

Nitong mga nakaraang araw, bigla na naman nauso ang mga religious issues, salamat kina Manny Pacquiao at Lady Gaga. Uminit na naman ang mga diskusyon tungkol sa kung ano ang tama o mali, moral o immoral tsaka kung anu-ano pang antonyms.

Nagalit ang mga bading kay Manny dahil umano sa kaniyang binitiwang salita patungkol sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga nakikipagrelasyon sa kapwa nila lalaki/babae. (Manny Pacquiao: mahusay MAKIBAKA, hindi MAKABEKI).

Ang mga “relihiyoso” naman mukhang nakitaan ng sungay at buntot si Mother Monster, a.k.a Lady Gaga na nagpasikat ng mga kantang Poker Face at Born This Way. Siya din ang nagpasikat ng fashion brand na Monterey na mabibili na ngayun sa Frozen section ng lahat ng SM Supermarket nationwide.

Ito ang seryosong tanong.

Sino ang dapat magsabi kung ang isang bagay ay tama o mali? Sino ang magsasabi kung ang isang bagay ay masama o hindi? Sino ang magsasabi kung ang bagay ay immmoral o hindi?

Ang tama at mali, masama at mabuti ay nakapa subjective. Ako bilang ako, naniniwala ako na lahat ng bagay ay subjective. Ako bilang hindi ako, hindi ko alam. Para sa akin lahat ng bagay ay nakasalalay sa perspective. Walang absolute ika nga. Maliban sa tubig.

Para sa karamihan, ang moralidad ng isang bagay ay naayun sa kulturang kinagisnan at ang kulturang kinagisnan ay madalas naaayun sa relihiyon o paniniwala. Para sa mga Kristiyano, madalas nakabatay ang moralidad ng isang bagay sa kung ano ang nasasaad sa Bibliya. Koran naman para sa mga Muslim. Tanakh para sa Judaismo. Sruti para sa Hindus. Tripitaka para sa Buddhists. Tao Te Ching para sa Taoists. FHM para sa Soloists.

Totoo ba ang Bibliya? Historical ba ito? O isang napakagandang kwento na inakda ng maraming tao sa loob ng maraming taon? (isipin mo na lang nagsama sina Tolkien, Rowling, Shakespeare, Coelho, Lewis, Dickens, Twain, Tolstoy, Bob Ong, etc upang gumawa ng isang super novel).

Dahil alam ko mas madami sa atin dito ang Kristiyano at pamilyar sa Bibliya, tignan natin ang istorya nina Adan at Eba.

Si Adan ay ginawa ng Diyos. Nanggaling si Eba mula sa tadyang ni Adan. Nasa Hardin sila at masaya. Sinabihan sila ng Diyos na huwag kakain ng bunga mula sa Puno sa gitnan ng hardin. Kinausap si Eba ng ahas. Kapag kumain siya ng bunga ng puno sa gitna ng hardin, magiging parang Diyos na rin siya. Malalaman niya kung ano ang tama at kung ano ang mali. Kumain si Eba ng bunga. Pinakain din nya si Adan. At doon namulat sila kung ano ang tama at mali. Nahiya sila na wala silang saplot. At nagtago sila mula sa Diyos dahil sa kanilang hiya. Pinalayas sila ng Diyos mula sa Hardin.

Ayun sa Bibliya, hindi pa alam ng nina Adan at Eba kung ano ang tama at mali. Hindi nila alam kung ano ang mabuti at masama. Ang tanong ko, kung ganun maari silang makagawa ng mga bagay na hindi nila alam na mali o masama. Baka kaya nila nagawang kumain ng prutas dahil hindi nila alam na masama ang suwayin ang utos ng Diyos. Bakit nasa Hardin ang puno na yun kung san pinagbabawal kumain ng prutas? Di ba pwede wala na lang? Paano kung isang hayop ang nakakain ng prutas na yun? Mahihiya din ba ito dahil wala itong saplot? Kung pinakain nina Adan at Eba lahat ng mga hayop ng prutas din na yun, lahat ng hayop ngayun, may mga damit din sana.

Tanong. Naniniwala ka ba sa Bibliya? Ako, Oo. paano ko malalaman kung totoo ang mga nakasaad dito? Ewan ko. Hindi ko mapapatunayan na totoo, pero naniniwala ako. Yan ang tinatawag na Pananampalataya. Faith.

Ang Pananampalataya ay ang paniniwala sa isang bagay na hindi pa napapatunayan o hindi kaya patunuyan bilang totoo. Kung wala ka nito, wala ka patutunguhan sa mundong ibabaw.

Bumili ka isang lata ng me tatak, “555 Sardines”. Paano ka nakakasiguro an sardinas nga ang laman? Pero binili mo pa rin. mapapatunayan mo na sardinas ng kapag nabili mo na, nabuksan at nakain. Ngunit sa puntong nagdesisyon ka na bilhin ang latang iyon, pinapakita mo ang Pananampalataya na tama ang nakalagay sa tatak nito. Paano ka nakakasigurong mahal ka ng kasintahan mo? Paano ka nakakasigurong ang driver ng taxi na sinakyan mo ay hindi holdaper? Paano ka nakakasigurong babae nga yung sinipulan mo kanina? Paano ka nakakasiguro sa mga bagay-bagay kung wala kang pananampalataya?

At bakit kapag nahatsing ka kailangan mo pang ipagsabi sa lahat na para bang hindi alam ng iba ang tawag sa ginawa mo?

O maling MALIGNO

PANITIKAN na napikit

LARAWAN, la na raw

KULISAP sa kulip

GG ang ulo ng GALUNGGONG

HINUHA ni Huha

 SILID-AKLATAN ka, nadilat sila

KAGAWARAN na agaw kara

 SARANGGOLAng, lagas ora

BAYANI na Biya

Sumali sa pakontest, gumawa ng tula

Ayun, Timangkey, muka lang tanga!

Anagram much?! 😛

An anagram is a type of word play, the result of rearranging the letter of a word or phrase to produce a new word or phrase, using all the original letters exactly once; for example orchestra can be rearranged into carthorse. Someone who creates anagrams is called an anagrammatist.[1] The original word or phrase is known as the subject of the anagram.

http://en.wikipedia.org/wiki/Anagram

 

“Talagang masakit ang pagpaparaya. Dahil ang pagpaparaya ay pagpapa-aray.”

“Ang pag-ibig ay parang karayom at sinulid. Pwede sulsihan ang mga sira ng nakaraan. Ngunit kung
hindi ka nag ingat, hindi mo na naayos ang sira, masusugutan at masasaktan ka pa.”

“Ang pag-ibig ay parang posporo. Nakakabigay ng ilaw sa gitna ng kadiliman. Gamitin upang sindihan
ang kandila upang lalong yumabong at magtagal ang ilaw. Ngunit ang pag-ibig na ipanagwalang bahala,
ay namamatay.”

“Me nakatadyang umibig sa bawat tao. Wag mo isipin na walang nagmahal at magmamahal sayo. Dahil kahit ang tae,
ay minamahal ng langaw.”

“Ang pag-ibig ay parang tae. Gaano mo man ito pigilan, mahahalata at mahahalata ito.
At kahit pa pigilan mo ito, aabot din sa puntong lalabas ito. Gaya ng tae na masama sa katawan
kapag pinigilan, ang pag-ibig kapag pinigilan ay masama sa katauhan.”

–REPOSTS from Last Years Timangkism–

–          “Love is a disease and is also its own cure.”

 

–          “Ang Valentines ang araw kung kelan nakakatanggap ng flowers ang mga babae. Sa Valentines din nakakatanggap ng flowers ang mga lalaki sa gabi.”

 

–          “Unspoken true love does not make it less true,  Spoken false love makes it more false.”

 

–          “They say Love of Money is the root of all evil. Some say Love of Power is the root of all evil. Notice the similarity? I say, Love is the root of all evil.”

 

–          “Ayun sa mga nakaugaliang simbolo, ang simbolo ng pagmamalan ay 2 puso na tinusok ng pana. Kaya kayo, pag sinabi nyong mahal nyo ung babae, ung puso ang puntiryahin nyo. Wag kung ano ano yang pinagtututusok ninyo. Malayo sa puso yan!”

 

–          “Parang masaya tumabay sa gate ng mga motel tapos magdala ka ng malaking DSLR.  Tapos pagkukunan mo ng litrato lahat ng papasok.”

 

–          “They say Love of Money is the root of all evil. Some say Love of Power is the root of all evil. Notice the similarity? I say, Love is the root of all evil.”

 

–          “Sa tingin mo? Alin ang mas marami, nasaktan ng dahil sa pagmamahal o lumigaya dahil sa pagmamahal?”

 

–          “Me narinig na ako dati na magandang solusyon sa Overpopulation. Ayun sa narinig ko, bakit hindi sila maglaan ng pondo para mag research kung paano magiging lasang chocolate ang semen ng mga lalaki. Naisip ko naman, baka dumami din ang bading.hehehe”

 

–          “Love is a mental thing. It makes you go mental.”

 

–          “Wag ka na magtaka kung bakit kaakibat na ng pagmamahal ang pagkaramdam ng sakit. Kaya nga Pana ang gamit ni Kupido at hindi tableta o potion.”

 

–          “Love and Lust start with the same letter, but everything else is different.”

 

–          “Ang Valentines ang araw kung kelan nakakatanggap ng flowers ang mga babae. Sa Valentines din nakakatanggap ng flowers ang mga lalaki sa gabi.”

 

–          “Minsan, nasasabi mo na mas mahal mo ang isang tao kesa mahal ka nya. Para sabihin ko sayo, hindi nasusukat ang pagmamahal. Hindi gaya ng distansya na kaya sukatin ng metro, hindi gaya ng bigat na kaya sukatin ng gramo, hindi gaya ng oras na pwede sukatin ng segundo. Kung nasusukat ang pag-ibig, sa dami na ng taong nagmahal, meron na sana nakaimbento ng paraan ng tamang pagsukat nito. Pero wala… dahil hindi nasusukat ang pagmamahal. Wag ka na magsukat… Magmahal ka na lang!”

 

–          “Paanong naging maganda ang pagmamahal kung sa bawat isang tao na napasaya ng pagmamahal, me 2 o higit pang nasasaktan.”

 

–          “Me nadidinig ako minsan na, ayaw nila tawaging sex ang ginagawa nila kundi “making love”. Ang sex daw ay para sa hindi nagmamahalan. Ang make love para sa nagmamahalan… I say, bullshit! If you are already in love or you already have love, why make it?”

 

–          “Ang Valentines Day ay parang New Years Day. Madaming Putukan. At meron at merong madidisgrasya.”

 

–          “Ang pagmamahal ang pinakamakapangyarihang emosyon sa lahat. Kahit ang Diyos nga, ibinigay ang kanyang Anak dahil sa pagmamahal nya sayo. Pahalagahan mo ang salitang yan.”

Last time we went to La Union, TimangKID said something that made me think she is psychic.

Naglalaro sila ng mommy nya at naisipan nilang tawagan ang kanyang Tita na nasa Pampanga. Dahil nga sa Pampanga na xa lumaki (and i mean lumaki) mula ng mag 3 years old, close sila ng mga tao dun. Gustong gusto nya na kinakausap sila whenever possible.

Sa pagtawag nilang yun, nagkataong andun mga pinsan nya. So ayun, usap usap. Ang usapan nila ay tungkol sa mga stuff toys, cartoons at kung ano anong man mga pinagtsitsismisan ng mga bata. Naka loud speaker ang phone kaya kinig lang kami ng Trainer ko. Then out of nowhere, biglang sinabi ng TimangKID “Nabasag ang itlog!“. After that, paulit ulit lang nya yun sinabi. Wala naman kami narinig na usapan nila na me kinalaman ang itlog. Tinanong namin kung ano yung basag na itlog pero inuulit lang nya na basag nga ang itlog.

Last week, nalaman namin ang kahulugan ng sinabi ng TimangKID. Basag nga ang Itlog.

She’s going to be an ATE. 🙂

———————————————————————————————————–

Gusto ko na rin ishare ang ilan sa mga kakulitan ng TimangKID.

Background: Ayaw magpatulog ni Issa. Nangungulit sa kanyang mommy. Mababa ang blood pressure ng trainer kaya bawal daw mapuyat at maaga pa ang pasok kinabukasan.

Trainer: Issa, bawal mapuyat si mommy. Tulog ka na please. Gusto mo bang magkasakit si mommy?

TimangKID: (palambing) Okay lang yan mommy. Bibisitain naman kita sa hospital.

——————-

Background: Naglalaro kami sa kwarto kasama si trainer. Naglalambing ang TimangKID.

Trainer: Ang ganda ganda naman ng baby namin.

TimangKID: (kinikilig) Ganda ka din mommy.

Trainer: Thank you. 🙂

TimangKID:( lumapit sa akin. Hinwakan ang mukha ko tinapat sa mukha nya.) Daddy ang gwapo mo naman.

Timangkey: Wow! Thank you. 🙂

TimanKID: Kaw naman daddy! Joke lang. 🙂

Timangkey: 0.O

——————-

Background:  December 30. Dumating sa Pampanga ang parents ko galing La Union para sunduin kami para makapag New Year sa La Union. Kumakain na kami ng dinner hindi mapakali ang TimangKID.

TimangKID: Daddy! Daddy! nasan na yung regalo na ibibigay ko kina Lolo at Lola?

Timangkey: Mamaya mo na ibigay. Nasa maleta.

TimangKID: Gusto ko ngayun na!!

Timangkey: Mahirap hanapin. Mayamaya na lang pagkatapos kumain.

TimangKID: eeeehhhh Ngayun na.

Timangkey: O sige. hanapin ko.

Makulit talaga ang Timang KID. Nahanap ko ang regalo. Inabot ko kay TimangKID at inabot naman niya kina Lolo at Lola. Tuloy ang kainan. Tahimik lang ang TimangKID.  Hindi ginagalaw ang pagkain. Pagkalipas ng 2 minuto na hindi mapakali, nagsalita ang TimangKID..

TimangKID: (kinausap ang lolo at lola) Asan na regalo ko?!

Kaya pala apurado.

Some of my stats in FB when i took a time of from blogging … Wellcome back. lol

(it was not a typo) 😛

Sana maka develop ako ng game sa FB na papangalanan kong “With MySelf”… tapos makakakita ako ng mga Status na “is playing With Myself”. 😛

Contrary to popular belief, ang mga talangka ang utak tao kaya sila naghihilahan pababa…

Gumagamit siguro si Harold Camping ng On This Day God Wants You To Know Application sa FB.

Kapag ang elevator ay going down, elevator pa rin ba dpat ang tawag?

I think i saw a dragonfly but i am not sure….!! Tutubi or not tutubi?

Government Warning: Church is dangerous to your Reproductive Health.

Sadyang mahirap ang magpatawad!…. lalo na kapag tindera ka .

Tuwing maggo-grocery kami sa SM, lagi ako nakakakita ng mga bata ng nakasakay sa mga pushcarts. Gusto ko pagtripan at tanungin sa cashier “Miss, saang aisle po makikita yung mga binebentang bata?”

Reindeer are horny.

I finally got it… why it is so successful… ChickenJoy… ChickEnjoy… Chick Enjoy. “Hi sir, here is your Chick, enjoy!”

Me ubo ako pero gusto ko mag yosi…. sana makaimbento sila ng gamot sa ubo na sinisindihan at niyoyosi.

Ako ay nagbabalik at ang isa kong kuko ay patay. Thank you. yun lang. 😛

Well, hello there? Musta na? Tagal din natin hindi nakakapagusap ah. Miss ba ako ng tatlong readers ko?

I’ve been very busy (kunwari) for the past months. I only managed to write 1 post in a span of almost 5 months. Eh dati naman 2 posts kada lingo.  Sana makahiligan ko ulit ang magsulat.

Nga pala, Happy New Year!!! Pasensya na kung medyo late. Ganun talaga eh, huli man daw ang timangkey, matalino pa rin. Bawi na lang ako sa pagbati next na holiday.

Happy Valentines!!!

Ayan, nakabawi na ako.

Nakakabagot din pala kapag naubusan ka ng basura na itatapon sa cyberespasyo. Nag general cleaning kasi sa utak ko last year kaya wala akong maikalat dito sa blog ko. Mararamirami na rin ako naikalat na kalokohan, kabulastugan, kabastusan dito. Nagtayo ng kulto na na me isang taon na mahigit ngunit wala pa sumasali. Mura lang naman ang registration fee. Pero for the last 5 months talagang wala ako oras para magsulat kahit magbasa sa ibang bahay. Napagtripan ko pa sumulat ng kwento. Naaalala mo si Dean? Ako hindi na. Gusto ko matuloy ang kwento nun kasi gusto ko malaman kung ano mangyayari. Sana this year. Sana. Lumipas din anibersaryo ng bahay ko na hindi ko man lang nacelebrate. Kung me bumati pa sana ay kung nagkataon nilibre ko at pinainom ko, sky is the langit.

Wala na rin ako balita sa mga kaibigan dito. Sino sino pa ba mga active dyan? Paramdam naman kayo. Sino sino mga naputulan ng kamay noong Bagong Taon? Magcomment naman kayo.

Dahil bagong taon, sana bumalik ulit ang dating gana sa pagsusulat. At dahil bagong taon, ililista ko na lang mga bagay at kurokuro na aking natutunan at napag isipisip nitong nakaraang taon:

–          Ang shelf life ng New Year’s Resolution ay 2 weeks to 2 months lang.

–          Mas bagay tawagin itong New Months Resolution.

–          Nakakainis na kung kelan Bagong taon pinaiiral ng militar at ng mga rebelde ang kanilang “Tigil Putukan”. Mga lintik kayo, eh kung tigil putukan kayo buong taon tapos sa New Year ninyo ibuhos para mas maingay! Para kahit hindi na magpaputok mga bata!

–          Ang paputok ay hindi lang pantanggal ng malas, pantanggal din ito ng mga daliri.

–          Ang mga bata karaniwang napuputukan sa kamay, ang mga bading sa pwet.

–          Mas makakatipid ka kapag magdala ka ng recorder at irecord mo lahat ng putukan na maririnig tuwing bagong taon. Ipatugtog mo na lang ito ng pagkalakas lakas kapag alas dose na. Pwede ulit ulitin. At pwede pa gamitin next year.

—————-

–          Maglock ng pinto kapag gagamit ng cr…. Lalo ng kapag hindi mo bahay.

–          Kung kelan ka walang pera saka ka madaling magutom.

–          Ang tagalog pala ng Gray ay Putim.

–          Hindi nasusukat ang kagandahan sa panlabas na anyo, kundi sa panloob… na suot.

–          Wag papasok sa office ng bukas ang zipper… lalo na kapag wala kang panloob.

–          Ang pantalon ay pwede ding panlakad, pantakbo, pantulog, etc.

–          And Ibong Adarna kapag naiputan ka, titigas ka. Si Ellen Adarna, makita mo pa lang…

–          Wala akong kwentang kausap.

Oh siya! Balitaan nyo ako. Sana tuloy tuloy na ulit ito. 😛

Un-sad. Un-A.S.D. Undas.

As I got out of the tricycle and saw the cemetery, I half expected a band to play and march on the the streets, with floats following and with confettis flying through the air.

There were food stalls everywhere. Teens were wearing their “gimik” get up. Toy vendors peddling wands with flashing lights, headbands with glowing red devil horns and other toys. People enjoying the assorted food they spent all evening preparing. Children playing and running around.

It was a relatively happy atmosphere. Feastive actually. Maybe that’s why they call it “‘Pista’ ng Patay” (more like Pista ng Buhay).

Maybe they should have a “Pa-liga”. or Barangay Officials night. or have a big Cook-Off that is almost a common activity nowadays for fiestas in a bid to get the World Record. Longest this. Biggest that. And to complete the recipe, a talent search and a Beauty Contest, MISS UNDAS 2010.

Whoever named this Holiday got only half of it right. I did not see a single corpse enjoying the good food. I did not see any corpse enjoying the latest “chika” from someone who he havent heard from for quite some time. I didnt even see any corpse dancing to the latest “K-pop” songs blaring from the sound system (and those songs really make “everyone” wanna sway their hips, fling their hands, bob their heads or at the their least tap your feet). I did not see some little corpses playing with their glow in the dark yoyos or devil horns. Nevertheless, even with the absence of gluttonous, gossiping, dancing and playing corpses, the overall feeling of the day was still joyoush. happy. homo.. err.. gay. merry. Un-sad.

I was carrying 2 flower arrangements that made me look like I am courting someone from the grave. Good thing I left the chocolates at home. I was wearing my “World’s 2nd Greatest Dad” shirt, shorts and slippers. Those are not things to wear if you were to go courting especially the shirt so I was confident no one thought i am wooing a dead lady. Plus, its All Saints Day and I am the only one stupid enough to think about such things upon seeing a guy with flowers on this day.

One side of the gravel road lay the graves and on the other side were the mausoleums. These are those structures that look like houses for the graves. The rich are protected from the elements even after death, while some living people brave those same elements day-in and day-out. I suddenly remembered a saying “Aanhin mo ang Bahay na Bato kung ang nakatira ay Kwago….”. I thought, at least the Owl is still living, and really needs the shelter.

“Aanhin mo ang Bahay na Bato kung ang nakatira ay Bangkay…”

Arriving at the site where my wife’s grandparents were laid (no double meaning here), I laid the flowers on the graves. There were food and drinks. Somebody offered but I politely declined. I ate before we went there. There were those who were playing the Filipino favorite, “Tong-its”. I was tempted to join but I know I am not that good yet to play with the “pros”.

So I just stood there, People-watching.

Young women wearing short shorts were everywhere. With those shorts, they should just have written “Dito ka magtirik ng kandila” in front. Young men looking at those women. There were those who looked like they are about to go to the bar with all the make up and accessories. There were the Emo type, with there black shirt, black fitted pants, black eyeliners and (maybe) black underwears. I would have given them scythes if I had brought some. That would have completed their get up.

There were those who have been eating since we arrived. They were still eating.

There are kids playing and running around playing with melted candle wax. Some are buying popsicles from the Icecream vendor with one of those annoying bakground music that plays over and over and over again.

I went into a corner and lighted a cigarette. Good thing they did not ban cigarettes.

I looked at the scene again. If you happen to see the cemetry at a quick glance, you’d think you were in a park (not memorial). There were no above ground gaves and only epitaphs are signs that there were once living people lying below the ground. Its like a Family day weekend or a really really big birthday party was being celebrated.

After some more puffs (and huffs with no pigs in sight), I went to my wife and sat down. Had a little bit of chit-chat. Play with Melissa. And we were off, to another site. This one’s for the other side of my wife family.

Same thing. I just stood in the corner and watch while eating ‘butong pakwan”. Different site, same activities.

I wonder, are we Filipinos really this happy and addicted to the “fiesta” spirit? Every week there must be a fiesta being held somewhere in the Philippines. We are a nation of “fiestas”. We can make a fiesta out of anything. Bangus, Basi, Kulambo, Maskara, etc. Maybe one day, we will have a fiesta for every item found in the local market.

As the afternoon got later and the earth is beginning to be swallowed by its own shadow, we got ready to leave. As we were about to leave, raindrops began to fall. Darkness is slowly covering the cemetery with the lights just coming from unnatural sources. Candles, glowing wands, lights from the mausoleums. We walked again towards the gates of the cemetery.

It is still drizzling.

Aboard the tricycle, I glanced once more at cemetery. Even in the darkness and the drizzle, the place still radiates happiness and celebration.

As the tricycle moved forward, the tears fell down from heaven and expressed the sadness that we have failed to show for this Un-sad day.

Ito ang pinakamakangyarihang bagay, salita o ideya na meron saan mang sulok ng ating mundong ginagalawan. Lahat ng bagay na iyong nakikita, naamoy, nahahawakan, naririnig, nalalasahan o naiisip ay bunga ng kapangyarihang ito.

Pag-ibig.

Sakop tayo ng kapangyarihang ito. Sakop lahat ng bagay. Pati na rin ang pagkakaroon natin sariling bahay na. Ayun na rin sa isang taong nagngangalang Juan, Ang Diyos ay sakop nito dahil ibinigay at sinakripisyo ang kaisa isang anak ng Diyos dahil sa Pag-ibig niya sa tao.

Napaikling salita (mas maikli pa kung sa englis) ngunit hindi lubos na maunawaan. Napaganda sa pandinig. Ilang kwento, tula at awit na nga ba ang nagawa dahil sa salitang iyan? Ilang libro na ba ang nagsikap mahimay sa kaliit-liitan aspeto ng ideyang iyan? Napakadami. Ngunit ipunin man ang lahat ng ating nalalaman tungkol sa paksang yan, magmimistula lamang itong butil ng buhangin sa isang kilometrong dalampsigan kumpara sa tunay at purong kahulugan nito.

Nagbibigay ng kasiyahan sa mga puso kahit pa sa mga pusong naghihingalo na sa pagkabalot sa kolesterol dahil sa pagkain ng matataba. Ang pundasyon ng pag-aalaga ng ina sa isang maliit pang sanggol at ang pag-aalaga ng parehong bata sa kanyang ina sa kanyang pagtanda. Ang kapangyarihang nagpapaikot ng mundo ang bawat magkasintahan, ang ilan minsan ay nasa ilalim ng puno ng kaimito at doon nag-iibigan. Ang bagay na nagbibigay lasa sa bawat pagkaing ihain ng mga kusinero. Ang salitang nagbibigay tamis sa bawat nota na ninanamnam ng kaibigan kong bading habang nakikinig sa musika. Ang ideyang nagbibigay kahulugan sa bawat obra maestra ng isang pintor or iskultor.

Pero ngunit subalit datapwat.

Walang salita na isa lang ang kahulugan. Walang bagay ng panay mabuti ang dulot. Walang ideyang perpekto, kahit pa magpraktis ka ng magpraktis gaya ng sabi ng isang kasabihan.

Dahil na rin sa kapangyarihan ng bagay, salita at ideyang ito, hindi sa lahat ng oras ay panay positibo ang epekto. Gaya nga ng sabi ng isang superhero na mahilig lumambitin, “Sa pagkakaroon kapangyarihan, kaakibat nito ang responsibilidad”. Hindi po Pilipino ang superhero na iyon at hindi rin sya marunong magtagalog, sinalin ko lang.

Sa bawat pusong lumigaya ng dahil sa pag-ibig, mas marami ang umiyak at nasaktan.

Lahat ng giyera na nasaksihan na ng ating mundo ay dulot ng pag-ibig. Pag-ibig sa kanilang relihiyon, pag-ibig sa kanilang bansa, pag-ibig sa kanilang lahi, o simpleng pag-ibig sa kapangyarihan.

Naaalala mo pa ba ang kasabihang “Love of money is the root of all evil”? o di kaya naman ang isa pang bersyon nito na  “Love of power is the root of all evil”?

Hindi ka ba nagtataka ng sa parehong bersyon ay nakapaloob ang salitang englis ng Pag-ibig? At kung papaganahin mo ang lohika, hindi ang pera o kapangyarihan ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang Pag-ibig.

Tignan natin ang pinaka popular na imahe ng kasamaan. Ang Dyablo. Siya ay isang dating anghel sa langit. Isang napagandang anghel. Ayun sa nasusulat siya ang pinakamagandang anghel sa langit. Ngunit anong nangyari? Dahil sa gusto nyang maging makapangyarihan. Gusto nyang maging Diyos. Umibig sya sa ideya ng pagiging Diyos.

Sasabihin mo naman, eh ang sabi eh Gusto nya ang ideya hindi sinabing Umibig sa ideya. Ang pagkagusto sa isang bagay ay iba sa pag-ibig. Ang pagka gusto, gusto mo lang. Wala kang pakiaalam kung makuha mo un o hindi. Ang pag-ibig, gagawin mo lahat para sa bagay ng iniibig mo.

Ang Dyablo ng dahil sa kanyang pag-ibig sa kanyang sarili at sa ideya ng pagiging Diyos ay itinapon sa lupa.

Pera pa ba ang ugat ng lahat ng kasamaan? Kapangyarihan ba? Oh ang dinadakila nating Pag-ibig?

Pag-ibig.

Sa bawat kasiyahan at pagadadalamhati. Sa bawat ngiti at luha. Sa bawat pagwagi at pagkabigo. Sa bawat magkaibigan at magkaaway. Sa bawat maganda at panget. Sa bawat kabutihan at kasamaan. Sabaw at kanin. Sa bawat isa sa atin.

Pag-ibig.

Timangkeylendaryo

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Oct    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930